TAMA NA

21 5 0
                                    

TAMA NA

Mahal! Mahal kita.
Mahal na mahal kita, alam mo naman yun di ba?
Pero tama na, ang sakit na sobra.
Dahil nagmumukha na kong tanga.
TANGA ' sa kakahabol sa taong akala mo hihinto pa
Na umaasang
"Pag lumingon ka, AKIN Ka"
At sasabihin niya ang mga katagang
"Mahal, mahal din kita"
"Mahal pa rin kita"
Mga katagang nagpapakilig sa tenga
Na halos ikabaliw ng sistema
Sa kakahabol ko pa nga ay muntik na kong madapa
Ngunit nagpatuloy pa
Dahil MAHAL KITA.
YES! Dumating ang araw
LUMINGON ka!
Kitang kita mo ang galak sa aking mga mata
At sinabi mo ang mga katagang nais kong madama.
"Oo, Mahal kita"
"Mahal pa din kita"
Lubos akong nagsasaya at niyakap kita
At bumulong
"Mahal, mahal na mahal din kita"
"Salamat at naging akin ka"
Ngunit panaginip lang pala
Hanggang sa panaginip tanga pa rin ba?
Na magiging tayo pa.
Na kahit alam ko na
Na manloloko ka pala
Na pinagsabay mo kaming dalawa
Nananatiling mahal pa rin kta.
Na kahit anong gawin mo, tatangapin pa rin kita
Tanga nga diba?
Na kahit tumatakbo ka sa kanya
Hinahabol pa rin kita!
Pero tama na
Oo! Mahal kita!
Sa pagiging tanga ako na ang bida!
Akin ka pero sakanya ka!
Anong laban ng tanga sa mahal mo sya?
Siguro ito na! Tama na!!
Pati tadhana'y tinuldukan na
Ang pagsasama nating dalawa.
"Sorry mahal lang kita , kaya gusto ko may abangan pa "

"TIPS para hindi na MASAKTAN" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon