It's been a week since the first day of classes. It's also been a week since that Daryll incident.
Pinipilit ni Yv na makalimot kahit minsan ay nahuhuli namin siyang pasulyap sulyap kay Daryll. Pag-ibig nga naman! Nagagawa nitong tanga ang isang matinong tao.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Itatanong ko sana kung bakit ng biglang sumulyap si Kuya Dodong, ang family driver ng pamilya namin sa akin, "Ma'am Vi, narito na po tayo."
Mukhang sa dami ng iniisip ko ay 'di ko namalayan na dumating na pala kami sa BU.
I nodded at lumabas na ng sasakyan, "Salamat ho, kuya Dodong." Tumango lamang s'ya at pinaandar na ang sasakyan para umalis.
Nang makapasok ako sa malawak na grand hall sa bungad ng main campus ay walang sumalubong sa akin na nakabibinging sigaw mula kay Aaron o nakamamatay na kutos mula kay Yannie. Kadalasan kasi'y nandito lang sila sa bungad ng Main. Kung hindi sila lumalamon, nagkakalat naman ng mahalay na balita mula sa aklat ng kalibugan. Aba'y himala't missing in action sila ngayon.
Iilan lamang ang mga estudyante na nakita ko dito. Nasaan sila? Kadalasan ay dito nakatambay ang halos lahat ng mag aaral sa building na 'to 'e. Anyare? May zombie apocalypse ba?
I fished out my cellphone from the side pocket of my maong style backpack and immediately dialed Aaron's number dahil 'yon ang pinaka una kong nakita sa contact list ko.
Matapos lamang ang ilang ring ay sinagot n'ya ito.
Bumungad sa aking tainga ang napakalakas na sigawan at hiyawan mula sa kabilang linya. The instruments playing boomed the shit out of me.
“Hoy, Bakla! Asan kayo? Bakit napakaingay d'yan? Jusko! Nagcutting kayo 'no?”
“Gaga! Edi pinalayas ako sa'min kung nagcutting ako! Punta ka dito sa gym bilis! Nandito kami nila Tara babes.”
I hummed as a response at ibinaba na ang tawag. Hindi ko na kinakaya 'yung malakas na sigawan. Mahal ko pa ang pandinig ko and I have no plan of going deaf this year.
Malayo layo ang gym mula sa Annex 6 kung saan ang classroom namin building kaya ng makarating ako roon ay daig ko pa ang aso sa paghahabol ng hininga. Ang light make up na inilagay ko kanina ay paniguradong wala na dahil sa matinding pawis.
Sa labas pa lamang ay maririnig na ang pamatay na tilian ng mga babae mula sa gym. Ako naman ay heto't napaka inosente, walang kaalam alam. Ano ba talagang nangyayari? May artista ba? O concert? Or a famous band?
Nang makapasok ako ay nadatnan ko ang malasardinas na sitwasyon sa loob. Halos lahat yata ng estudyante sa BU nagsiksikan rito.
Sa sobrang dami ng tao ay hindi na ako nag abala pang hanapin ang mga kaibigan kong hampaslupa. Mamumuti yata ang mata ko at aabutin ng gabi sa kakahanap sa kanila.
Lalabas na sana ako ng biglang may magsalita mula sa stage.
Napalingon ako at nakita ang limang lalaki, lahat ay may hawak na musical instruments.
Napako ang tingin ko sa lalaking may hawak na acoustic guitar. Naka simpleng itim na T-shirt lamang ito at maong na ripped jeans, pero napaka appealing pa rin nito. His biceps were perfectly chiseled, kitang kita ito habang abala siya sa pag aayos ng strap ng gitara na nakasabit sa balikat n'ya. Hindi ko makita ng maayos ang mukha n'ya dahil medyo malayo ako sa kinaroroonan nila, pero maaaninag pa rin ang matangos n'yang ilong.
“This will be our last song for today.” Nang sabihin iyon ng lalaking chinito na naka leather jacket ay isang batalyon ng 'aww' ang narinig mula sa mga babaeng ingrata na nanunuod.
BINABASA MO ANG
Love? Nakakain Ba 'Yun?
Teen Fiction"I'm not afraid of heights, deep oceans, and being in love. I'm afraid of falling, drowning, and getting hurt. I'm not scared of commitments, I'm scared of giving my all to someone and ending up with nothing again."