20.
Unfortunate fate
CHARLOTTE's POV
It's funny how I live my life now. A few weeks ago, I'm the person who was totally opposite of what I am now. I've never thought that I'm going to love this jerk-this dumbass dude who has always been there during my weakest days; during the moments I need someone to lean on.
"Hindi ko akalaing, akin ka na." Muling nabaling ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan ngunit nang sandaling mapatingin muli ako sa kaniya'y tila ba mas nahulog ako lalo.
I can't believe that we're on the top of everything. Parang sa mga romantic movies ko lang nakikita 'to-tumatambay sa rooftop ng isang building kasama ang taong mahal mo. And I can't deny anymore that I feel so lucky knowing that I already have him.
"Ang baduy mo, ha? Gusto mong itulak kita?" pagbibiro ko sa kaniya kaya naman lumingon siya sa direksyon ko dahilan para magtama ang aming mga mata. Shit. Pierce Cadwell, why are you doing this to me?
"Kaya mo ba?" tila ba nang-aakit niyang tanong sa akin. Pakiramdam ko namumula na ako kaya naman upang maiwasan ang kahihiyan ay iniiwas ko na lamang ang tingin ko't pinagmasdan ang kabuuan ng syudad.
Napakagandang tanawin, kung pwede lamang na dito na lang kami habambuhay, ayos lang sa akin. Pero syempre, mas maganda kung mas maraming memories pa ang mabuo namin. Kasama na doon ang mga kaibigan namin.
Sa totoo lang, manginig-nginig ako kanina nang una kong matanaw ang syudad mula rito sa rooftop ngunit nang maalala kong may kasama nga pala akong mas katakot-takot, tila ba bahagyang napawi ang pangamba kong 'yon.
"Ano bang lugar 'to? Wala naman siguro tayo sa Baguio, hindi ba?" muli ko pang usisa sa kaniya. Sinusubukan kong pagaanin ang atmosphere sa pagitan naming dalawa sa pamamagitan ng pagbibiro. But hell I can't resist the awkwardness na kanina pa bumabalot sa amin.
"Sa tingin mo, malapit 'yang sinasabi mong Baguio sa kinaroroonan natin ngayon?" Naramdaman ko ang pagiging sarcastic niya kaya naman agad akong umirap dito at nagsimula nang tumayo.
"We need to go back. For sure hinahanap na tayo nina Halton doon," wika ko. Masyado nang nagiging too good to be true 'to. Alam kong hindi na dapat ako mag-inarte pa ngunit marami pa namang panahon para sa aming dalawa lalo na ngayong, he's officially mine. Yeah, it sounds so weird but that's the fucking reality.
Dahil sa wala na rin naman siyang magagawa, tumayo na lamang din siya at dali-dali akong hinabol bago ipinatong ang kaliwa niyang braso sa balikat ko. Hay. Kainaman talaga!
***
Days passed. Parang naging normal ulit ang lahat pero ang kaibahan nga lang, mas lalong naging bwiset si Pierce sa buhay ko. 'Yung tipong tuwing umaga na lang, siya na 'yong manggigising sa akin. Tapos minsan, para siyang batang napakakulit. Hayy! Minsan hinahayaan ko na lang din pero minsan, hindi ko na rin natetake 'yung kakulitan niya kaya naman pinapatulan ko na lang din.
BINABASA MO ANG
Pink Clouds In Her Kingdom
FantasíaGrew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...