First and Last

21 0 1
                                    

Third Person POV

Sa isang maliit na silid may dalawang tao ang naguusap nahahati lamang ang ito dahil sa isang malapad na lamesa.

Halatang iritado na ang taong nakasuot ng isang puting tshirt na nababalutan ng kulay blue na jacket na may logo ng NBI,samantalang ang babaeng kaharap niya ay halatang balisa at maraming sugat sa katawan at naliligo sa pulang likido.

" Nandyan na siya...Malapit na siya..."sabi ng babae habang palinga linga sa paligid

"Sinong siya?huwag mo kong paglaruan,Sagutin mo ako bakit mo pinatay ang buong pamilya mo?!"lumalabas na ang ugat sa leeg ng lalaki at halatang medyo natatakot na ito

"Pakawalan mo ako rito... At Hindi siya dadating"seryoso at kalmadong sabi ng babae

"Ha,sinong taong loko-loko ang maniniwala sayo,o siya bumalik kana sa selda mo"sabay tawag sa mga pulis na nasa labas at dinala na sa selda ito ngunit bago ipasok

"Tandaan mo ito,babalikan niya ako at kapag dumating ang araw na narito na siya ako mismo ang 'Papatay' sayo."may diin nitong sabi at lumakad na kasama ang mga pulis palayo at pinagsawalang bahala lamang ito nang nagiimbestiga

Leslie POV

Nararamdaman ko na naman siya..alam kong nasa paligid lang siya...mga.mumunting bulong ang bumalot sa aking pandinig,ayoko na

"Layuan mo na ako...Ayoko na sumunod sa mga utos mo,hayaan mo akong pagbayaran ang mga kasalanan na nagawa ko sa pamilya ko hindi kita isusumbong basta't hayaan mo na lang ako..parang awa mo na" halos mawalan nako ng hininga sa kakaiyak hindi ko na kaya ang pinagagawa niya sakin paulit ulit kong naaalala ang kahayupang ginawa ko

'Araw ng linggo sabay sabay kaming magtutungo sa simbahan at magdadaos ng kaarawan ng aking nakababatang kapatid sa parke pagkatapos magsimba ngunit nung kami ay naka labas na sa simbahan may nakasalubong akong isang matandang babae nakasuot ng itim na belo itim na bistida nahuli niya yata akong nakatingin sa kanya at nakipagtitigan siya sakin na ikinabigla nang pagsakit ng aking ulo ang aking pagkauhaw na kahit anong inom ko ng tubig ay hindi mapawi sinabayan pa nang pagkagutom nagiinit ang aking tyan parang may hinahanap na iba,ibang pagkain...

Nang makauwi na kami sa aming bahay samut saring bulong ang aking naririnig halos mamilipit ako sa aking higaan at palakad lakad. Mistulang nababaliw ngunit pagkatapos non' hindi ko na alam ang nangyari nagulat na lamang ako kinakaladkad nako ng mga pulis paalis sa aming bahay. Napapalibutan ito ng dilaw na tape at mga ambulansiya sinamahan pa ng mga chismosang kapitbahay .

Hindi ko na napigilan ang aking damdamin at napaluhod sa aking nasaksihan ang aking ina ay nakasakay sa stretcher at natatakpan ng puting tela na mistulang binawian na nang buhay, ganoon rin sa aking ama at ang pinagtataka ko wala ang aking mga kapatid . hindi ako makapaniwala paanong nangyari iyon' at doon ko naalala ang aking ginawa.

Lumabas ako ng kwarto parang hindi ako ang kumokontrol basta ko na lamang pinasok ang kwarto ng aking mga kapatid,at mahimbing ang kanilang tulong lalo na si bunso,limang taon siya ngayon at si Leila ang sumunod sa akin labingpito na siya.Namalayan ko nalang ang aking sarili na pumunta sa kusina at kinuha ang isa sa mga napakatalas naming kutsilyo.

tinahak kong muli ang kwarto ng aking mga kapatid inuna ko ang bunso namin ginilitan ko muna siya ng leeg para hindi na makasigaw pa at tiyaka ko hiniwa ang kanyang tiyan doon naglabasan ang isang nakapagpapawi ng aking uhaw ang dugo ayon pala ang hinahanap hanap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Uncontrolled Psychopath (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon