Zack Pov'sPauwi na kami ngayon.Nakasakay na kami sa kotse.
Ang ingay ingay ng mga kasama ko kase ang saya saya daw nila dahil nakasama namen sila Christine.Tss.Kinikilig ang mga kupal.
"Oo nga eh,oh alam niyo bang?.."pabitin ni Joshua.
"Di namin alam kaya sabihin mo na wag ka ng pabitin"singhal ni JP.
"Alam niyo bang..."di natapos ni Joshua ang sasabihin niya dahil pinutol ito ni JP.
"Di nga namen alam!"giit ni JP.
"Ano ba!pano ko masasabi kung sabat ka ng sabat ayaw mo kong patapusin eh.!"singhal ni Joshua.
"Aish!bili na sabihin mo na!"singhal naman sa kanya ni JP.
"Eto na.Manahimik ka muna kase.So ayun na nga,nakaholding hands ko si Mika kanina.Hahahaha ang malupet pa dun eh nakita ko siyang nagblush bwahahaha"malademonyong tawa pa niya.
Napuno ng tawanan ang kotse namen dahil sa mga kwento ng bawat isa.
Christine Pov's
Nandito na kami ngayon sa dorm namen.
Hinihintay namin si HE Faith dahil may sasabihin daw siyang importante sa amin.
After a few minutes...
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si HE Faith.
Natahimik ang lahat kasama na ako ng maglakad si HE papunta sa table namen.
Tahimik kaming sumunod sa kanya.
Automatic na yun sa min na kapag ganun ang iniasta ni HE eh susunod na kami at dapat alam na namin ang dapat na gawin.
Umupo na siya sa upuan at tinignan kami isa isa.
"Sit down"makapangyarihang aniya.
Umupo naman kami sa kanya pabilog ang table namin kaya parang tapat-tapat kami sakto namang napatapat ako sa upuan ni HE kaya doble ang kabang naramdaman ko.
"Okay now,can we start?"tanong niya samen.
Nagkatinginan pa muna kaming lahat bago tumango.
"Yes HE"we answered in chorus.
"Okay then.May nasagap akong new information about sa plano ng bagong grupo ng mga kababaihan.Nalaman kong lilipat sila ng university.At dahil kailangan niyong bantayan ang mga kinikilos at pinaplano nila eh,kailangan niyo na ding lumipat sa university na paglilipatan nila."mahabang paliwanag niya.
Nagkatinginan kaming lahat at bakas ang lungkot sa mga mata namen.
Ayaw naming lumipat ng school dahil dun sa school namen na yun ay puno ng happy memories namen.
Pero dahil galing kay HE ang utos eh wala na kaming magagawa pa.
"Alam kong ayaw niyong lumipat ng university pero kailangan talagang gawin niyo ito.Para mapaghandaan natin ang pagbabalik nila."dagdag pa ni HE.
Nagtanguan lang kami sa kanya.
"By the way ang pangalan pala ng university na lilipatan nila o should i say niyo ay ang West Side University.Balita ko maraming lalaki dun.Kaya alam niyo na ang dapat gawin tungkol sa patakaran.Pigilan niyo ang nararamdaman niyo hanggat kaya niyo.Alam kong maraming magtatangkang manligaw sa inyo dahil sa bukod tanging kagandahan niyo."sabi pa ni HE.
"Alam po namin HE.Pero di naman po namin mapipigilan ang pagiging maganda namen hahahaha"sabat ni Ella.
Napansin kong bahagyang napatawa si HE sa sinabi ni Ella.Kaya napangiti ako.
"Hahaha oo Ella,alam ko namang magaganda talaga kayo.Masasama ba naman kasi sa TPGL kung hindi?"natatawang tanong ni HE.
Napatawa naman kami dahil sa saya.Bihira lang kasi naming makitang tumatawa si HE.
"Hahahaha sabi ko nga po eh.By the way po,kelan po pala kami lilipat sa school nayun?"tanong ni Ella.
"Oh oo nga pala,pwede na kayong pumasok bukas.Tutal sunday naman ngayon."sagot ni HE.
Natigilan kaming lahat sa sagot niya.Ano?bukas na agad?Wala namang problema dun kasi alam naman namin kung saan yung school nayun kase malapit lang yun sa school namin dati.Pero masyado namang maaga kung bukas na agad kami lilipat dun.Tsaka wala pa nga ata kaming uniform eh.
"Ah tsaka pala kung nagtataka kayo kung bakita maaga ang paglipat niyo dun.Ay dahil bukas nadin lilipat dun ang bagong grupo ng mga babae.Tsaka wag niyo ng problemahin ang isusuot niyo dahil nasabi ko na sa dean ng school nayun na hayaan muna kayong mag civilian dahil magpapagawa palang naman kayo ng uniform at pumayag naman siya."paliwanag ni HE.
"Kailangan ba namin silang kaibiganin HE?"tanong ni Zaira.
"Pwede rin para mas marami kayong mahagilap na impormasyon sa kanila.Alam kong maingat ang bawat salitang bibitawan nila sa inyo dahil nag-iingat talaga sila.Tsaka wag kayong mag-alala kasi di naman nila kayo kilala at namumukhaan dahil ang kilala nilang TPGL ay ang grupo nila Sunshine"dagdag pa ni HE.
Kung papasok na kami dun bukas kailangan namin umuwi dahil 10 pm na.At dapat kaming magising bukas ng maaga dahil first day namin dun.
At sigurado akong madaming nagtatakang mata ang sasalubong sa amin dun.
"Ahh HE tutal papasok na rin naman po kami dun bukas,pwede na po ba kaming umuwi ngayon dahil baka malate kami sa firstday namen"paalam ko kay HE.
Napatingin naman siya sakin at saka niya tinignan ang relo.
"O sya sige na.Mag-iingat kayo"paalam niya sa amin.
Naglakad na siya papalabas ng aming silid.
Nagpaalam pa muna kami sa isa't isa bago nag-ayos.
"Hays,sana naman maganda ang pagwelcome satin nung mga students dun no ladies?"sabi ni Lisa.
"Oo dapat lang.Dahil kapag pinagtripan nila tayo sasapakin ko sila"banta ni Mika.
"Aish!remember ladies,we need to control ourselves.Di dapat nila malaman ang tunay na pakay naten dun"paalala ni Zaira.
"Oo hangga't maari magpigil kayong makapanakit ng tao dun.Di dapat nila tayo mahalata"paalala ko naman.
Nagsitanguan lang kami at saka lumabas ng silid namin.
Pumunta kami sa parking lot at naabutan namin dun ang dalawa naming bodyguards.
"Mga kuya let's go na po.It's getting late na eh.May pasok pa kami bukas"anyaya ni Ella sa mga bodyguards.
"Sumakay na po kayo ladies.We will go now"pinasakay na kami nung isa sa mga guards.
Tahimik lang kami sa loob ng van marahil siguro ang bawat isa ay iniisip kung anong mangyayari bukas sa 'firstday' namen sa West Side University.