Chapter 11:First Day

6 0 0
                                    


Christine Pov's

Kararating ko lang ng bahay galing sa dorm namen.

Binati ko muna sila mommy at daddy wala pa si Kuya dahil nasa trabaho pa niya(OJT)isa siyang college student.

"Baby niluto ko yung favorite dessert mo oh."nilapag ni Mommy sa table yung buko salad.

And yeah,favorite ko talaga ang buko salad.

Kumuha ako ng platito na nilapag din ni Mommy at saka spoon.Kumuha ako ng buko salad at nilagay sa plate ko.

Nilasap ko ang lasa nito.Napakasarap!

"Ano masarap ba?"tanong ni Mommy.

"Yes mom,bukas po pala lilipat kami ng school dyan na po kami sa may West Side University"paalam ko kay Mommy.

"Huh eh?Nakaenroll na ba kayo?"takang tanong ni Mommy.

"Yes po.Naienroll napo kami ni HE dun."sagot ko.

Yeah,alam ng pamilya namen ang tungkol kay HE kaya malaya kong naikukwento sa kanila ang mga plano namen.

"Eh pano ang uniform niyo?"tanong ni Mom.

"Ahm magcicivilian muna daw po kami habang nagpapatahi ng uniform"sagot ko.

"Ahh i see"tatango tangong sagot ni Mom.

Naubos ko na yung buko salad na kinakain ko.

"Ahm mom,i'll go to my room na po.Kase may pasok pa ako bukas"paalam ko kay Mommy.

Tumayo na ako.Tumayo rin si Mom kaya napatingin ako sa kanya.Nakangiti siya sakin.

"Samahan na kita sa kwarto mo"nakangiting alok niya.

Nakangiti akong tinanguan siya.Naglakad na kami paakyat sa hagdan hanggang makarating sa kwarto to.

Sinamahan pa muna ako saglit ni Mommy sa loob ng kwarto ko hanggang sa nakatulog na ako.

***

"Baby!wake up,hey wake up!"tawag sa akin ni Mommy habang niyuyugyog ako.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at saka ko nakita ang pagmumukha ng maganda kong mommy na nakatayo sa gilid ng aking kama.psh.

"Hmmmm good morning mom"bati ko sa kanya habang nag-uunat.

"Tsk.Bumangon ka na dyan.First day niyo pa naman sa WSU tas malalate ka.Psh"sabi ni Mommy sabay tumalikod.

Tumingin ako sa tabi kong table at kinuha ang phone ko.Inopen ko ito at tinignan ang oras.Agad akong napangiti ng makita ang oras...

"Oh,what's the reason of that smile?"takang tanong ni Mommy.

Dun ko napansin na nakatingin pala siya sa akin.

"Kasi Mommy your overacting it's only 6 am at ang time ng pasok namin is 8 am.Ang aga pa nga masyado eh"natatawang sagot ko.

Nabigla siya sa sinabi ko.Nasanay lang siguro si Mommy na maaga akong gumising kasi dun sa dati naming school ay 7 am ang pasok namin.

"Okay then,prepare yourself na.Kasi it's your first day so it's better kung maaga kayong papasok para malibot niyo na din muna ang bagong school niyo."nakangting sagot niya.

"Okay Mom.Bababa nalang po ako for breakfast"sagot ko.

Tinanguan niya lang ako at saka siya naglakad palabas ng kwarto ko.

Napangiti ako ng maisip na lilipat ako ng school ng ganun kabilis pero unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi ng may maisip ako.

Ano kaya ang magiging trato sa amin ng mga students dun?Sana makisama sila samin dahil kapag di kami nakapagpigil masasaktan talaga sila.

Naglakad na ako papuntang cr at tsaka ako naligo.

After 20 minutes

Tapos na akong maligo dumiretso na ako sa closet ko at hinanap ang favorite kong pants at plain white t-shirt.

Remember?nakacivilian muna kami ngayon dahil pinapatahi palang yung new uniform namen.

Nang makita ko ang pants at t-shirt dumiretso ako sa banyo upang doon na magbihis.

Nagrubber-shoes lang ako bilang sapin sa paa.Nilugay ko ang aking buhok.At suot kong pangitaas ay v-neck na plain white.At pants pang ibaba.Dinala ko rin yung shades ko dahil baka tirik ang araw dun.

Nagpulbo lang ako at sinuklay kong muli ang aking buhok bago lumabas ng kwarto.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan biglang may humarang sa akin.Tss.Mangungulit na naman 'to.

"Oh diba may pasok ka baby tin-tin?bat di ka nakauniform?"takang tanong ni Kuya.

Tss.Hindi niya pa alam.Mapagtrip-an nga.

"Baket bawal bang umabsent muna ako?eh may date ako ngayon eh"pagsisinungaling ko.

"Ano?!sinong kadate mo ha?!tsaka ganito kaaga ang date niyo?!sinong tangang lalaki naman ang magyayaya sa isang napakagandang babaeng tulad mo ng ganito kaaga?!tsaka sino may sabi sayong pwede kang makipag date?!di ako pumapayag baby tin-tin.Alam mo naman di kita pinapayagan kapag ganyang usapan."akmang babatukan niya ako pero nakailag ako.

Tss sabi na nga ba eh madaming sasabihin 'to napaka oa talaga napakaprotective kasi eh.

"Eh bat ba?"kunyaring inosenteng tanong ko.

"Anong bat ba?!Di ako pumapayag na makipagdate ka.Umabsent ka para lang makipagdate?!how stupid are you baby tin-tin?!dito kalang di ka aalis"sabi niya sabay bumukaka at tila hinaharangan ang daan ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na papalapit si Mommy pero mukhang di siya nahalata ni Kuya.

Pinipigilan kong matawa dahil sa itsura ni Mommy.Kunot na kunot ang noo ni Mommy habang pinagmamasdan si Kuya.

"Ahmm..Justin what are you doing?"takang tanong ni Mommy.

"Mommy help me here.Wag natin hahayaang makipag date ang baby tin-tin naten."sabi ni Kuya na medyo nakatagilid ang ulo paharap kay Mommy pero nasa akin parin ang paningin.

Gets niyo?kung hinde...bahala kayo.haha

"Huh?what are you saying?"takang tanong ni Mommy.

Hahahaha mapapahiya ka Kuya bwahaha.

"Look Mom.Makikipag date si Tin-tin at di ako pumapayag kaya im blocking her way"mahinahong sagot ni Kuya habang nakatingin sakin.

Napatingin ako kay Mommy at parang nagets niya yung tingin ko kaya naman...

"Bwahahahahahaha"sabay kamimg humagalpak sa kakatawa ni Mommy.

Takang napatingin si Kuya sa amin.Ganyan nga kuya magtaka ka at mapahiya bwahahaha.

"Bat kayo natawa?"takang tanong ni kuya.

"Hahaha kasi son,niloloko kalang ni Tin-tin di siya makikipag date.Linipat kasi sila ni HE sa WSU kaya nakacivilian sila kase wala pa silang uniform"tumatawang paliwanag ni Mommy kay kuya.

Tinignan ako ng masama ni Kuya pero lalo lamg akong natawa.

Hahaha muntanga si Kuya kanina.May paharang harang pa siya hahaha stupid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secret Gang of LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon