Ngiti

46 0 0
                                    

Ngiti

Sa buwan ng Oktubre
Di ko inakalang ito'y posible
Na makilala kita
Sa paraang hindi inakala

Sa iyo pa lang mga salita
Ewan ko pero mas gusto kitang makilala
Sa bawat letrang iyong binibitawan
Pag-ngiti ay di maiwasan

Bawat araw nagdaraan
Mas lalo kitang nagugustuhan
Di ko maintindihan
Pero ito ang aking nararamdaman

Pero higit sa lahat
Nais kong sayo'y magpasalamat
Sa pagbalik ng matatamis na ngiti
Dito sa aking labi

Siguro nga lumalalim na ang aking pagtingin
Ni hindi ko alam kung kaya pang pigilin
Ngunit isa lang sana ang hihilingin
Kung mahalin man kita ako'y iyong saluhin

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon