Isabelle POV
5:00 AM ako nagising, at agad bumangon para kumain at maligo. Si bess naman ayun paalis na, hindi na daw niya ko hihintayin dahil may kukunin pa siya.
"Bess sabi mo sabay tayo?" Sabi ko habang kumakain
"Sorry bess, may kailangan pa kong kunin eh. Sorry talaga. Una na ko haaa? Love you!" Sagot nito at dali daling lumabas ng bahay
Pagkaalis ni Janna, nag madali na rin akong kumain dahil maliligo pa ko. After 30 minutes and I'm done. At dahil iniwan ako ni bess kaya mag ccomute ako. Hayyysss..
Pagdating sa school dali dali akong naglalakad. Ang sakit na ng paa ko, dahil naka heels ako at ang haba haba pa ng lalakarin ko para makarating sa room. Sana pala sumabay na lang ako kay kuya -___-
*toogsh*
Anak ng headset na malaki!
May nakabanggaan na naman ako, at hindi man lang nag sorry >.<
"Excuse me, sorry ha?" Sarcastiko kong sabi sa nakabanggaan kong lalaki
"Tsss, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan" yan! Yan lang naman ang sagot niya >.<
Nakakainis! Ang aga aga eh!! "Bakit ba hindi ka na lang magsorry?!" Sigaw ko dito
"Ang sakit mo sa tenga. O sorry na, okay na ba?" Sarcastic mo bwiset!
Pinabayaan ko na siya at nagpatuloy sa pag lalakad. First day na first day may mangbibwiset sakin! Nakakainis, sarap batukan! Grrrr.....!!
Pag dating ko ng room, dumiretso agad ako sa vacant seat sa tabi ni Janna habang nakakunot ang noo ko.
"Huy bess! Anong nangyari sayo? Bat sibangot ka jan? Ang aga aga ah." Janna
"Yun na nga eh! Ang aga aga pero may nambibwiset sakin! Sobrang hirap ba mag apologize?!" Nagtinginan naman sakin ang mga classmate namin dahil napalakas ang boses ko
"Bess! Kumalma ka nga, ano ba talaga nangyari?"
"Eh kasi May nakabanggaan nanaman ako kanina habang naglalakad ako papunta dito, tapos ayun nag sorry nga sarcastic naman! Lechugas na lalaki yon!" Sabi ko habang naka cross arms at nakakunot ang noo
Maya maya dumating na ang prof namin at sa di katanggap tanggap na pangyayari, kasama niya yung lalaking nakabanggaan ko kanina. Umupos siya sa vacant seat sa likod, si Ma'm naman nag 'Good morning' lang samin at nag pakilala, tapos kami naman yung nagpakilala. Si bess na ang mag sasalita..
"Hi everyone, I'm Janna Santiago, 17 years old and you can call me 'Janna'" sabi ni bess at umupo na. My turn..
"I'm Isabelle Scott, 17 years old, call me'Belle'" sabi ko at umupo na, wala ako sa mood makipag kilala sakanila, lalo na't nandito yung sumira ng umaga ko
After, who knows how many minutes, magsasalita na rin si kuya bwiset! Lahat nasa kanya ang atensyon..
"I'm Jace Tan, 18 years old" sabi nito at umupo na. Tsss! So, ikaw pala ang dakilang Jace Tan na hindi marunong mag sorry ng sincere..
After mag introduce, arrangement naman ng upuan. By surname daw, para mas makabisado daw ng mga prof yung mga names namin. Yung mga classmates ko naman, umaangal na kasi syempre gusto nila katabi yung friends nila, sino ba namang hindi diba?
Habang nag aarrange ng upuan, nakatayo kaming lahat at isa isang tinawag ang mga apelido namin. Buti na lang at walang magkakaapelido so wala namang problema. Ay! Meron pala, yung bwisit kong classmate.

BINABASA MO ANG
I am Isabelle Scott
Teen FictionA girl who always believed in the 'Right time', a normal girl with a normal life.