Chapter 22

513 46 0
                                    

Tracy's POV

1 week later...

Isang linggo at 2days narin pala ang nakalipas simula noong sunduin namin si Nich sa airport and now nandito uli kami sa airport but hephep.. Nasa NAIA na kami. Yes, tama kayo ng nabasa. Nandito na kami sa manila. Flight namin nung nakarang araw at ngayon lang kami lumapag sa awa naman ng Diyos ay di niya pinabayaan ang aming byahe. Nakasabay pa nga namin si Gracilla sa plane but she always with Nancy and finally there it is. Triple purpose ang ilalagi ko rito. The one is for business and the other one is para magkakilala na ang family between Nich and Me at ang pinaka huli ay para alamin ang Nakatago mula sa nakaraan ng buhay ko.

Sinadya ko na walang makaalam ng huli kong balak dahil ayaw na ayaw ni Dad na ipaalam sakin ang nakaraan ko. I really don't know kung bakit ayaw ni Dad na napag-uusapan iyon at di rin naman nagkukwento si Dad sakin pero si Mom. She said something na di ko lubos na maintindihan.

~flashback~

18 years old ako at inaasahan ko na ang magarabong handaan sa malaking Garden ng bahay namin. Oo nagkaroon ako ng magarang handaan at di ko ikakailang napakadaming bagay ang naibigay sakin nina Mom and Dad pero isa lang ang hiniling ko sa kanila. Ang gusto ko ay maalala ang mga nakaraang di ko maalala at kung gaanong naging importanteng tao sakin ang taong escort ko ngayon. Ang sabi kasi nila matagal na kaming magkakilala ni Nich. Magkababata rin daw kami at childhood bestfriend. Yun ang sabi ni Daddy sa akin pero parang may side ng pagkatao ko ang hindi umaayon doon kaya naman never ko yun ipinaalam sa kahit na sino. Kahit kay Grace na bestfriend ko.

At ngayon nga ay tapos na ang lahat ng magarbong handaan na inihanda ni Dad and Mom sa akin. Ihahatid ko na sana si Nich pero ang sabi ni Dad ay siya na at magpahatid na daw ako kay Mom sa kwarto ko at yun nga inihatid na niya ako.

"Happy birthday anak. Matulog ka na" sinunod ko si Mom.

Nakapagshower at nagpalit na ako. Natuyo na rin ang buhok ko na kanina ko pa binoblower.

"Thank you Mom" sabi ko at nahiga na. Pinatay na ni Mom yung lamp shade sa side table ko. Pinikit ko na ang mga mata ko pero pakiramdam ko na hindi pa rin umaalis si Mom. Imumulat ko na sana ang mata ng bigla na lang siyang magsalita.

"Trace, I hope na maintindihan mo ang lahat kapag dumating na sa puntong magkagulo na ang lahat. Di ko alam kung paano ito sasabihin sa Daddy mo na mayroon akong isang anak sa kapatid ko. Ang gulo 'no? Pero hayaan mo, maiintindihan mo din itong lahat. Trace, sana rin mapatawad mo ang ama mo sa mga kasinungalingan niya at ako. Sorry ayoko lang kasing mag away kami ni Ricky kaya sumasakay na lang ako kahit alam kong hindi na tama. Hayaan mo anak kapag nagtanong ka sa akin at wala sa paligid ang ama mo magkukwento ako sa iyo. Happy birthday, dalaga ka na nga. Matulog kang mahimbing goodnight" sabi nito at hinalikan ako sa noo at narinig ko na ang pagsara ng pintuan.

~end of flashback~

Ay naalala niyo ba yung lalaking sunod ng sunod sakin nagkameeting kami.

*flashback*

It was my first day in work. Nagulat pa ako sa mga pangyayari lalo na ng malaman ko na ang pagtatrabahuan ko ay ang napakakulet na lalaking nakasalubong ko kung saan saan. Siya ang president and I'm his vice and as a president he orient me some do's. Nagtaka ako sa mga sinasabi niya. Di naman siya nag oorient dada lang siya ng dada tungkol sa mga bagay na di ko maintindihan.

"Tracy baboy. I miss you so much. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi kahit na pinaglayo niya tayo. Siya rin naman yung naging dahilan kung bakit tayo magkasama ngayon. Ayokong magpapagod ka sa trabaho ang gusto ko lang ay yung makapagrest ka para malaman mo yung nakaraan mo. Hindi kita pipigilan kung ayaw mo na talagang maalala ang mga bagay bagay mula sa nakaraan mo. Magiging masaya naman ako sa mga magiging desisyon mo pero kung sakali na kakailanganin mo ng kaagapay sa problema. Wag kang mag aalala. Im always there for you. Bago ko sabihin yung magic word gusto kong maalala mo na muna ang nakaraan pero kung sakali na hindi mo na gustong alalahanin. Handa akong magkwento para malaman mo ang mga bagay na ipinagkait sayo. Tandaan mo ako ang panget na bestfriend mo" mahaba nitong sabi.

"Bakit ka ba pilit ng pilit e wala nga akong maalala" sabi ko at umalis na.

*end of flashback*

"Anong iniisip ng baby ko?" as ussual kilala niyo na siya lang naman ang natawag sa akin nito.

"Ah e kasi boo nai-excite na akong magkakilala ang family mo at family ko" pinasigla ko pa ang pagsasalita ko para di niya mahalata ang mga bagay na nasa isipan ko. Kahit kasi kilala na ito ng Daddy ko never ko pang nameet ang family niya.

Sana lang malaman ko ang lahat ng kailangan kong malaman.


Destiny:Tracy Walter(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon