Hindi ko lubusang maisip,
Kung bakit walang ibang naidudulot sa iyo kundi ay pasakit.
Lahat naman ng gusto ko'y iyong naibibigay,
Ultimo lahat kaya mong ipusta pati ang sariling buhay.Tuwing ako sa iyo ay galit na galit,
Ikaw ay patuloy na sa patalim ay kumakapit.
Kahit ilang beses kitang sigawan,
Nandyan ka pa rin ayaw akong iwan at handang ipaglaban ang ating pagmamahalan.Lahat ng iyong oras ay iginugugol sa akin,
Samantalang ako kahit kaunting respeto na lang sa iyo'y hindi pa maihain. Hindi ko alam kung bakit ang kulo ng aking dugo'y sa iyo'y palaging mainit, Kaya naman walang araw ikaw sa aki'y bugbog sarado sa sakit.Hindi ka ba napapagod sa sitwasyon natin?
Lalo na sa akin na hirap na hirap kang unawain.
Hindi naman ako bingi para hindi ka marinig,
Hindi ko lang gustong pakinggan ang iyong tinig.Ngunit sa kabila ng iyong pagmamahal,
Nagawa ko pa rin gawin ang bawal.
Naghanap ako ng iba at wala sa iyo,
Sa madaling sabi ikaw ay aking niloko.Ang kapal kapal ng mukha kong paikutin ka pa,
Sa aking mapanlinlang na matatamis at mabulaklak na kilos at salita. Ikaw ay labis pang natutuwa sa aking mga ginagawa.
Hindi mo lang alam na ako sa iyo'y lubos na naaawa.Pero pagod na akong saktan ka,
Masyado kang mabait para magdusa.
Kung alam mo lang sana ang tindi ng aking mga nagawa,
Malamang ako na'y iyong pinalaya.Bilang lamang sa aking daliri sa isang kamay,
Ang naabot mo sa aking pagsuway.
Isa, dalawa, tatlo,
'Yan lamang sa pagkakaalam ko.Ni hindi ko man lang nagawang tanungin ka kung kaya mo pa,
Kahit magpunas man lang ng 'yong matang lumuluha.
Kung pwede lang sanang mabura ang lahat ng sakit sa pagyakap sa iyo ng mahigpit, Hindi ako magdadalawang isip na iulit.