"Patay na ako"

1.3K 5 0
                                    

Matutuwa ka ba kung sasabihin ko sayo na patay na ako?
Mistulang kinain ng tamis at sakit itong puso ko?
Ni hindi na makaahon sa hukay na ako mismo ang siyang nagbaon,
nang aking sarili na mistulang di na makakaahon.

Nagsimula ang lahat noong nabulag ako,
Nabulag ako kakatingin sa iyo.
Sumunod noong nabingi naman ako,
wala ng iba pang naririnig kung hindi ang pangalan mo.

Kahapon naman ako'y napipi,
Pangalan mo na lamang ang siyang namumutawi sa aking labi.
at ngayo'y patay na ako.
Patay na patay sayo.

Nagtirik na nga ako ng kandila,
Nag alay na rin ng mga dasal,
Kulang na lang magdala pati na rin ng bulaklak,
Ngunit labis pa rin ang pagdurusa.

Bakit di magawa ng pag ibig kong manahimik na lang,
Tulad ng mga patay sa sementeryong pinuntahan?
Akala ko'y mahihimlay ng matagal itong nararamdaman,
Nagkamali't pagkat multo ng pagibig ako'y di tinatantanan.

Ito na ba ang huli't mamamaalam?
Huli na nga ba't di na magpaparamdam?
Di na nga ba iibig at ngayo'y hihimlay,
Sa pag-ibig na dadalhin kahit sa hukay!

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now