It is the worst feeling you know?
Knowing that you are only temporary for someone.
...and the worst part?
Knowing that there is nothing you can do to change it.
---
Ang pagmamahal ay walang pinipiling panahon. Pero ang pagkakataon ay isang beses lamang pwedeng dumating. Kahit na ang tiwala ay naroon, ang nararamdaman ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Hindi mo na mabubura ang mga pagsisisi. Hindi mo na rin maibabalik pa ang mga oras na nasayang.
Isang taon na rin simula noong naging kami. Maraming away na nangyari pero lagi pa rin namang nauuwi sa mga tawanan na hindi matapos-tapos. Napapangiti na lang ako tuwing lumalagi sa isip ko ang unang pagkikita namin.
---
"Miss, hindi ko naman talaga sinasadya eh. Ipapaliwanag ko, sasabihin ko yung totoo." Naman kasi, malay ko ba na may boyfriend yung babaeng nahablot ko kanina. Oo, literal na panghahablot. Nakita kasi ako nung Mom at little sister ko; dapat kasama nila ako sa paglilibot sa mall pero nagdahilan ako dahil alam naman nating lahat na nakakabored kasama ang mga babae kapag nagshoshopping kaya sinabi ko na may date kami ng 'girlfriend' ko kahit wala naman talaga akong balak magkagirlfriend. Sa nanay at kapatid ko pa lang sumasakit na ang ulo ko tapos dadagdagan pa ng isa?
"The damage is already done mister. Hindi na maniniwala iyon kahit mamatay ka pa kapapaliwanag sa kanya." Alam kong galit yung babae pero nainis ako sa sinabi nya kaya...
"Tsk. Wala palang tiwala sayo yung boyfriend mo e." Oops, me and my bad mouth. Sorry talaga Miss.
"Anong sabi mo?!" Bigla na lang nyang hinampas sa akin yung bag na dala nya.
"Aray! Kumalma ka nga amasona!"
"Aray ano ba?!" Hinampas nya ulit ako.
"Sige ulitin mo pa yung sinabi mo, malilintikan ka talaga sa akin!"
"Sorry na nga Miss. Look, hindi ko naman kasalanan na nagbreak kayo."
Pinanlisikan nya ako ng mata, nakakaamuse yung reaction nya. "Gago ka pala e! Ikaw 'tong siraulo na bigla-biglang manghahatak tapos hahalikan ng ganoon sa harap pa ng boyfriend ko! Anong brand ba ng katol ang nasinghot mo?"
Talaga yatang walang preno ang bibig nitong babae na'to. "Miss, kung ako sayo matagal ko nang hiniwalayan yang syota mo. Ang kitid ng utak, ang babaw ng dahilan makikipag break agad. Mahal ka ba talaga nun?" Okay, plano ko talagang magsorry pero wala na e.
Bumalot ang maikling katahimikan, maya-maya pa ay nakarining ako ng mahinang paghikbi. "Miss? Umiiyak ka ba?" Damn, hindi ako sanay maghandle ng umiiyak na babae.
"Kung ako sayo? E hindi naman ako ikaw eh. Oo na, makitid na kung makitid. Mahal ko e, magagawa mo ba?" Hala, badtrip naman o.
"Sorry na Miss. Samahan mo ko sa kanya, ipapaliwang ko. Trust me." Natigilan sya at napatingala sa akin, kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ipinunas sa mga luha nya. Hinawakan ko sya sa braso at nagsimulang lumakad.
"Kuya saan tayo pupunta?" Takang tanong nya sa akin.
"Magpapaliwanag."
"Huh? Saan?"
"Sa bahay ng boyfriend mo, malamang."
"Hindi mo alam kung saan yon."
"Kaya nga kasama kita diba?" Hinila nya ang braso nya kaya napabitaw ako.