Prologue

85 5 0
                                    

Shine

Magical creatures, powers, elements at magic. Ilan lang 'yan sa mga kwentong ikinikwento sa akin ni Grandpa Phonso noong bata pa ako. Lagi nyang ikinikwento ang kanya 'daw' mga karanasan, paglalakbay at pakikipag-sapalaran sa mundo ng 'Avalor'.

"Grandpa, gusto ko pa po ng kwento." Sabi ng batang ako.

" 'Wag na apo, masyado ng gabi para sa kwento." Sabi ng aking lolo na may halong antok.

"Okay po grandpa, pero bukas kwento ka ulit ha?!" Sabi ko na may halong excitement.

"Pero may tanong ako, Shine apo?" Tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka. "Ano po yun grandpa?" Sabi ko

"Ano bang pangarap mo?" Tanong nya. "Gusto ko pong maging katulad nyo grandpa, gusto ko pong maglakbay sa Avalor!!" Masiyahin kong sabi.

"Ganon ba apo? Siguro ay ito na ang tamang oras" sabi nya na sabay ngiti ng mapait. "Ano pong tamang oras grandpa?" Pagtataka ko.

"Wala apo. May ibibigay ako sa'yo, pero ipangako mong pakakaingatan mo ito ng mabuti?" Sabi nya sabay taas ng kilay. "Opo grandpa" sagot ko naman.

May ibinigay sya sa aking isang kwintas na may pendant na malaki. Ang pendant nito ay kasing laki ng piso, at patay na patay ang kanyang kulay. Kinuha ko ito at tinignan ng mabuti. Para itong isang diamond.

"Ano po ito grandpa?" Pagtatanong ko. "Iyan ang iyong Vanalor, 'yan ay napaka-importante kaya ingatan mo iyan Shine." Sagot nya. "Opo grandpa, promise!" Sabay taas ng aking kanang kamay at ngiti ng nakalabas ang aking sira-sirang ngipin.

"Halika nga dito Shine." Sabi nya kaya lumapit naman ako. Niyakap nya ako ng mahigpit at meron siyang sinabi sa akin. "Tandaan mo mahal na mahal kita apo, laging pakabait kay Daddy at Mommy ha?! Lagi mong tatandaan na nandito lang ako lagi sa tabi mo. At apo maniwala ka sa magic dahil totoo ang mahika." ani grandpa.

"Okay po... Teka grandpa 'wag ka ngang magsalita n'yan di ka pa naman po mawawala." Sabi ko ng may takot. Inilapat ni grandpa ang kanyang kaliwang kamay sa aking dalawang palad at itinapat nya namn ang kanyang isang palad sa aking dibdib. At kita kong parang naluluha siya.

"Grandpa.. What's wrong?" Tanong ko na nag-aalala.

"Wala apo"

Bigla na laman lumiwanag ng nakaka-silaw ang kanyang palad kaya napapikit ako. At may parang pumasok sa katawan ko na hindi ko maintindihan. Nawala ang ilaw at nakita ko si grandpa na nakahundusay sa sahig. Bigla akong napaluhod at tinapik tapik ang kanyang balikat. "Hey grandpa, anong ginagawa nyo? Ang bilis nyo naman maka-tulog. Hey grandpa, gising po! Nasa sahig kayo!"

Nagulat na lamang ako nung di sya kumibo. "Grandpa, tama na po ang joke time." Sabi ko. Pero di parin sya dumidilat. Hanggang napagtanto kong di na pala sya humihinga.

"Grandpa?" I gasped. Pero wala parin.

Niyugyog ko sya ng niyugyog at paulit-ulit na sumisigaw. "Grandpa?!?" Sigaw ko ng paulit-ulit.

Humingi ako ng tulog kay Mom at Dad. Pumunta ako sa room nila at ginising. Pumunta kaagad sila sa kwarto ni grandpa. At tama nga ang iniip ko. Patay na si grandpa. Umiyak na lang ako at umiyak.

Tumawag si Dad ng punerarya para mag-assist sa bangkay ni grandpa. Pinapunta ako ni Mom sa kwarto ko at pinatulog. Sa sobrang lungkot ko ay nakatulog na din ako.

•••
Avaloria Academy: The Greatest Power
Written by Swagger_Josh
All rights reserved. Copyright © 2017

Avaloria Academy: The Greatest PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon