chapter twenty five.

6.9K 92 10
                                    


[Lauren's POV]

Pagkatapos ng insidente sa mall napagpasyahan namin ni Ivan na higpitan ang bantay kay Ivannah. Pareho kaming nag'aalala na baka mawala nanaman si Ivannah at this time, di na siya makabalik.

Hands on si Ivan dito at hindi rin naman niya nakakalimutan ang pagbubuntis ko. Sinunod ko naman ang reseta ng doctor ko.

Nasa sofa kami ngayon at pinapatulog ni Ivan si Ivannah sa lap niya. "Lauren, tulog na ata." Tiningnan ko naman si Ivannah at kinumutan ko na.

"Kamusta ka naman babe? May masakit ba sa'yo o ano?" Umiling naman ako kay Ivan.

"Don't worry, I'm fine." Sabi ko habang hinahagod ang buhok ni Ivannah.

"Ma'am! Di nga po kayo pwede dito!!" Napatayo naman kami ng makita namin ang yaya ni Ivannah na may kasalukuyang hinaharang.

"Manang, hayaan nyo siya." Lumapit si Christine sa amin. May dala siyang isang paper bag. Nakatayo naman si Ivan sa harapan ko habang inaalalayan ko si Ivannah.

Pinaakyat ko si Ivannah sa yaya niya saka humarap kay Christine.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya. Ngumisi lang siya sa akin.

"I want to give you this." Kinuha ko ang paper bag na hawak ni Christine.

"Hindi niyo ba ako papaupuin?" Nagkatinginan naman kami ni Ivan. Umupo naman din kami saka ko hinawakan ang kamay ni Ivan.

"Ano ba ang kailangan mo?" Tanong naman ni Ivan sakanya. Ngumisi lang ulit siya saka sumandal. Nakaitim siyang dress at nakasuot ng heels.

"Just visiting an old friend." Napairap ako sa kanya.

"The last time you dropped by, nagdala ka lang ng gulo. So ano nga ang kailangan mo?" Tiningnan ko ng masama si Christine. Nagkatitigan kami at kahit nakangisi siya sa akin ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Puno ng hinanakit ang mata niya. Bakit ba nagkaganito ang dati kong bestfriend?

"To get revenge." Biglang tumayo si Christine at naglabas ng acid?! Mabilis na hinarang ni Ivan si Christine.

"Pigilan mo! Wag mong gawin yan! Buntis si Lauren!" Pagsigaw ni Ivan habang ako nakatingin lang sakanila. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong lumapit sakanila pero nahihirapan ako.

**

3RD PERSON'S POV:

NANG makuha ni Ivan ang acid ay mabilis niyang tinanggal ang laman nito at binuhos ito sa halaman sa tabi nila.

Pero pagharap ni Ivan ay nagulat ito ng bigla itong tuhurin ni Christine sa pagitan ng hita nito. Napahiga si Ivan sa sahig.

Tumakbo si Lauren papuntang second floor. Habang si Christine ay nagmadaling sundan si Lauren.

Mabilis na kumilos si Lauren para hanapin ang susi ng kwarto nila ni Ivan. Pero mabilis ring nakalapit si Christine kay Lauren.

Hinatak ni Christine ang buhok ni Lauren. "Christine.. T-Tama na.. Masakit.."

"Kulang pa yan Lauren!" Hinarap ni Christine si Lauren saka sinabunutan to.

"Aaah!" Nakaramdam ng kirot si Lauren sa likod nito ng tumama ito sa side table.

Patuloy na nagsabunutan ang dalawa at di nila namalayan na nasa dulo na pala sila ng hagdanan at sa pag'apak ni Lauren ay siyang pag'gulong niya pababa ng hagdan nila.

"Lauren!!" Sumigaw si Ivan hanggang sa tuluyan na ngang nahulog si Lauren.

Nakaramdam ng paninigas ng katawan si Christine sa nakita niya. Napahawak siya sa bibig niya habang nakikitang walang malay si Lauren dahil sa KAGAGAWAN niya.

My Ex-Boyfriend. [BOOK 1&2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon