Chapter 11

368 4 3
                                    

------Paul’s P.O.V.-----
Mas magaling parin akong maglaro kesa sa kanya ano?

Hah! Tingnan natin kung sinong mas unang maiinlove.

Alam ko namang ginu-good time lang ako nung Luzhen na yun. Gusto niya, ma-fall ako sa kanya. Pero imposible yun.
Ako pa? Hinahamon niya?

Tch, utang na loob, nag-aaksaya lang siya ng oras.

Habang nagmo-monologue ako dito, di ko napansin na nasa kabilang table lang pala si Lulu.

Wala naman akong particular na kabarkada sa school kasi nga di ako gaanong mahilig makipagbarkada, maliban lang sa Five and Dime. Tsaka sus, kilala ko na ang ugali ng mg kalalakihan dito sa LVVU, nakikipag-close lang sila sa isang tao pag medyo nakaka-angat. Utot nila.


Minamasdan ko lang si Luzhen mula sa kinauupuan ako. Kanina pa naka-bungisngis yung babaeng yun. Di kaya napapasukan ng langaw yung bibig niya?

Habang tinitingnan ko siya, biglang nagtama ang tingin namin. Napangiti naman siya sa’kin at binigyan ko siya ng walang emosyong mukha.


Ibinalik ko ang atensyon ko sa pagkaing kinakain ko. Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko kaya chineck ko yun.

Isang text mula sa ate ko. Nireplyan ko naman yun at ibinalik uli sa bulsa.

Abalang-abala ako sa pagkain ng biglang may kumurot sa tagiliran ko.

Napa-aray naman ako at tiningnan ko kung sino ang gumawa sa’kin nun.
Doon ko nakita si Luzhen na palayo na at palabas na rin ng canteen binigyan ko naman siya ng masamang tingin.

Papansin talaga.


Nagring na rin ang bell at nagsibalik na kami sa mga classrooms namin.

Gaya ng naka-gawian, nagklase—boring as usual—tapos nag-lunch na rin.

Dali-dali akong lumabas ng classroom at dumiretso ako sa may pinto ng classroom nila Luzhen.
Doon ko naabutan na may kausap siyang mga lalaki at nagtatawanan pa sila. Pwe!

“K! Si Paul oh.” Sabi nung kaklase niya kaya napatingin naman siya sa direksiyon ko.

Lumapit siya sa’kin habang nakangiti at ako, ganun pa’rin ang ekspresyon.

“Yes?”

“Anong ginagawa mo dun?”

“Nakikipag-usap sa mga kaberks ko. Bakit?”

“Wala lang,”

“Nagseselos ka?” Ano? Tangina.
Pero siyempre, dahil nga alam ko kung paanong maglaro edi sisimulan ko na rin.

“Siyempre oo.”

“Oh, how sweet of you. Di bale, babawi ako sa’yo... babe.” B-babe? Babe in the city? Baboy? Aba.
“Love you too babe.” Sabi ko habang naka-ngiti.
“Oh,” tapos bumalik na siya sa upuan niya.

Umalis na ako dun sa may pintuan at bumalik na ako sa classroom para mag-lunch.

Babe pala ah, sige. Subukan natin yang tatag mo babe.
Let the falling game begin.


------Peach’s P.O.V.-----

“May ibibigay akong gift kay Nathan mamaya. Hohoho~” --Apple

“Hindi na maganda yang ginagawa mo Apple ah. Obsession na yan.” –Strawberry

I'm Taken by a Man Named SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon