•••
"Hindi mo siya kilala, Victoria! Maaaring espiya siya na ipinadala ng mga hapon!"
"Magtigil ka, Esmeralda! Kapag narinig ka niya ay malalagot ka saakin!"
"Nasa katinuan pa ba ang iyong pag-iisip? Paano kung ipahamak tayo ng babaeng 'yan? Sulyapan mo nga ang kasuotan niyan! Hindi tugma sa kasuotan natin. Malayong malayo!"
"Cállate! Iniligtas niya ang buhay namin at sapat na iyon para pagkatiwalaan ko siya..."
Nagising ako sa ingay na iyon. Base sa tono ay nasisigurado kong nasa malapit lamang sila. Unti-unti kong minulat ang mata ko at bumungad sakin ang isang babaeng nakaupo sa tabi ko. Napangiti siya agad nang makitang gising na ako.
"Mabuti at gising kana. Nagugutom ka ba?" mabait nitong tanong.
I groaned. Bumangon ako at agad na naramdaman ang sakit ng aking likod. Hindi ko siya pinansin bugkos ay nilibot ang paningin. Nasa loob kami ng isang bahay kubo. Nakahiga ako sa matigas na papag na may banig. Kaya pala masakit ang likod ko.
"Binibini?"
"Where I am?"
Bahagya itong ngumiti. "Nasa pinakadulo tayo ng gubat. Wag ka mag-alala sapagkat parte parin naman ito ng Baguio."
Tumikhim ako at tumango. Sakto naman ng biglang pumasok ang isang babaeng bitbit ang mga pagkain at lalaki na may buhat na mga kahoy.
"Manuel, hindi kana dapat pa naghagilap ng mga kakahoy para bukas. Luluwas na tayo ng Maynila bukas nang umaga..." ani ng babaeng katabi ko.
Nilapag muna ng lalaking si Manuel ang mga kahoy sa gilid bago sumagot.
"Inutos ito ni Francisco. Para sa kaniya..." tinuro niya ko. Napataas tuloy ako ng kilay bigla.
"Bakit? Hindi ba siya isasama sa Maynila?"
Umiling ito. "Hindi natin siya kilala, Victoria. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon..."
"Ngunit, iniligtas niya ang buhay ko!" galit nitong sagot Kay Manuel na nagsisiga sa gilid.
"Esme, dito mo ilapag ang pagkain..." turo ni Victria sa tabi ko ng mapansing hindi ako binigyan ng foods nung Esmeralda.
Wow, umaatittude. Ang sarap niyang murahin, seryoso. Pasalamat siya't wala ako sa mood makipag-usap.
"Lalabas lang ako..." paalam ko. Tumayo ako at mabilis na lumabas ng maliit na kubo.
Bumalot saakin ang natural na hangin. Ang lamig ay agad na yumakap saakin dahilan upang manginig nang bahagya ang aking katawan. Madilim na ang paligid ngunit nandito parin ako. Hindi ko alam kung parte parin ito ng isang bangungot.
Nagsimula akong maglakad nang may makitang maliit na apoy di kalayuan sa kubo. Ang malamig na hangin ay unti-unting napalitan ng init nang makalapit ako. Umupo ako sa kumpol na kahoy sa gulid at napatitig sa apoy na nasa harap ko. Apoy na laging nandiyan sa tabi ko sa oras na nalulungkot at pakiramdam ko'y nag-iisa lang ako
I sighed.
My grandmother told me that time is precious. My grandmother made me realized the importance of life. Na ang mundo ay may sariling sikreto. Ang tadhana ay loko-loko at ang buhay ay pansamantala lang. Kaya dapat mong pahalagahan, ingatan at mahalin ang bawat oras ng buhay mo.
Ngayon ko napatuyan na totoo pala lahat. Pakiramdam ko ay napagtripan ako ng mundo. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi mapansin ang pagbabago bigla ng kulturang kinagisnan ko.
Tinignan ko ang suot ko. Ganoon parin at walang pinagbago. Katulad parin ng suot ko nang mag ghost hunting kami sa Laperal House. Isang malaking T-shirt na kulay dilaw na nakatuck-in sa maiksi kong shorts at puting sneakers. My usual outfits everytime na nagna-night out kami nila Mica. Kung nasa modern siguro ako ay mukha akong normal, pero dito mukha akong tanga.
"Tila ang lalim ng iniisip mo?"
Napatalon ako ng marinig ang boses na iyon. Bumungad sakin ang seryosong mukha nito. Nakitingin ito sa apoy habang nagdadagdag ng kahoy.
"Anong taon na ngayon, Mister?" wala sa sarili kong tanong.
Nagtaas ito ng kilay at nagtatakang tumingin sakin. "Bakit mo naitanong? Wala ba kayong kalendaryo sa inyo?"
Umiling ako bago ngumisi. Lumipad ang tingin ko sa apoy. "Madami. Kahit nga cellphone ko may kalendaryo..."
"C-cellphone?"
Tumango ako. Mabilis kong kinuha ang phone sa bulsa ko atsaka iyon ipinakita. "This is my phone. But, apparently this is useless because it's dead batt."
Tumitig siya saakin ng matagal. Nag-iwas ako ng tingin sapagkat masyado itong mabigat. Tila nanantya ang mga tingin.
"Saang bansa ka nanggaling?" bigla nitong tanong.
"Philippines, of course!"
"Anong pamilya? Lumaki ka ba America? Dahil nasisiguro kong hindi ka pilipina. Walang pilipina ang marunong mag-engles ng kasing husay mo..." tumingin ito sa damit ko. "Masyadong maliit ang iyong kasuotan..."
Napairap ako. "Ang dami mong tanong! Sabihin mo nalang kung anong petsa at taon ngayon."
"Ika-sampu ng Desyembre, taong 1941. Maligaya kana?"
Nanlaki ang mata ko. Isang tanong ang una kong naisip. Paano ako nakarating dito? What the hell...
Ang kaninang gulat kong ekspresyon ay napalitan ng ngiti hanggang sa natawa nalang ako bigla. Kitang kita ko mula sa kinauupuan ko ang nagtataka nitong mata. Lalo na nang ang tawa ko ay napalitan ng isa, dalawa, tatlong hikbi hangang sa tuluyan na akong humagulgol.
"B-binibini, anong p-problema?" lumapit ito saakin at tila nalilito kung anong gagawin.
Hindi ko siya pinansin. Sa oras na ito ay ang pag-iyak lang ang gusto kong gawin. Tangina, paano ako nakarating sa mundong 'to? Nanaginip lang ako! Imposibleng nandito ako!
Tumingin ako sa lalaki na ngayon ay bahagyang nakatayo sa harap ko. Hindi alam ang gagawin habang nakatunghay sakin.
"Sampalin mo ko..."
Mas lalo siyang nagulat. "A-ano? Ngunit hindi maaari, Binibini."
Umalpas ang isang hikbi sa bibig ko. "Please... Slap me. Yung malakas! Yung masasaktan ako..."
Kinuha ko ang kanyang kaliwang kamay at ako mismo ang nagsampal non sa sarili ko. Halatang pinigilan niya dahil hindi ko magawang kontrolin iyon.
Binawi niya ang kaniyang kamay. Napalakas ang paghablot niya dito kaya medyo natumba ako ngunit mabilis niya akong nasalo.
"Maghunos-dili ka, Binibini. Bakit umiiyak ka?"
Umiling ako. Bahagya kong isinandal ang noo ko sa balikat niya at doon umiyak. Naramdaman ko ang bahagyang pagbigat ng paghinga nya at ang tensyunado nitong katawan.
"Hindi mo maiintindihan..." bulong ko.
"Kung ganoon ay hindi kita matutulungan..." bulong nito pabalik.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hudyat ng paglayo niya saakin. Bumalik ito sa dating pwesto at pilit na iniwas ang mata. Natawa tuloy ako bigla. Ngayon lang naalala na conservative rin ang mga lalaki noon.
"W-wala ka na siguro sa katinuan."
Tumango ako. "If you are in my shoe, mababaliw ka talaga..."
BINABASA MO ANG
A Love That Endures
Fiksi SejarahKilalanin si Gabriela Eunice Ybarra at samahan sa nakakabaliw na paglalakbay. Kilalanin si Francisco Tobias Laperal at samahan sa pakikipaglaban sa kalayaan. Kilalanin sila at samahan sa kakaiba at matatag nilang pag-iibigan. But how could they su...