Fire
I never believe in magic. Kahit ang mga nangyari noong unang panahon ay hindi ko rin pinaniniwalaan. Hindi ako naniniwala sa mga textbook na may kinalaman sa history dahil hindi ko naman mismo nakita yun. Hindi ako naniniwala sa inambag ni Rizal o nang kung sino mang bayani. Pakiramdam ko kasi noon ay pinaniniwala lang tayo ng mga manunulat upang may maipagmalaki ang mundo.
Ngunit ngayon na nandito ako sa panahong ito, kaharap ang lalaking ito na isang malaking halimbawa ng nakaraan ay gusto kong batukan ang sarili ko. Siguro ito ang dahilan kung bakit ako nandito, para ipalasap at isampal sakin ang masamang pangyayari ng kahapon.
"Anong pangalan mo?" Tanong ng lalaki sa harap ko matapos ang mahabang pananahimik.
Sumulyap ako sa kaniya.
"G-gabriela Eunice."
"Gabriela..."
Ngumiwi ako. "Eunice nalang, please."
"Bakit? Napakaganda ng pangalang Gabriela," nagtataka nitong tanong.
"Masyadong makaluma ang Gabriela, eh. Ewan ko ba kay Mama kung bakit ganon ang pangalan ko," paliwanag ko naman.
"Mama?"
"I mean, nanay."
"Nanay?"
"Ina?"
"Ah..." Kumuha muli ito ng kahoy upang ilagay sa apoy. "Ang iyong ina pala ang nagbigay ng iyong pangalan. Dapat nga't magpasalamat ka."
Nagkibit balikat ako. "Ikaw? What's your name?"
"Francisco..."
"Francisco? Yun lang?"
Umiling ito. "Francisco Tobias Laperal ang tunay kong pangalan."
"Oh, I like Tobias more! It sounds modern and cool though your surname really sounds creepy." natatawang ani ko.
"B-bakit naman? Mayroon bang pagkakamali sa apilyedo ko?"
Napangisi ako sa inosente niyang tanong. "Nothing. Pero gusto ko ng Tobias. Yun nalang ang itatawag ko sayo..."
Sumulyap siya sakin saglit. "Sa Maynila lang may tumatawag saakin sa ganyang pangalan."
"Talaga? Sikat ka ba sa Maynila?"
"S-sikat? Ano ang sikat?"
"Yung parang kilala ka ng lahat. Saan ka man pumunta ay may nakakakilala sayo." paliwanag ko.
Umiling lang siya at di na nagsalita pa. Sungit.
Mahabang katahimikan muli ang bumalot saamin. Rinig na rinig ko tuloy ang putukan at ingay sa bawat parte ng Baguio. Tanaw ko mula dito ang mausok na langit na nagmumula sa mga pagsabog. Dinaig pa ang new year. Madilim ang paligid. Siguro hindi pa ganon ginagamit ang ilaw noon.
Tinignan ko muli ang nasa harap ko. Tahimik lang siyang naglalagay ng mga kahoy sa apoy. Seryoso na tila dito nakadepende ang buong buhay niya. Mas lalo tuloy nadepina ang panga niya dahil sa liwanag na binibigay ng apoy.
"Pupunta kayong Manila bukas?" pagbubukas ko ng panibagong tapic.
"Oo."
Nagbuntong hininga ako. "C-can I come with you? Ayokong maiwan dito... this place looks scary."
Kumunot ang kaniyang noo at tila nag-iisip. "Nasa Maynila ba ang iyong pamilya?"
Ako naman ang biglang natigilan. Gusto kong sabihing oo para isama niya 'ko ngunit paano kapag nasa Maynila na kami? Saan ako titira?
BINABASA MO ANG
A Love That Endures
Fiksi SejarahKilalanin si Gabriela Eunice Ybarra at samahan sa nakakabaliw na paglalakbay. Kilalanin si Francisco Tobias Laperal at samahan sa pakikipaglaban sa kalayaan. Kilalanin sila at samahan sa kakaiba at matatag nilang pag-iibigan. But how could they su...