Kabanata 7

8 0 0
                                    

•••

Nagkaroon ako ng interes sa pag-aaral kung paano bumaril nang minsang sagutin ko ang manliligaw kong si Tristan last year. He's a 2nd year criminology student and we have met once sa isang party sa Timog.

We always in the shooting range. Everytime na nagdadate kami ay dumideretso kami doon para magpractice. Pero hindi rin kami nagtagal because he cheated on me. Nakikipaghalikan lang naman ang gago sa tabi pa mismo ng classroom ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa malaking pinto ng simbahan na nasa gilid ko. I immediately stop when I saw a kid outside. Umiiyak ito at tila nawawala. Lalapit na sana ako ng bigla siyang lapitan ng isang sundalo kaya mabilis akong nagtago sa likod ng puno. Tumingala ang bata ngunit walang awa lang itong binaril sa ulo.

Natigalgal ako. Hindi makapaniwala sa nakita. Bahagya kong ibinuka ang bibig upang makahinga ng maayos sapagkat pakiramdam ko'y nawalan ako ng hangin sa baga. Tila tinakasan ako ng katinuan nang makitang bumagsak ang inosenteng bata. Napalunok ako at napakurap ng ilang beses. Jusko!

"Ga nai te no shutoku wa nani desk, kiddo!" (That's what you get for crying, kid!) natatawang saad ng lalaki bago tumakbo paalis.

Ako naman ay mabilis na lumapit sa batang babae na ngayo'y nakapikit at puno ng dugo sa katawan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Dapat akong masuka sapagkat lumabas ang utak nito ngunit nahahabag at nandidilim ang paningin ko.

Nilibot ko ang paningin. Ang mga kabahayan ay nagkawasak-wasak na, tila pinasabog ng bomba. Iilan nalang ang nakatayong establishment sa harap ko. Ang kapal ng usok at ang ingay sa paligid. Nagtatakbuhan ang mga tao kasabay ng umaandar na isang tank destroyer na patuloy na naglalabas ng bomba. Nakakakilabot ang mga iyak na naririnig ko. Napaubo ako dahil sa usok, nananakit na rin ang mata ko. Agad akong pumunta sa gilid ng makita ang mga sundalong hapon na tumakbo palabas ng simbahan. Doon ko nilibot ang mata para hanapin sila Tobias at Manuel.

Sumandal ako sa dingding ng simbahan nang makita kong may lumapit sa banda ko na isang sundalo. Pilit kong tinatago ang sarili habang nililibot ang mata. Maya-maya rin ay nakita ko si Tobias at Manuel na nakatago sa malaking dingding malapit sa kinatatayuan ko. Nandun din si Padre Mariano, Mother Isabel at iba pang mga sugatan na napapalibutan ng mga U.S Army.

Patakbo akong lumapit doon ngunit hinarangan ako ng isang sundalong hapon dahilan para matigilan at kabahan ako. Tinutok niya saakin ang malaking baril na hawak. Doon ko lamang naalala na may hawak din akong baril sa kanang kamay ko.

Ang pagtahip ng tibok ng puso ko ay sobra-sobra nang mabilis ko iyong itutok sa binti niya. Agad siyang napaluhod at nanghina, sinunod ko ang kamay niyang may hawak na baril. Nabitawan niya ito kasabay ng pag-alingawngaw ng sigaw niya.

"Asshole!" nanggigigil kong sigaw bago tumakbo palapit kanila Tobias.

Nakatingin silang lahat sakin ultimo ang ibang sundalong nakapalibot sa kanila atsaka tumingin sa namimilipit na ngayon sundalong hapon sa sakit. Nag-angat ako agad ng dalawang kamay nang sabay-sabay itutok sakin ang mga hawak nilang mga baril. Uh-oh.

"Don't come near us!" sigaw ng sundalo.

Nakagat ko ang labi ko sa sobrang kaba. Tumingin ako kay Tobias na ngayon ay tila galit habang nakatingin saakin. Ngumiti ako bago pinalakihan ng mata sabay nguso sa sundalong nagsalita.

Kita ko ang paggalaw ng kaniyang balikat marahil sa pagbuntong hininga.

"Please, put down your guns, Sir. She's my friend..." rinig kong sabi ni Tobias sa mga sundalo.

Tumango ako agad nang kumunot ang noo nila sa sinabi ni Tobias. Tinitigan naman ako ng sundalo bago niya ibaba ang buhat na shotgun. Tila hudyat yun para lumapit sa kanila. Mabilis akong tumakbo, dumiretso sa tabi ni Tobias at Manuel.

"A-anong ginagawa mo dito, G-gabriela?" hindi makapaniwalang tanong ni Manuel.

"Hindi ko kayang magmukmok sa loob ng kwarto na iyon," bulong ko.

"Nasaan sika Esme?"

"Sa loob. Wag kang mag-alala..."

Dahil nakatago kami sa isang sirang dingding ay hindi ko makita ang nangyayari sa labas. Tanging mga sundalo lamang ang nasa labas. May dalang baril sila Manuel at Tobias ngunit hindi nila iyon ginagamit.

Tinignan ko ang seryoso niyang mukha.
"Bakit hindi kayo nagpapaputok at tumutulong?"

Hindi niya ako sinagot, imbis ay tinarayan ako bago nag-iwas ng tingin. Kitang-kita ko ang paggalaw ng mga buto nito sa panga.

"Problema mo?" nagtataka kong tanong.

He sighed.
"Nasisiraan kana ba ng bait? Ang bilin ko'y walang aalis ng silid!" galit nitong bulong.

Agad na sumibol ang inis sa aking dibdib. Tinignan ko siya ng masama. "I'm the queen of myself and no one tells me what to do!"

Hindi niya ko pinansin dahil masama ang tingin niya sa baril na hawak ko. Mas lalong umitim ang kulay itim niyang mata nang inaangat niya saakin ang atensyon. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.

"Hindi mo alam ang ipinasok mo, Gabriela! Hindi kana dapat pa pumunta dito!"

"Shut up, Tobias, pwede? Don't worry, I know how to use this. I can even shoot you in the head!" kahit kinakabahan ay nagawa ko pang magtaray.

Napakurap siya. "Then, shoot me!"

"Francisco, magtigil ka. Kinakain ka ng iyong galit..." sabat ni Manuel.

Nakakagulat ang pagiging bihasa niya sa engles. Ang bawat letrang lumalabas sa kaniyang bibig ay tila natural na humahagod sa kaniyang dila. Ngayon ko lamang siya narinig magsalita ng engles at tila sanay na sanay ito. Kung sabagay, nag-aaral ng medisina si Tobias kaya hindi malayong matutong mag-engles lalo na't sabi ni Miss Medallada noon na naging pangalawang lengwahe na nila ito mula ng manakop ang Amerikano.

Isang pagsabog sa gilid namin ang nagpabalik sa aking katinuan. Kamuntik pa kong mapatili nang bigla nalang akong yakapin ni Tobias sa likod na tila prino-protektahan ako sa pagsabog. Kitang-kita ko ang pagtalsik ng mga sundalong nakabantay saamin.

Ang aking puso at tila nahinto sa pagtibok ng tuloy-tuloy na putok ng baril ang ginawa ni Manuel at Tobias. Nag-iyakan ang mga tao at rinig ko ang mahinang dasal ni Padre Mariano.

"Yumuko ka Gabriela!" Rinig kong bulong ni Tobias sa gilid ng tenga ko.

Mabilis akong lumayo nang mapagtanto ang posisyon naming dalawa. Nakayakap kasi ang kaliwang braso niya sa katawan ko habang ang isa ay hawak ang baril.

Ah, shit, Gabriela! Get your shit together!

Hindi ko na masundan ang nangyari. Basta ang alam ko, ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"Gabriela, tara na't hayaan mo na ang mga kalalakihan..."

Umiling ako sa sinabi ni Madre Isabel. Wala na ang mga sundalong nagpoprotekta saamin, marahil ay patay na. Tanging sila Manuel, Tobias at iilang lalaki nalang ang nagpapaputok ng baril sa mga nagtatangkang lumapit saamin.

Lumipat si Tobias sa likod ko habang nagpapaputok. Lumingon ako sa kanan ko at ganoon nalang ang pagtahip ng puso ko nang mahagip ang isang sundalong nakatago sa likod ng puno. May hawak itong shotgun habang nakatutok sa kinatatayuan ni Tobias. Nakapikit ang isang mata at tila nanantiya.

"Ah, shit!" bulong ko.

Mabilis kong hinila si Tobias patungo sa tabi ko kaya ang natamaan ay ang lalaking nakatayo sa tabi ni Tobias. Nagulat si Tobias sa ginawa ko kaya mabilis niyang sinundan ang pinanggalingan ng bala at nagpaputok ng sunod-sunod.

Mabibigat ang bawat paghinga namin. Halos wala na akong makita sa paligid dahil sa makapal na usok. Nahihilo at nabibingi na rin ako sa maingay na putok ng baril at bomba. Naramdaman ko ang paghawak ni Tobias sa kamay ko habang hinihila ako sa parte kung saan tumakbo ang mga kasama namin. My heart skip a beat when he step close and whisper to my ears.

"Wag mong bibitawan ang kamay ko, Gabriela. Naiintindihan mo?"

Wala akong nagawa kundi ang tumango.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love That EnduresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon