#LaNE Curse 03 - The Second Encounter
Karina Bautista as Aexia (Ayesha)
Aljon Mendoza as Xione (Shon)
Rhys Eugenio as Xilent (Saylent)
Kaori Oinuma as Aegix (Eygis)
KarJon as Aione
KaoRhys as Alent
------------------------------------------------------------------------
Tovie's Point Of View (POV)
[03:00pm]
"Tol, nakakarami ka na, tama na 'yan pre." habang minamasdan ko ang matalik kong kaibigan na nalalango sa alak hindi ko alam kung pano ko siya matutulungan.
Sa ikalawang pagkakataon, nakita ko siyang hayok na hayok sa nakakalasing na inumin, ang una ay noong iwanan siya ng huling kasintahan niya, at ngayon heto na naman siya, marahil sa ganitong paraan lang niya makakalimutan nang panandalian ang kaniyang mabigat na isipin at problema.
Maging si Lola Antovia ay walang nagawa para pigilan si Xione sa paglalasing niya. Andito kami ngayon sa terrace ng bahay nila.
.
.
.
.
.
.
FLASHBACK ...
[02:00pm]
"Si Mr. Villaveser lang po ang may appointment kaya siya lang ang pwedeng pumasok sa loob." sambit ng babaeng nasa front desk. Andito na kami sa itaas ng ALTA, sa floor kung saan naroon ang opisina ng CEO.
"Pa'no ba iyan pre, 'di na kita masasamahan sa loob, medyo istrikto pala dito e." paalam ko kay Xione.
"Sige tol, antayin mo na lang ako, magikot-ikot ka na muna diyan sa baba. Magpa-famewhore ka muna, hahahaha. " kahit nakapagbitaw pa si Xione ng biro, kita ko at halata sa mukha niya na malalim pa rin talaga ang iniisip niya.
"Oo na. Ako na papansin. Inggit ka na naman. Hahaha. Galingan mo bes, yakang-yaka mo 'yan." sabi ko na lang para mapalakas naman ang loob ng mokong na 'to.
Xione's Point of View (POV)
Kanina pa lang pagbaba namin ni Tovie sa kotse, hindi ko na talaga mapaliwanag kung bakit parang masyado akong out-of-focus, liban sa lubos din talaga akong namangha sa mga nakikita ko now.
Pero hindi naman bago sakin ang ganitong tanawin, business-minded ang pamilya namin, middle class, lumaki naman akong naaarok ng utak ko ang ganitong estado ng pamumuhay, siguro nagkataon lang na pinalaki ako ni Lola sa simpleng pamumuhay at hindi niya hinayaan na lumaki ako sa luho.
Ano pa nga ba ang aasahan mo? Napakalaki ng ALTA, lalong bumababa ang tingin ko sa sarili ko dahil sa tanawin na 'to. Pagpasok namin dito sa loob, lalo na ng marating namin ang palapag kung saan naroon ang opisina ng CEO ay labis na pagkamangha ang nararamdaman ko, para akong nasa loob ng isang palasyo, isang moderno at makabagong uri ng palasyo.
"Napakayaman talaga nila." ang mahinang nawika ko.
Nang marating namin ang front desk. Agad kong kinausap ang receptionist na naroon.
BINABASA MO ANG
Loving a Non Existing #LaNE
RomanceLoving a Non-Existing. #LaNe AEXIA & XIONE | AEGIX & XILENT "Naranansan mo na bang ma-in love? Masarap 'di ba? Magical ika nga nila. Paano kung mahulog ka sa isang tao na hindi naman pala talaga nag-eexist? Sundan ang love story nina Aexia at...