MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :) *47*

85 1 0
                                    

[ ZOE'S POV ]

"Wala ka na bang naiwan?" Sabi ni papa habang tumitingin tingin sa paligid kung may naiwan ba ako.

"Wala na pa."

"'Pagkarating mo dun, tawagan mo ko agad ah!"

"Pa! Mahal kaya ng tawag dun! Ichachat ko na lang si tita sa facebook kapag nakarating na ako."

"Tumawag ka! Hoy Kevin," Lumapit si Kevin nang marinig niya ang pangalan niya kay papa. Nasa may kotse kasi siya at hinihintay ako. "Tawagan mo ko kapag nakadating na kayo ah."

"Gagawin ko din po 'yun kahit di niyo na po sabihin." Sabi ng mahinahon ni Kevin.

"Buti naman. Zoe! Kapag nagkita na kayo ni Brian, no holding hands, no hugging, no kissing! Bumati ka lang ng hello, usap ng kaunti! BAWAL GABIHIN! AMERIKA 'YUN! MADAMING BALIW!"

"Ikaw din Kevin, Lahat bawal. Kailangan hiwalay kayo ng kwarto, okay?" Tingin ulit sa'kin, "Kapag sinaway mo ang isa sa mga 'yan, hindi kita papatulugin dito!"

"Tss. Sige na, alis na kami! Male-late kami dahil sa mga paalala mo eh! Bye pa." Niyakap ko siya. Hinigpitan niya ang yakap ko. O.A nito ni papa, 5 days lang naman eh!

"Pupunta ka ng amerika dahil sa lalaki, hays. Malaki ka na talaga. Magiingat ka." Umalis ako sa pagkakayakap pagkasabi niya nun at hinila na ang maleta ko.Tinulungan ako ni Kevin buhatin ang maleta at sumakay na kami sa kotse.

Buti na lang itinapat ni Kevin ang pagkuha ng ticket ng saktong sembreak. Ayoko pa naman umabsent. Baba na nga ng grades ko aabsent pa ko!

Nakarating kami sa airport at naghintay ng isang oras bago kami makasakay.

Nasa bintana ako nakaupo habang si Kevin sa may aisle. Ang lamig sa eroplano. Ang dami naming kasabay na foreigners, uuwi na din siguro sila sa amerika! Hindi ko maitago ang ngiti ko. Makikita ko na ulit si Brian, at excited akong makita ang ibang bansa.

Mahigit 5 na oras na ang byahe namin. Pinaoff ang cellphone kaya wala akong magawa. Nakatingin lang ako sa bintana nang biglang may lumagpak sa balikat ko. Napangiti na lang ako nang makita ko si Kevon na tulog na tulog.

Buti pa siya nakatulog! Ako kasi sinusubukan kong pumikit pero naeexcite talaga ako eh! Ano kayang magiging itsura ni Brian kapag nakita niya ako dun? hahaha!

Feeling ko, una..sisigawan niya ako dahil kasama ko si Kevin,

pangalawa.. sisigawan ulit niya ako dahil bakit ko siya pinuntahan.

pangatlo.. yayakapin niya ako kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit ako pumunta.

Napaka predictable! haha! Sana ibahin naman niya ang strategy niya 'diba? Hahaha!

--

13 hrs..13 hrs ang byahe. Nagstop over naman kami pero ganun pa din ang pakiramdam ko, nahihilo!

Bumaba na kami ng eroplano and WELCOME TO AMERICA!

Gosh, gusto kong magselfie dito sa nakalagay!

"Okay ka lang?" Tanong ni Kevin sa'kin habang hinihila niya ang maleta niya.

"Malayo ba ang ibabyahe natin papunta sa bahay mo?"

"Hindi naman, bakit?"

"Nahihilo ako."

Inakbayan niya ako at inalalayan, "Tabi ka lang sa'kin," Naglalakad pa din kami palabas, "Para kung sakaling malaglag ka, masasalo kita."

"Kevin!"

"Oh!" Napatingin ako sa lalaking nakatayo. Wow, lakas maka gangster attire. Mukha siya filipino na parang mexicano, ewan ko! Basta gwapo! Binuksan ng lalaki ang kotse ar pinasakay ako sa passenger seat. Nilagay muna ng lalaki ang maleta namin sa trunk tapos sumakay siya sa driver's seat, si Kevin sa shot gun seat. Humiga ako sa passenger tutal solo ko naman at pumikit muna. Gusto ko sumuka! huhu.

MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon