JOLINA'S POV
We were both surprised and turned to the owner of the voice.
"Carl, anak, you want to join us?" Aya ni tita kay Carl.
Lumapit si Carl at naupo in between us.
I moved a little to give him a little space. And because I'm a little shy to be seen in a swimsuit I tried to cover my breast which for me are extremely exposed.
"Oh, nagsusuot ka rin pala ng ganyan 'pag magsu-swimming, 'kala ko jumpsuit ang suot mo." Natatawa pa si Carl sa pang-aalaska sa 'kin.
I hissed at him.
Wala na namang masabing maganda 'tong tukmol na 'to.
"Isn't she lovely in her bikini, Carl? Bagay na bagay sa kanya ang kulay, di ba? Mas lalo pa siyang pumuti." Nakangiting pamumuri ni tita Alice.
Napatitig naman ang Carl at napapangiting parang nakakaloko.
Mas lalo pa tuloy akong nahiya kaya ang siste naka-cross na lang ang mga braso ko sa dibdib ko.
"Sige i'll join." Sabi nito sabay hubad ng top nito.
Tumambad ang ma-muscle na upper body ni Carl kaya feeling ko napanganga ako ng kaunti mabuti na lang mabilis akong nakabawi at nag-iba ng tingin.
Tumalon kaagad ito sa tubig at biglang... hinawakan nito ang dalawang kamay ko.
"Bakit nasa gilid ka? Hindi ka marunong lumangoy 'no?" Sabi nito habang hinihila ako palayo sa pader ng pool.
"Marunong kaya. Kapal mo! Bitiwan mo nga 'ko!" Sagot ko naman dito.
"Bitiwan mo 'ko! Marunong akong lumangoy! Unggoy! Tigilan mo ko!" Sabi ko habang pinipilit kong kumawala sa mga kamay niya.
Pero patuloy niya lang akong hinihila papunta sa malalim na bahagi ng pool. Nkabitiw ang isang kamay ko kaya nagawa kong sabuyan ito ng tubig pero hindi naman ito natinag.
Ang mommy naman nito natatawa lang habang pinanonood kaming dalawa.
"Ang kulit mo!"
"Kung talagang marunong ka do'n tayo sa 6 feet." Hamon nito pero hindi niya 'ko binibitawan.
Nang marinig ko ang 6 feet ay lalo akong nag-panic. Marunong akong lumangoy pero takot ako kapag hindi na abot ng paa ko ang floor. I'm only 5'5" so, I know I won't be able to reach the floor kahit tumingkayad pa 'ko.
Ang kamay ko na kanina ay ipinapangsaboy ko sa kanya ng tubig ngayon ay ipinanghahampas ko na dito.
"Ayoko! Carl! Isa!" Sigaw ko.
"Mommy!" Sigaw ko.
Nagulat man ako sa pagtawag ng mommy kay tita Alice ay huli na para bawiin pa ang salitang 'yon at isa pa natatakot na 'ko.
"Hihingi ka pa ng saklolo sa mommy ha!" Nakangisi lang ito.
"Carl, tigilan mo nga si Jolina." Saway ni tita Alice.
Pero mukhang nag-eenjoy lang naman si tita na tinitingnan kaming dalawa. Feeling ko wala akong kakampi dito.
"Sana ganyan ns lang kayo palagi kasaya." Narinig kong sabi niya na parehas naming hindi pinansin ni Carl.
Pero imbes na tumigil ang siraulong si Carl, ay binitbit pa ako nito sa baywang ng isang kamay lang.
Para akong isang maliit na bata habang bitbit nito. Ang isang kamay naman nito ay gamit niya sa pagsalag sa kamay ko sa tuwing hahampasin ko siya.
Alam kong hindi ko na siya mapipigilan kaya yumakap na lang ako dito. At saka inihilig ko ang ulo ko sa leeg niya.
"Ayoko sa malalim, Carl!" Impit ang boses nakiusap ko dito na tila umiiyak sa pagitan ng leeg at balikat niya.
Bigla naman itong nagbago. Pinilit niyang silipin ang mukha ko na parang gusto pang makasiguro ng loko kung legit talaga ang pag-iyak ko.
Pero mas hinigpitan ko pa ang kapit dito.
Sa totoo lang sa pagkapit kong iyon sa kanya ramdam na ramdam ko ang tigas ng muscles ng dibdib at braso niya. Something that sends different kind of feelings inside me. Kaya bigla 'kong naisip na bumitiw na lang sana.
Pero hindi pwede. Pa'no kung hindi na abot ng paa ko ang sahig?
I felt and heard him giggling.
Napatingin ako rito.
Doon ko lang na-realized naibalik niya na pala ako sa gilid ng pool.
"Takot ka pala sa malalim ha!" Panunuya pa nito.
Tinitigan ko lang ito ng masama.
Nakatalikod ako kay tita Alicia so I knew she won't see me stabbing her son with my dagger stare at him.
Gusto ko talagang isa isahing hilahin ang kilay, buhok sa ulo at balahibo nito sa inis ko.
But the guy didn't budge. He just continued laughing at me.
Maya maya pa tumayo si tita Alice.
"You want some snacks or,"
"Desserts perhaps? Since walang kumain sa inyo ng sweet kanina. Anong gusto n'yo, Ipapahanda ko?"
"Mom, I'm craving for nachos." Malambing sa sabi nito sa mommy niya na isinampa ang mga braso sa gilid ng pool.
Tumingin si tita sa akin. Iling lang at ngiti ang isinagot ko rito.
Nang tumalikod na si tita at nakita kong medyo malayo na ito ay inundayan ko si Carl ng hampas at kurot.
"Aww! Aray!"
"Napakayabang mo ha! Porke matangkad ka! Porke magaling kang lumangoy! Binitbit mo talaga 'ko sa malalim! Ang yabang mo talaga!" Gigil na pinaghahampas ko ito at pinagkukurot.
"Sabi mo kasi marunong kang lumangoy! Aww!" Umiwas pa ito sa akin at hinawi ang kamay ko na pino ang pagkakakurot sa isang braso niya.
"Marunong ako! Only if I can still reach the floor! Bwisit ka!"
"Aray, Jolina! Sobra ka na ha! Masakit na braso ko sa 'yo ha." He warned.
"Tingnan mo! namumula na. Nasugatan mo yata." Reklamo nito habang nakatingin sa akin at ipinapakita ang namumulang braso nito.
I stopped and walked away.
"Saan ka pupunta?"
"Sa lugar kung saan wala ka!" Sagot ko habang umaakyat ng hagdan.
Umakyat din si Carl at saka hinabol ako.
Pagka kuha ko ng towel at habang nagtutuyo ng bahagya. Biglang maramdaman ko ang kamay ni Carl na nakahawak sa magkabilang braso ko mula sa may likuran ko.
"Sorry na. Peace na tayo." Sabay inihilig nito ang ulo sa balikat ko. kaya natigilan ako.
"Tama nga ang sabi ng mommy niyo. May lovebirds sa pool." Nakangiting bungad ni lolo.
Kaya pala naglalambing ang best actor na 'to. Dumating pala ang lolo. Bwisit! Artista talaga. I scoffed inside.
Pasimple ko itong siniko.
Napahawak ito sa tagiliran at saka kami nagkatinginan.
Kinabig ako nito palapit sa kanya. At naramdaman kong parang hinalikan ako nito sa ulo. Kaagad akong kumawala at tiningna ito ng masama bago ako tuluyang nag walk out.
BINABASA MO ANG
One Roof
RomanceThey were young, so naive, full of life and carefree living their own lives until... Their grandpas enter the pictures and bring chaos between them. Squabbling every day and upsetting each other is the name of their game. Surrender is never a part o...