Chapter 7
"Wag kang tumawa dyan love" inis na sabi nito. Patuloy pa rin ako sa pagtawa pero nagulat ako ng hapitin nya ako sa bewang. "Wag mo kong pagtawanan" Ngumiti na lang ako "Mamaya nyan aminin mong mahal mo na talaga ako" Kaya naman hinampas ko sya ng mahina. Pinulupot pa nya ang braso nya sa bewang ko. "Kapal mo" natatawang sabi ko. "Umuwi ka na nga" tinanggal ko ang kamay nya sa bewang ko at hinila sya. Naglakad na kami pero hinawakan nya ang kamay ko. "Holding hands tayo" tumingin ako sa kanya at nakangiti na ito.
Nasa tapat na kami ng kotse nya. Humarap sya sakin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Pupunta ako dito bukas. Hahatid kita" tumingin ito sa buhok ko at inilagay nya sa likod ng tenga ko ang ilang strand ng buhok ko.
"Bakit ka ganyan?"
Napakunot ang noo nya ng tumingin ito sakin. "Bakit ba ang sweet mo?" tanong ko. Ngumiti ito at kinurot ang ilong.
"At bakit ba ang dami mong tanong"
Nag pout ako.
"Wala lang. Ganyan ka din ba sa Ex mo?"
Nawala ang ngiti nito dahil tungkol na ito sa Ex nya
"Klee" seryosong sabi nito. Hinawakan nya ang kamay ko. "Wag na natin pag usapan ang tungkol sa Ex ko" Halatang umiiwas sya pag Ex na nya ang pag uusapan. "Last na. Ilan na ba naging Ex mo?" tanong ko. Napahilamos ito ng mukha.
"Pagsisimulan ng away natin ito" sabi nya. Huminga ako ng malalim. "Fine. Hindi na ako magtatanong" Ngumiti ito at hinawakan ako sa mukha. "Ayoko lang nag aaway tayo, okay?" ngumiti ako ng sapilitan. "Smile ka na" hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinangiti ako. Tinanggal na nya ito. "Text mo na lang ako pag nakauwi ka na" sabi ko.
"Love"
"Hmm?"
"Love" sabi nya.
"Ano nga?" Bigla ito ngumiti.
"Wala" sabi nya.
Binuksan na nya ang pinto ng driver's seat. "I'll see you tommorow, love" Nakangiting sabi nito. Pagkaupo nya yumuko ako para sana tignan sya pero nagulat ako ng halikan nya ako sa pisngi. "I love you" ngumiti na lang ako dahil hindi pa cleared sakin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.
Ako na ang nagsara ng pinto pero binaba nya ang bintana.
~
"Love"
"Ano?" Ngumiti lang ito at itinaas na ang bintana. Bago nya maisara ito narinig ko pa ang pagtawa nya. Pinaandar na nya ang kotse at mabilis na nawala sa paningin ko.
Pagbalik ko sa apartment ay agad akong naupo sa kama. Nang icheck ko ang phone ko ay may message galing kay Jarren.
Jarren: I'm sorry If I ditch you last time.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pero alam kong darating ang araw na malalaman ko kung sino ba si Jarren.
Klee: It's okay.
Hindi na sya nagreply pa. Malapit na ang meet up at sa araw na iyon, malalaman ko kung sino si Jarren.
~
Nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Sinagot ko ito. "Hello?"
"Love, andito na ako sa labas ng apartment mo" Napadilat ako at agad na lumabas ng kwarto. Binuksan ko ang pinto kahit alam kong magulo pa ang buhok ko. Nagulat itong nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Playing with Klee (Original Version) [COMPLETED]
RomanceTwo lonely souls in one situation brings them in a breaking heart. One mistake leads to one breaking apart. One decision leads them into second chance. Could second chances take? Season 1 and Season 2. COMPLETED STAND ALONE | SEASON 1 AND 2 | Origin...