Woah, nananaginip bako? Naka.idlip ba ko habang nagbabasa?
"Back to earth Althea." Jade snap her finger in front me.
"Ay, sorry nakaidlip ata ako." Umunat ako para mawala ang antok kung meron man. Tinawanan ako ni Jade.
"So, ano? Payag ka na? Wala ka pa namang date diba?" So totoo palang nangyari yun, teka nga, "Paano naman ako magkakadate, daig mo pa si tatay bumakod?" Sinamaan lang din ako ng tingin at di na siya nagsalita. Patay!
Alas siyete na kaya ligpitan na ng gamit, di pa din niya ako pinapansin. Dumadalas ang pagiging matampuhin niya. Ganito ba pag nagdadalaga? Alam kong bukas bati na kami pero ayokong matulog kami ng may tampuhan. Hay, parang magjowa lang.
Kailangan may gawin ako, lumakad na siya papuntang pinto pero hinarangan ko siya. Tinitigan lang niya ko ng walang emosyon, hindi ko na naman siya mabasa. Bago pa siya gumalaw ulit,
"Jadey, Pwede bang tayo nalang magkasama sa prom?" Hindi ko manderetsong masabi pero alam kong gets niya ko. Ngumiti na siya at lumapit sakin para halikan ako sa pisngi na napakalapit sa labi at yumakap.
"Of course Tey, I would love to be with you." Double meaning para sakin waahh! Kaya niyakap ko nalang din siya ng mahigpit.
__
"Althea who's your date for tomorrow?" It's Kathleen, isang morenang model type girl na napakaraming talent. Pack up na kami para may energy daw bukas. Kita ko sa peripheral vision kong nakatingin si Jade. Syempre kasama siya, manager e.
"Oo nga althea, sino nga ba ang swerte na yun? Mukhang patay na patay sayo dahil ang aga mong naging taken?" Singit ni Tommy.
"Ah, si ano. . Si Jade." Kamot kilay kong sagot. Di ko alam kung okay lang bang sabihin ko ang totoo. "Si Jade, tanungin niyo di ko din alam eh." Dugtong ko at tumalikod para magligpit ng gamit ko. Ayoko lang na pag isipan nila kami ng di maganda.
"Si Paul ang date niya, yung kapatid ko. Matagal na kasi niyang crush yun." Hala? Galing gumanti ni Jade ha.
"Wow, isang Tanchingco pala kaya pala hindi pinansin si Alvaro." Kantsaw ni Kean na nakikinig pala samin.
"Let's go althea, baka abutan tayo ng traffic." Sabi ni Jade at nauna ng lumabas ng music room. Buo na naman ang pangalan ko, ano na namang ginawa ko?
__
"Jadey bakit mo pala sinabing si Paul ang date ko? Baka mamaya abangan nila tayo dahil sa gwapo ng dhiya mo." Biro ko para matuwa na din siya.
"It's okay, he's coming with me. Nag.usap na kami. Sunduin ka nalang namin bukas or sa bahay ka nalang din manggaling. Ikaw na bahala." Seryoso niyang sagot pero hindi pa din natingin sakin, nagbabasa lang siya kaya ako tumahimik nalang. Baka biglang umayaw to mahirap na.
__
"Tay, pwede bang daanan niyo muna ako bago niyo sunduin sila Jade?" Nag.papaayos nako sa parlor malapit samin, sinamahan ako ni tatay para kuhaan ng litrato. Ang drama lang akala mo naman ikakasal nako prom lang naman to.
"Aba, binata na ang anak ko gusto siya ang susundo ah." Sabi ni tatay, alam niyang si Jade ang date ko.
"Nakakahiya kasi tay, ako nagyaya sa kanya pero ako pa yung susunduin." Nakakahiya naman talaga kaya kahit papaano gumawa ako ng pang regalo kay Jade. Sana magustuhan niya.
__
Nang makarating kami sa mansion, hindi nako pumasok para masurprise si Jade. Naghihintay lang din ako sa labas ng kotse. Limousine lang naman kasi to, company owned ng Tanchingco.
Paglabas ni Jade mula sa mansion, parang naging slow motion ang paligid, papalapit siya sakin nakangiti. Tulad ng 10th birthday niya ang ganda na naman niya sa cocktail dress niya, as usual pink favorite color niya kasi.
"Hey there Rockstar." Bati niya at bumeso. Nakablack kasi akong dress at maong na jacket kailangan ganito ang outfit dahil tutugtog kami.
"Shall we ladies?" Singit ni Paul, binuksan na niya ang pinto ng limo pinauna ko si Jade pumasok bago ako syempre ladies first.
Habang nasa biyahe kami di ko maiwasang hindi tumitig kay Jade, walang duda na maganda siya pero mas maganda siya ngayon.
"Althea, sabi ni shobe crush mo ko? Kaya pala malagkit ka tumingin sakin ha." Asar ni Paul.
"You're so full of yourself Paul. You know that I lied." -Jade
"Baliktad pala, si shobe pala may crush sayo." Asar nanaman ni Paul.
"Paul shut up, your making my girl uncomfortable here." Biglang umakbay si Jade sakin, nakisakay din sa kapatid niya. Ako tahimik lang, hindi ko kayang sakyan ang biruan nila lalo na kung gusto kong totohanin yun.
__
Here we are, naglalakad na kami papasok sa venue, nakahawak lang kami ni Jade sa braso ni Paul. Lahat nakatingin samin, nakayuko lang ako dahil nahihiya ako pero ang mga Tanchingco, bold and proud. Hindi ako bagay dito, aalisin ko na sana ang kamay ko sa braso ni Paul pero inipit niya ang kamay ko at tumingin saking nakangiti. Assurance na kaya ko to.
At the table, napagitnaan namin ni Paul si Jade. Ayoko kasing may ibang tumabi sa kanya, baka maagawan ako ng date e.
"Wow Jade, You look beautiful today. Pwede ba kitang maisayaw?" Si David na naman. Grr di talaga siya tinitigilan nito.
"Are you saying that she's ugly except today?" Sungit ni Paul, magkapatid nga sila ni Jade. Nice Paul.
"H-Hindi naman po sa ganun kuya. ." Sagot ni David pero nagsalita na agad si Paul "I don't want you around my sister or I'll report you. Go now." - Paul. Natakot lang naman si David kaya di na siya makita sa paligid.
Marami pang lumapit samin ni Jade pero si Paul ang sumasagot sa lahat. "Excuse me ladies, Rest room lang ako. Ang hirap niyong bantayan e."
Pag kaalis niya napalitan ng sweet song ang tugtog, Eternal flame. Jade's favorite. "Ah, Jadey, sayaw tayo." Kamot kilay kong tanong, tumango lang siya at tumayo.
Sinabit niya ang kamay niya sa balikat ko at nakatitig lang sakin na parang ako ang pinakamahalagang tao sa kanya. Madami namang tao at medyo madilim kaya hindi kami halata.
"Ang ganda mo Jadey, dalaga ka na talaga." -Althea
"Mas maganda ka teya, kaso parang nagbibinata ka." Hay nangasar na naman siya.
__
After namin sumayaw bumalik na kami sa table namin, wala pa din si Paul, asan kaya yun? Malapit na kaming tumugtog walang kasama si Jade.
"Tey, I'll be fine. Lalapit naman ako sa stage pag nagstart na kayo. Baka may kinausap lang si Paul." Ngiti niya. Alam talaga niya kung ano lagi nasa isip ko.
Nasa stage na kami, bigla akong kinabahan dahil lahat ng tao lumapit sa stage. Hinanap agad ng mata ko kung nasaan ang bestfriend ko and there, katapat lang siya ng kinatatayuan ko ngumiti lang siya at nagthumbs up. Kilalang kilala na talaga niya ko, alam niyang mawawala ang kaba ko pag nandun siya. Hay ang swerte ko talaga sa kanya.
Tapos na ang set namin mukhang nagenjoy naman sila, pero hindi nila alam na may solo performance ako, kaya naiwan ako sa stage at pinakilalang muli, "Hi guys, pasensya na kung may ganito pa. Actually regalo ko to para sa . . Basta. Sana magustuhan niya please don't judge. First time ko lang kasing gumawa ng kanta. " At nagstrum nako.
BINABASA MO ANG
Untitled
FanfictionWhen you're inlove, You sacrifice. You'll do everything. Even to live her life for you to keep her. Is this Althea or Is this Jade?