"Walang Gwapo!" Hopeless kong sambit.
Halos maubos ko ng i-stalk ang lahat ng taong friend ko sa Fb at ni-isa walang gwapo. Tsk. Naman oh. Umalis muna ako at pumunta sa kusina. Kailangan kong kumuwa ng chips and water dahil alam kong matagal tagal na hanapan ito. Bumalik na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot habang naka-indian seat at nakapatong sa binti ko ang laptop. If you're wondering kung bakit ako naghahanap ng gwapo? Ay iyon ay dahil sa hopeless na ako kay Crush. As in ni isang sulyap wala, kaya ito trying to move on ang peg. Patuloy ako sa pag-scroll sa Fb ng matigil ang mga mata ko sa isang Post.
"Lahat ng pangalan na nagsisimula sa J, M, C, A, and D ay mga Gwapo." Pagbabasa ko dito. Hindi ko alam pero may nagpupursue sa akin na patulan ang post na 'to kaya nagsearch ako agad.
After how many hours ay wala pa rin, kung hindi masyadong bata, matanda. Kung hindi Gwapo, Bakla naman pala! Letter D nalang ang Available na Letter at D palang ang nasi-search ko ay may pangalan na agad na mangunguna.
DEAN GUZMAN.
Kumabog ng napakalakas ang dibdib ko. This feeling is so familliar and I hate it. Pero.. Ang gwapo niya! Jaw drop ako sa kanya. Ewan pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. In-stalk ko kaagad siya at dali daling nag-friend request kaya lang hanggang follow nalang ang rami na kasing friends sa Fb. Hay. Sayang gwapo na sana eh, sinave ko kaagad ang mga Pictures niya sa Facebook, Ang dami!! Nahiga ako sa kama at tinitigang mabuti ang Picture niya.
"Gwapo mo!" Nakangiting sambit ko. Para na nga akong tanga dito na nakatitig habang Nakangiti ng malapad.
~~~~~~
~~~~~~"Hoy Cheska! sino nanaman 'tong wallpaper mo?" Medyo inis na hindi makapaniwalang tanong ni Kelly. Kakadating ko lang sa School at kinuha niya agad ang phone ko to take some pictures pero bumungad agad sa muka niya ang muka ni Dean na ngayon ay wallpaper ko. Kinuha ko kaagad iyon at tinago sa bulsa.
"Hoy Cheska! Sino nanaman 'yan ha? May bago ka nanaman? Eh parang kahapon lang patay na patay ka pa kay Kurt tapos ngayon may bago ka nanaman? Malala ka na." Talak niya sa akin. Nagsitinginan na nga ang ibang mga estudyante Sa amin kaya napahawak nalang ako sa aking sintido. Siya nga pala si Kelly Bonifacio echos niya lang ang Kelly dahil full name niya talaga ay Maria Mackelly Bonifacio. Maganda naman siya, Kayunanggi ang kulay, singkit, Manipis ang labi pero Hindi katangkaran.
"Grabe ka naman!" Saway ko sa kanya. OA niya kasi, Tumatagal naman ng Week yung mga nagiging crush ko 'no! Kaya lang sadyang masyadong maraming lalaki sa mundo hahaha. "Hindi naman masyadong malala. Slight lang."
"Naku talaga Cheska! Pag-ikaw mabuntis." Pinalakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya.
"Buntis agad? Grabe ka naman! Wala namang kakayahan ang mga picture na buntisin ang isang tao. At alam kong hindi lang ako ang nag-iisang tao na Nang-istalk at pagmay-gwapo, Friend request kaagad. I've done my personal research Kelly." Confident kong sabi. Alam ko kasi na kahit si Kelly, makakarelate and the Research thingy? Its practically true, based sa mga Comments nila. At kaya maraning 'Followers' ang isang gwapong lalaki or babae.
"Tsk. Oo nga normal lang 'yan, sa ibang tao. Eh ikaw ginawa mong habbit eh." Pinalo ko kaagad siya. Ang harsh! Grabe naman kung makapang-real talk ang isang 'to mapapasabi ka talagang 'Truth Hurts'.
"Hay naku! Hayaan mo na nga lang ako." Medyo iritado kong sabi sabay buklat ng Libro. Isang Novel actually. Pag nga ganitong subject kasi nagbabasa lang ako ng Novel, for example itong susunod na subject namin which is Psychology na hindi ko ini-expect na mayron dahil sa pagkakaalam ko eh highschool palang kami. I'm about to turn the Next page ng mapukaw ang atensyon ko sa topic na i-o-open ng aking Prof.
"Alam niyo ba ang TGA?" Tanong ni Professor Ramos.
"No one? Well Class TGA stands for Transient Global Amnesia." Nakangiti niyang Sabi dahil for the first time all ears was on her. "Alam ko all of you know amnesia. Pero in this case.. it's different. It's unique, rare, and one of kind. Transient Global Amnesia is an Amnesia that last only..... a Day." Confusions are drawn on our Faces. Amnesia na isang araw lang? Hahaha may ganyan pala?
"Haha.You might think It's funny pero hindi. May mga ganito talagang Cases. And a person who suffered this kind of amnesia will not remember everything after that, even that Day. Kaya kahit Sampalin, Nakawan, or even lokohin mo siya, after that day wala na siyang maaalala." Nakangiting sabi ni Prof. Natigilan ako. May ganyang sakit pala? Parang ang saklap naman 'yan pero at the same time maganda na rin 'yan sa mga taong nakasakit dun sa isang tao atleast diba hindi ka niya maaalala. Maganda rin 'yan kung umutang ka in that day para kinabukasan wala siyang maaalala. Pero paano kung may magandang nangyari sa araw na 'yon? Makakalimutan niya?
"Cheska! Lutang ka nanaman." Nabalik ako sa katinuan. Kami nalang pala ang tao sa Classoom. Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay yun parin ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung bakit masyado akong apektado sa Amnesia na 'yon. Naupo ako sa Kama at lutang nanaman nang tumunog ang cellphone ko.
Dean Guzman accepted your friend request. Write on Dean's Timeline.
Literal na napanganga ako dahil sa nakita. This is so freaking unbelievable! Diba na-reach niya na ang Friend limit? Pero sabagay libreng makipgkaibian walanv limitations hahaha pero kahit ganun masaya pa rin ako. At least kahit sa Facebook, may connection kami. Hihihi. Pero may sumagi bigla sa utak ko. Pa'no kaya kung magkaroon siya ng TGA? O Transient Global Amnesia? Kaya niya kaya akong mahalin kahit isang araw lang?
|||||||||||||||||||||||||||||
C.R.E.E.P.'s NOTE
Hello po. New Writer here hahaha sana po suportahan niyo 'tong first story ko. This is inspired by a Thai movie 'One Day'. It really hits me kaya sinubukan kong gumawa ng story na inspired diyan sa story pero in a STALKER POV HAHAHA kaya hope you....
VOTE
COMMENT
SHARE
& FOLLOW (kung pwede lang naman kasi you know dagdag Inspiration lang para matuloy 'tong story hihihi.)THANK YOU!! SALAMAT!! KAMSAHAMNIDA!! ARIGATO!!
YOU ARE READING
Just A Day
Short Story[Stalker Series #①] What if You're given a Chance to be with someone That you love? Someone na hindi pwedeng maging sa'yo? Someone na hanggang tingin nalang... Siya si Franchesca Tuazon CHESKA for short. Para sa kanya, Normal lang ang maging Fangir...