CHAPTER FOUR

835 41 7
                                    

Note:

This is Adrian and his famous flying kiss! Hahaha! Para sa mga hindi nakakakilala sa kanya. He is Jin from Kpop group, BTS, ang inspirasyon ko sa nobela, at  sa buong series na ito. Anyway, happy reading! :)


DAHIL SA dalawang magkasunod na insidente ng pangbabastos sa kanya ng customers. Nilipat na naman siya ng puwesto ni Adrian, sa pagkakataon na iyon ay nasa Cashier na siya. Simula ng malipat doon, isang buwan na rin halos ang nakakalipas, tuluyan ng nakapagtrabaho si Nami ng maayos at tahimik. Laking pasalamat din niya dahil maunawain ang mga kasamahan.

"Table number four, bill out na," sabi ni Thelma.

Agad siyang nag-compute kung magkano ang total bill ng customers sa table number four, pagkatapos ma-print ang resibo ay saka iyon binigay kay Thelma.

"Thanks," anito.

Nang umalis ang huling customers, halos sabay-sabay silang nag-inat. Agad nagligpit ang mga kasamahan niya, habang si Nami ay abala sa pagko-compute ng benta at pagta-tally ng mga kinita para sa buong third shift.

"Uy Nami, una na kami!" paalam ni Thelma.

"Sige, ingat!"

"Sky, alis ka na rin?" tanong ni Nami sa kaibigan.

"Oo, malapit na akong gumapang sa putik dahil sa pagod!" reklamo nito.

Dinagsa kasi sila kanina ng mga customers. Kaya pagod halos lahat ng crew at staff. Kahit siya ay kumukuha ng order at nagse-serve kapag walang nagbi-bill out. Nang matapos niya ang pagko-compute, agad na inayos ang pera at nilagay sa cashbox at nilock iyon. Papunta na siya sa office ni Adrian ng halos mapalundag siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kitchen at lumabas doon ang binata.

"Ay kabayo!" sigaw niya, muntik pa niyang mabitiwan ang cashbox dahil sa sobrang gulat.

"Nami, bakit nandito ka pa?" nagtatakang tanong nito.

"Nag-tally pa po ako ng benta, katatapos lang po," sagot niya.

"Ah ganoon ba? Sige, ilagay mo na lang doon sa cabinet ko sa loob ng office," sabi pa ni Adrian.

"Sige po," sagot niya.

Dahil maliwanag naman galing sa labas ng dining area, hindi na nag-abala pa si Nami na buksan ang ilaw sa opisina. Pagkatapos ilagay ang cashbox sa loob ng cabinet ni Adrian ay agad niya iyong sinara at ni-lock pa. Pagtayo niya at eksaktong paglingon, biglang napasigaw na naman siya ng makitang may lalaki sa loob ng opisina ng amo, at wala pa iyong t-shirt. Mabilis itong tumakbo at agad na tinakpan ang bibig niya.

"Nami! Bakit? Anong nangyari?" nag-alalang tanong nito.

Nang marinig ang pamilyar na boses ni Adrian ay saka lang siya tumigil sa pagsigaw. Pero nawala sa tanong nito ang atensiyon, matapos mapatitig sa mukha ni Adrian. Kaylapit ng mukha nito sa kanya, kaya kitang-kita niya ang guwapong mukha ng binata. Her heart is raising that moment, kumbaga, over speeding ang puso niya sa bilis ng pintig niyon. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing nasa paligid si Adrian ay nawawala sa normal ang reaksiyon ng dibdib, maging ng buong pagkatao niya. 

Naramdaman ni Nami na kumilos ang kamay nitong nasa likod niya. Nahigit niya ang hininga ng hapitin siya ni Adrian palapit, na ng mga sandaling iyon ay hindi rin inaalis ang tingin sa kanya.

Heaven's Warriors Series 1: Awakening the AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon