Nakatulala si Lyrah habang pinapanuod ang mga batang nagtatakbuhan sa harap ng bahay nila . Minsan ay naeengganyo siya na makisali sa mga ito pero ano namang mapapala niya sa pakikipaglaro kundi ang mapagod . Kaya naman mas minamabuti na lang niyang magbasa ng mga libro o kaya mag-aral na lang ng mabuti . Top 1 siya sa klase nila at siya ang laging lider sa mga grupong nasasalihan niya . Sabi ng teacher niya , magiging magaling daw siya na teacher paglaki . Pagtuturo kasi ang gusto niya . May mga kapatid siya na mas bata sa kaniya . Si Laine at si Cholo . Siya ang nagtuturo sa dalawang kapatid niyang maliliit . Kahit na labindalawang taong gulang pa lang siya ay madami na siyang alam na hindi pa alam ng mga batang kasing edad niya . Ang alam lang kasi ng mga ito ay maglaro ng maglaro , hindi gaya niya na aral ng aral . Nerd ang tawag sa kaniya ng mga kaklase niya . Noong una , akala niya , baduy ang ibig sabihin ng mga ito . Ayon pala ay yung taong matalino na aral ng aral na katulad niya . Gusto niyang makatapos na may mataas na karangalan kaya naman pinapagbuti niya lagi ang pag-aaral niya . Ayaw niyang magaya sa mga batang hirap sa pag-intindi sa mga lessons . May pagkukusa din siya at masipag . Halos lahat na nga daw ng mabubuting asal ay nasa kaniya na . Kaya naman laking pasasalamat ng mga magulang niya na responsableng bata daw siya .
**
“ Alois , tara sama tayo kila Jomari . Magbabasketball sila ! “ , tuwang-tuwa saad ng pinsan niyang si Gimel .
“ Ayoko . Kayo na lang “ .
“ Ayan ka na naman ! Magmumukmok ka na lang ba araw-araw ? “ , naiinis na tanong sa kaniya nito .
“ Oo na . Emo na kung emo . Pero ayokong sumama . Ikaw na lang kasi “ , sagot niya dito .
“ Sige na nga . Bahala ka na “ .
Si Alois yung tipo ng tao na hindi masyadong naglalalabas . Mas gusto niyang nasa bahay lang . Nagbabasa ng libro o kaya naman naglalaro ng online games . Sa edad niyang katorse , dapat ay nakikipaglaro siya ng basketball o kaya naman nakikipagbarkada na . Pero mas gusto niyang mag-isa . Tahimik lang at walang maingay . Sa klase nila , madaming babae ang nagpapakita ng interes sa kaniya . Paano naman kasi gwapo siya . Maraming nagsasabi na kamukha niya daw ang sikat na Hollywood actor na si Harry Potter ! Gaya nito , nakasalamin din siya . Medyo malabo kasi ang mga mata niya . Pero minsan , pag lalabas siya nagcocontact lens na lang siya para hindi naman siya tawagin Nerd ! Ayaw niyang tinatawag na Nerd dahil hindi naman siya ganoon . Sadyang tahimik lang siya . Bukod kay Gimel na pinsan niya at kaklase niya , mayroon siyang kaisa-isang kaibigan na si Tristan . Halos lahat ng ugali niya ay ugali din nito . Madami silang bagay na napagkakasunduan kaya naman naging kaibigan niya ito .
**
Tinutukso si Lyrah ng isang grupo ng mga lalaki . Hindi niya alam kung anong kasalanan niya sa mga ito . Basta na lang siyang hinarang ! Ano bang problema ng mga lalaking ito ? Mukhang pagtritrip-an pa yata siya . Yumuko siya at dire-diretsong naglakad para makaiwas sa mga ito pero sinundan pa din siya ng mga ito at tawa ng tawa habang nakatingin sa kaniya .
" Anong bang problema niyo at ako ang pinag-tritripan niyo ? " , naiinis na saad niya sa apat na lalaking kaharap niya .
" Wala naman . Curious lang kami sayo ! Mukha ka kasing napaglumaan ng panahon . Baka naman gusto mong regaluhan kita ng mga damit na in ngayon ? Yung magpapamukha sayong tao hindi ganyan . Mukha kang matanda sa pananamit mo ! At saka dian sa salamin mong mas malaki pa yata sa mata mo ! " .
At sabay-sabay na naghagalpakan ito ng tawa .
" Excuse me , wala kang pakialam kung ano ang isuot ko . Mind your own business ! " , sigaw niya sa mga ito at tumakbo palayo sa mga ito na hindi niya na pinag-abalahang tingnan .