G8: Araling Panlipunan

1.2K 9 3
                                    

Legend:
Bold- terms
Italics- notes
Underlined- important stuff
(Parentheses)- author's note

-Mediterranean Sea-
Tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo

Ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay ng mga sinaunang Greek. Dahil dito, karamihan sa kanila ang nakatira 60 km. mula sa dagat.

Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ay naging sagabal sa daloy ng komunikasyon sa pamayanan.

-MINOANS-

-Kauna-unahang sibilisasyong Aegean na nagsimula sa Crete noong 3100 BCE

-Ang pangalan nito ay batay sa ngalan ni Haring Minos, isang maalamat na hari na sinasabing nagtatag ng sibilisasyong ito.

-Kilala bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya

-Ang mga bahay ay gawa sa laryo bricks at may sistema na ng pagsusulat

-Magagaling na mandaragat

-Kinilala ang Knossos, isang makapangyarihang lungsod na sumakop sa kabuuan ng Crete

-tinatamad na ko walanjo T^T

-Narating ng Crete ang tugatog noong 1600- 1200/1300 BCE (sorry malabo yung pic)

-May apat na pangkat ng tao: maharlika, mangangalakal, magsasaka at alipin

-Mga masayahing tao na mahilig sa mga magagandang bagay at kagamitan

-Unang gumawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga labanan sa boksing

-Tumagal hanggang mga 1400 BCE

-Nagwakas noong salakayin ang Knossos ng mga 'di kilalang mananalakay

~~~~~

-MYCENAEAN-

-Matatagpuan 16 km. ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean

-Pinag-ugnay ng mga maayos na daanan at tulay ang nga lungsod

-Napapaligiran ng mga makapal na pader bilang pananggalang

-Naging napakalakas na mandaragat noong 1400 BCE na nalubos nang masakop nila ang Crete

-Maraming salitang Minoan ang naidagdag sa wikang greek

-Naimpluwensiyahan ng istilong Minoan ang sining ng mga Greek

-ang ilang alamat ng Minoan ay naisama sa alamat ng Greek o Greek Mythology 💕

- Walang naiwang nakasulat na kasaysayan ngunit ang mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay lumaganap na siyang naiugnay sa mga tao't diyos-diyosan.

-Noong 1100 BCE, sila'y iginupo ng mga Dorian (Dorian? Ito 'yung mabaho, diba? Hohoho.)

-Nakilala bilang Ionian ang mga pangkat ng tao na tumungo sa timog ng Greece  sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Ang pamayanang kanilang itinatag ay tinawag na Ionia.

-Tinawag na dark age o madilim na panahon na tumagal din ng halos 300 taon.

~~~~~

-KABIHASNANG HELLENIC-

-Tinawag ng ilang pamayanan sa baybayin ng Greece ang kanilang sarili bilang Hellenes o Greeks. 

-Tinawag ang Greece na Hellas

-Ito ay tumagal mula 800 hanggang 400 BCE at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong naganap sa kasaysayan ng daigdig.

~~~~~

-Ang mga Polis-

-Ang mga pook na pinagtaguan ng mga Greek bago ang panahong Hellenic ay naging mga pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod estado o Polis. Hango ang salita sa pulisya, politika, at politiko.

-Tinatawag na acropolis ang mga polis na may payamanang matatagpuan sa matataas na lugar. Ito ang takbuhan ng greeks para sa proteksiyon.😉 Dito rin matatagpuan ang mga palasyo at templo kaya't ito ang naging sentro ng politika at relihiyon.

-Ang agora ay ang ibabang bahagi o pamilihang bayan.

-Nararamdaman ng mga Greek na sila ay bahagi ng pamayanan sa mga lungsod-estado. (Aww. <3)

Hindi lahat ng mga nasa polis ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binibigyang karapatang bumoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa korte. Dapat silang makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa mga polis.

-Ang metropolis ay ang pinagmulang lungsod-estado ng mga nangibang lugar na greek.

-Natuto ang mga Greek mula sa pakikipagkalakalan. Nakuha nila ang ideya ng alpabeto at teknik ng paggawa ng barko sa Phoenician, sistema ng panukat sa mga Sumerian, at ang sinsilyo at barya mula sa mga Lydian.

~~~~~

xx



School Reviewers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon