Hanggang nakauwi ako hindi ko alam kung tama ba yung sinabi ko, kung narinig ko ba talaga na sinabi niyang miss niya na ko. Dapat ba akong pumunta dahil inimbitahan niya ko o wag na dahil baka nandoon yung girlfriend niya. Nagiisip ako nang biglang nagtext si Erol "Hey Alexa, please sana makapunta ka bukas sa birthday ni Justin ah. Wala kasi akong kasama eh, reply ASAP. :)" sabi sa text, "Sige." sabi ko na lang.
[Kinabukasan]
Sabi sa akin ni Erol, 5pm daw ang party. Pero dahil ayokong ma late o atat lang ako dahil excited akong makita si Justin. Si handsome guy, si killer smile, si mokong na nanakit sa akin. Sabi ko sa isip ko habang naglalakad papuntang bahay nila pagkababa ko ng jeep. Pagdating ko sa bahay nakita ko yung yaya ni Justin. "Ui maam. Kamusta na po?" sabi niya "Ayos lang naman po, kayo po?" sabi ko naman, nagkakamustahan kami nun ng biglang may tumapik sa balikat ko galing sa aking likuran. "Excuse me?" sabi niya, kaya humarap ako sa kaniya. Si Kim pala. "Yaya, magluto ka na dun. Bilisan mo.." sabi niya sabay tingin at irap sa akin. Binigyan ko naman siya ng masamang tingin, hindi kaya tamang pagsalitaan niya ang isang tao ng ganoon. Gusto ko sana siyang sabihan pero naalala ko sila na pala. Bigla naman siyang sumenyas gamit ang kamay na umalis na ako. Huminga lang ako ng malalim para maalis ang bigat ng loob ko dahil baka di ko na matantiya eh. Lumabas na lang ako..
Habang palayo na sa bahay nila Justin nakasalubong ko naman si Erol. "Oh?" sabi niya "Bakit lumabas ka?" dugtong pa niya, ngumiti muna ako "Wala lang, wala pa masyadong tao eh. Di ko rin napansin si Justin." sabi ko naman "Ah sige dito muna tayo." umupo kami sa gilid ng kalsada, may dala siyang gitara kaya tumugtog na lang siya at ako naman ay kumanta.
Change The World - Eric Clapton
If I could reach the stars, I'd pull one down for you
Shine it on my heart, so you could see the truth
That this love I have inside, is everything it seems
But for now I find, it's only in my dreams
That I can change the world
I would be the sunlight in your universe
You will think my love was really something good
Baby, if I could, change the world
"Kabisado na ah, nice.." sabi niya "Sige nga, ikaw naman tumugtog nito.." kaya kinuha ko naman yung gitara at inalalayan niya ako sa chords. Tawa kami ng tawa nun ng mapansin naming may iba nang bisitang parating, yung iba mga taga-school at may mga kapitbahay rin siguro kaya pumasok na kami. Siguro mga lagpas 5pm na rin nun ng nakapasok kami, may DJ na nagpapatugtog ng music sa may bandang pool. Pero di ko pa rin nakikita si Justin. Yung ibang bisita kumakain na, may mga umiinom na schoolmates namin from higher levels. Kinapa ko yung bulsa ng pantalon ko, buti dala ko yung regalo ko.
"Wow, ayos tong kwintas na to ah. Skull ang style astig!" sabi ni Justin "Haha, ang cool ah.." sabi ko naman. Binili ko yung nakita naming kwintas na may skull na pendant sa isang store sa SM.Nadaanan kasi namin yun after naming kumain sa KFC dati. "Teka Erol, mauna ka nang kumuha ng food mag ccr lang ako" sabi ko kay Erol inaaya niya na kasi akong kumain eh, emo mode pa nga yung tao eh haha.
Nakalagay sa wood case yung regalo ko, di ko na nilagyan ng name ko. Basta nilagyan ko ng (Happy Birthday Mokong!) card. Siniksik ko na lang sa dulo para di agad makita tas bumalik na ko dun sa food, nagpacater pa sila at meron ding niluto lang sa bahay. Siguro almost 6.30pm na nun ng biglang nagtext si yaya sa akin. "Alexa, sunduin ka daw ni lolo mo sa gate ng school. Umalis na siya" sabi sa text, "Erol uwi na ko, sunduin ako ni lolo sa school." sabi ko kay Erol "Ah sige, ako rin wala na rin akong gagawin dito." sabi niya "Si Justin baka hanapin ka.." sabi ko naman "Nakausap ko na kanina.." sabi niya. Paalis na kami nun ng biglang tinawag ng DJ yung lola ni Justin para sa speech maya maya pa tinawag na rin si Justin. Di ko na tinapos yung sinasabi ni Justin at hinila ko na si Erol.
Buti natapos yung pagpunta namin dun ng maayos, di ako napansin ng grupo ni Alexa. Iniwasan ko na rin si Justin na makita ako. Buti na lang at andiyan si Erol kasama ko, nagpapasalamat ako at meron akong taong maaasahan. Lao na sa panahon ngayon, puro na lang problema. Nung tumungtong ako dito sa hayskul di ko naman inasahan na magiging ganito pala, mahirap, masaya nga pero parang di ko na kaya.
Pagdating namin sa school andun na agad si lolo naghihintay at kausap si ate guard. Meron kasing bahay yung mga guard saka tagalinis ng school sa loob mismo ng school sa likod ng garden. Nakita naman ako ni lolo. "Good evening po" sabi ni Erol sabay yuko "Lo, si Erol pala." sabi ko "Erol, lolo ko" pakilala ko sa kaniya. "Ah. Saan ba ang daan sa bahay niyo iho?" sabi ni lolo, tinuro naman ni Erol. "Ah, diyan din kami sumabay ka na.." sabi ni lolo "Sige na Erol, tara na.." pilit ko kasi parang nahihiya pa siya "Sige po.." sabi ni Erol. Sumakay na kami nun, medyo malapit lang yung bahay ni Erol sa school kaya bumaba na agad siya pagdating sa tapat ng village nila.
Napaisip ako, sana kung hindi lang lumayo si Justin sa akin. Napakilala ko na pala dapat siya kay lolo siugro pati na rin kay lola. Napangiti ako bigla, kasi pag hinahatid niya ako nun ayaw niyang pumasok sa loob.
-11/22/2008
[December 2008]
First week pa lang ng december, excited na lahat sa bakasyon. Nagaya na rin yung mga classmates ko na magbunutan na daw para makaipon ng pangregalo. Napagdesisyunan na 300 pesos ang minimum.
Di ko naman inaasahan na si Justin pala ang mabubunot ko. Buti na lang at si Erol ang nakabunot sa akin, kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Inannounce din ng adviser namin na magkakaroon ng presentation kada year. 2 number daw ng showcase ang ipapakita. Singing and dancing ang napagdesisyunan ng klase. Sina Kristina na member ng dance troupe ng school ang naging leader sa girls, samantalang sa boys naman si Rocky pa rin kasi sumusunod naman daw sila sa kaniya.
Halos ginagabi na kami araw-araw dahil sa practice namin, buti at wala palang test pag december dito. Isang hapon ang di ko inaasahan. Pauwi na sana ako galing sa practice namin sa gymnasium. Palakad na ako papuntang gate ng school ng makita kong magkaholding hands si Justin at Kim sa bench sa garden. Nakita ata ako ni Kim, hinalikan niya si Justin. Una parang ayaw ata ni Justin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang ngayon, nakaupo ako dito sa kwarto di ko makalimutan yun, nakakainis. Bakit kailangan niya pang gawin yun nung nalaman niyang nakikita ko sila. Masyadong PDA.
Binuksan ko na lang ang computer at nagdownload ng ragnarok. May card pa ako na binigay sa akin dati ni mokong! kaya ginamit ko yun. Nagulat ako at pagtingin ko sa guild ng namin, online pala siya. Ininvite niya ako sa party pero dinecline ko sabay close ng game.
Bata pa ako, gaya na rin ng sinasabi ng mga nakakatanda. Unahin muna ang pagaaral pero siguro sa mga kagaya ko na nagmamahal maiintindihan ako. Marami na siguro ang nakaramdam ng ganito, yung tipong nagmahal ka, mahal na mahal mo, iiwan ka, siguro ayaw na niya o nagsawa na siya. Iisipin mo kung may pagkukulang ka ba, dahil pakiramdam mo hindi na buo ang iyong pagkatao.
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.” - Bob Ong
BINABASA MO ANG
Unang Pag-Ibig (One-Sided Love Story)
Teen FictionA story of love that happened years ago. About someone's greatest "first love".