Aldus’ POV
“itong baby ko, si Rhan yung Daddy…”
Speechless…
Tinginan lahat sa reaksyon ni Mo… lahat nagpigil ng hininga para sa susunod na mangyayare. Walang gumalaw, walang nagsalita… kalmado parin ang paligid at ang tanging naririnig lang ay ang malakas na boses ng announcer na sinisigaw kung magkano ang gala dance ng susunod na sayaw sa kasal. Patuloy ko paring pinagmasdan ang muka ni Mo na para bang gusto ko naring pailawin ang flashlight ng cell ko dahil nakukulangan ako sa ilaw na ibinibigay ng mga cell nila Benjo at Mau.
Katahimikan parin ang bumalot sa malamig na atmosphere… napatingin ako kay Rhan na bahagyang umiling.
“Mo, -” mahinang sambit nito.
Pero agad din itong napahinto dahil sa biglang pagtawa ni Mo. Nagulat ang lahat at nagbago agad ang reaksyon ng mga muka namin.
“mga best actor at actress talaga kayo! Anong gimik naman to ha, Rhan?! Parang mga tanga to oh!” natatawa pang sabi ni Mo. Nagkatinginan kami ni Kian.
“seryoso to Mo” si Lindsay
“eh?!”
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
dalawang linggo na mula nung mangyare yung moment of truth, dalawang linggo narin kaming walang contact kay Mo. Matapos niya kasing malaman na totoo pala yung inakala niyang gimik lang, bigla nalang siyang tumakbo at iniwan kaming lahat hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon.
Nung gabing yun, imbes na ang plano ay dun kami magpapalipas ng gabi at kinabukasan nalang babalik ng Tuguegarao, naiba ng konti ang plano. Si Mo ang nagpumilit nang umuwi kahit nakapagpaalam naman siya sa parents niya. Inintindi nalang namin siya. Ihinatid na siya nila Mau, Lindsay at Benjo gamit yung pick up. Gusto ko rin sanang sumama nalang sa kanila pero sinabihan ako ni Mau na magpaiwan nalang at sabay sabay nalang daw kami nila Thor na umuwi bukas. Inisip kong mas okay din naman kung wala ako dahil kapag sumama pa ako, hindi ko rin nappigilan ang sarili kong hindi kausapin si Mo. Kailangan hayaan muna namin siya. Alam ko kung gaano kasama ang nararamdaman niya ngayon kaya kailangan naming siyang intindihin.
Madalas kong itext si mo pero wala siyang reply. Nagpapanggap pa akong kunwari nasa harap ng bahay nila para lumabas siya pero wala parin. Deadma lang. madalas niya ring icancel yung mga tawag ko. pati kina Mau din daw hindi siya nagpaparamdam.
May kasalanan din naman kasi kami. matagal na naming alam yung tungkol dun pero hindi manlang naming pinaalam. Kumbaga itinago talaga namin…
Nasa Cathedral ako isang hapon. Linggo kasi nun at kasama ko ang isang pinsan ko para magsimba. Nasa likurang bahagi kami ng simbahan at wala kaming mga upuan kasi hindi naman naming naabutan yung mass. Natigilan ako nang may makita akong babaeng dumaan sa harapan namin, kahawig ni Mo yung babae. Sinundan ko ito ng tingin at napansin kong may kasama pa itong isang lalake. Matangkad. Nakatingin lang ako dun sa babae at hindi ako maaring magkamali, si Mo nga yun! pero sino naman tong ipis na kasama niya?!
Trinay kong lapitan sila, pero dahil sa dami ng tao hindi rin ako makasingit ng mabuti. Pumuwesto lang ako malapit sa kinatatayuan nila at hanggang sa matapos ang mass ay hindi ko sila hiniwalayan ng tingin. Nagkaroon lang ako ng pagkakataon na makalbit siya nung patapos na ang mass at akmang aalis na sila.
Nakalbit ko siya sa likod at agad naman siyang napatingin sakin. bahagya pa siyang nagulat nung makita ako.
“Uy!” kalakip nun ang isang ngiting halata namang pilit.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Teen Fictioneto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.