Sarabeth's POV
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Friday
Maaga na akong pumasok sa Great Hall para kunin na ang mga ini-impake kong gamit.
Ayoko na din abutan ako nila james dun kundi patay ako dun kay james at jesster, sesermonan nanaman ako ni jesster at si james naman mangungulit nanaman kung maayos lang ang pakiramdam ko o hindi.
Makakabalik ako sa G.H , kaya ko to, top 13 ako kaya may kelangan pa akong talunin na 5 na tao para makapasok sa top 8. Ayos!! x)
.
.
.
.
.
Haysss>_____< sana nga kayanin ko.
G.H
Papasok na ako sa G.H ng may nakita akong nakatayo dun sa tapat ng pinto.
Binilisan ko ang lakad ko para makapunta sa G.H at ng makita ko na ng ayos ang mukha nya si James lang pala.
James??
?
?
?
Bakit ang aga nito??!!
6am palang ahh!! Hay nako.. JAMES !!
"Sabi na aagahan mo eh" sabi nya ng nakangit sa akin.
"Good morning!, syempre mahirap na baka abutan nyo ko dito eh buti nalang ikaw pa lang ang nandito" sabi ko.
"Good morning din, ahh.. Ganun ba? Oh ano ok lang ba sayo talaga na sa Star Section ka nalang?" Tanong nya.
Sabi ko sa inyo eh!! Tamo nagsisimula na mag tanong tungkol sa mga ok ok na yan.
"Syempre naman ok lang ako! Kukunin ko lang gamit ko ahh, baka abutan ako ni jesster eh sermonan pa ako nun" sabi ko habang papasok sa G.H
"Sinong manenermon?"
Ha?? Patay?! Pati sya andito na? Hayss..
"Ahh.. Ehh wala wala , kukunin ko lang mga gamit ko"
"Ayan na oh!" Binaba nya yung mga gamit ko sa tapat ng pinto ng G.H " ang kulit mo kasi eh! Sabi ko sayo magfocus ka naman kahit papaano sa pagaaral mo wag puro wattpad ang atupagin!" Sabi ni jesster.
Tignan nyo!! Ayan na sinasabi ko eh , nagsimula na din syang mang sermon daig pa pari eh!
"Oo na !! Mag fofocus na nga po ako eh! Pati wag mo na kasi ako pakialam, pati ba naman pagbabasa ko ng wattpad pinapakialaman mo" sabi ko sa kanya.
"Syempre! Concern lang ako sayo-.-"
"Ganun? Concern lang ba? Baka mamaya stalker kita ah tapos patay na patay ka pala sa akin wahahaha" pang aasar ko.
"S-stalker? Patay na patay? Di ah! Asa !" Sagot naman nya. Hmm.. Medyo namula ng konti mukha nya dun ah haha!!
"Osya, sige na! See yah next month, sure nanjan na ulit ako pag dating ng Monthly Examination haha" sabi ko sa kanila habang naglalakad na papunta sa building ng Star Section.
"Sige ingat ka ah" sabi ni james.
"Ingat ka! wag shunga shunga dyan sa star section ah!" Sigaw ni jesster.
Napag desisyonan ko muna na dumaan sa canteen para kumain 6:34 palang naman eh, mamaya pa ang start ng klase ng star section.
Umorder ako ng dalawang Fries at isang iced tea. Tapos nilabas ko ang aking iPhone para magbasa ng wattpad.
BINABASA MO ANG
She's a Heartbreaker
Teen FictionYung Crush mo, Famous sa School nyo. Yung Crush mo, Pinakamaganda sa inyo. Yung Crush mo, Heart Breaker. Ano ang gagawin mo para mahulog ang puso nya sayo? Mapapaibig nga ba nya? o Masasaktan lang sya? (Genre- teen fiction, Fantasy)