Wala ng pag aalinlangan kong aaminin sayo
Na ikaw lamang ang katangi-tanging gusto
Ng puso kong umiibig ng husto
Ipagtatapat ko na sayo itong paghangang totooNa matagal ko nang itinatago sa sarili ko.
Lalakasan ko na ang aking loob
Bahala na kung ako'y mabigo
Dahil para sa akin wala nang mas mahalaga paKundi ang ipaalam sayo na ikaw ay aking sinisinta
Pangalan mo sa'king tainga parang isang kanta
Kantang "KABA" ni Tootsie Guevarra
"Di makatulog sa gabi sa kaiisipSa diwa ko'y ikaw ang aking panaginip.
O bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
Anong hiwaga ang nadarama anong kaba?"Grabe hindi ba??
Kaya kung ikaw ay magiging akin
Kung pahihintulutan mo lang sana na ika'y aking mahalin
Hindi na ako magpapatumpik-tumpik paIpararamdam ko sayo ang pagmamahal na totoo
Pagmamahal na nararapat para sa'yo.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoetrySInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...