Sa Likod ng MAHIKA

81 1 2
                                    

*plaaaak*

''aray ko naman kuya!'' sambit ko na animoy nahihilo habang nakahawak sa noo. Paano ba naman tinititigan ko lang naman yung litrato ng isa sa mga pinaka kinahahangaan ko. Si Cliff Silverio isa siya sa mga sikat na artista sa buong pilipinas.

''ayan ka nanaman sa ganyan mong mukha nakakayamot ang aga aga!'' sermon ng kuya Loyd ko na naka cross arms pa habang nakatitig sakin ng may pangungutya.

''anu bang mukha ko ang sinasabi mo?'' tanong ko at ibinaling muli ang tingin sa litratong hawak ko.

''ganito oh!'' at ginawa nga ni kuya Loyd, (itsura ng malalim na pagtingin sa isang litrato habang naka 'kiss me face')

''oy ah! hindi mo bagay! ang panget kuya, inuulit ko ang panget!'' sambit ko habang tumatawa. Binelatan niya na lamang ako at ininum ng muli ang kape niya.

''ERIKAAAAAAAAA!''

''ay anak ka ng tatlong alien!'' pagulat na sabi ko, ng marinig ko nanaman ang bunganga ng bayan ay! este nanay ko pala.

''ERIKAAAAAAAAAAAAAA!''

Pabugnot akong tumayo sa upuan at naaksidente kong natabig yung kape at OH NO! natapunan ko ang kaisa isang pangarap ko. Yung litrato ng mahal ko! (O.A. crush lang eka, crush lang!)

''bwiset naman oh!'' sabi ko habang pinunasan ng agaran yung litrato ni Cliff gamit ang palda ko.

''sinong bwiset?! at Eka, aba! kanina pa kita tinatawag ah!'' nakuuu! gulo ito.

Tumayo ako at ibinulsa ang litrato ni Cliff at nakangiting lumingon kay nanay.

''anong nginingiti-ngiti mo diyan?''

Nag kamot ulo ako ng biglang....

''EKAAA BAKIT BASA DITO?!'' ay naku sumingit pa si kuya.. Bwiset talaga..

''anung basa at haaa?! hindi ko naman ka---"

*plaaaaak*

''nay naman bakit ba nambabatok? Batok Day ba ngayon?!''

''Eka! ang listahan ko ng groceries nabasa mo!'' yumuko ako at nagpipigil ng inis. (inhale, exhale)

''bwiset talaga! ma invade sana kayo ng limampung alien!~ lahat kayo!'' pasigaw ko at pumasok na ng kwarto.\

''alien daw! ikaw lang yun dahil master ka na nila'' pang asar ng kuya ko habang sinundan ako sa kwarto. WHAT THE!

''anu nanaman bang problema mo?!''

''problema ko? anu pa ba edi yang pagmumukha mo'' at pagkatapos ibinalibag ang pinto, ANG PINTO NG SARILI KONG KWARTO! WOW HA -_-

__________________

MAGANDA BA? ANUNG SAY MO? :))

Sa Likod ng MAHIKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon