"Take a piece of my heart to make it all your own,so when we are apart you'll never be alone~~"
Pumasok na pala si Sean kaya nagkakantahan na sila sa loob nang room. Halos dalawang linggo ding hindi pumasok tong gagong to kaya sobrang tahimik nang room. Bukod sa kay Jigger at Jonathan,isa siya sa pasimuno nang mga kaguluhan at kalokohan dito sa classroom 5-C.
"President! Hindi mo man lang ba ako namiss?" Bati sakin ni Sean. Agad ko namang sinagot nang batok ang tanong niya.
"Anong oras na wala pa si Sir Joel?" Nahalata ko rin nga. Kaya pala sobrang ingay at nakuha pang magkantahan nang mga kaklase ko. Tiyak na ako na naman ang malalagot nito sa advise namin. Paano ba naman sagot ko lahat nang mga kalokohan ng mga kaklase ko kaya ang lalakas nang loob na magsipag ingay at magkagulo. President kasi ako nang room namin at Vice President naman ako sa buong school. Si Aico naman,best friend ko at classmate ko rin ang president sa buong school at vice president naman siya sa room namin. Galing nang tambalan namin hindi ba?
Inikot ko ang mata ko sa buong room at lahat sila ay may mga sariling pinagkakaabalahan. Ang ibang babae ay nag aayos ng kanilang mukha,yung iba naman ay nag-uusap,yung ibang babae naman ay nakikisali sa pagkanta kasama na pinamumunuan ng Aico at si Sean ang gitarista. Yung iba namang lalaki ay nagpupukulan nang papel at yung iba ay ginagawang basketball ring yung trash can at si Aliah naman ay nagbabasa lang. Hindi ako nagkamaling ligawan siya. Bukod sa mabait,maganda at matalino rin siya. Napangiti na lang ako nang wala sa oras. Wala pa pala si Kastrid. Ang 'mortal kong kaaway' kuno niya. Hays, ba't kaya ang laki nang galit sakin nang babaeng yon? Wala naman akong ginagawa sa kanyang hindi maganda. Sa katunayan nga ay siya pa tong laging may ginagawang hindi maganda sakin kahit na bestfriend siya nang kapatid kong si Jules at lalaki pa yon ha. Feeling ko tuloy kung magiging zombie man siya ako ang una niyang kakagatin.
Bigla namang bumukas ang front door na agad naming kinagulat. "Si Sir. Louie lang ang tao sa loob nang faculty nung nagpasa kami nang assessment test. Ibig sabihin..." Naghiyawan sila sa in-announce ni Dave,Karl at Ryan-a.k.a tagapagbalita nang mga kalokohan at chismis na magpapasaya sa mga loko-loko kong kaklase.
Ba't pa nila kami pinapasok kung wala naman palang magtuturo? Hays. 4 hours din kaming maghihintay dahil pang Fifth Class pa namin si Sir Louie na P.E teacher namin.
Inaantok pa man din ako. Kinalabit ko si Reese na nasa unahan ko. Sa kalagitnaan kasi ako nakaupo." Pakigising na lang ako kapag may teacher na ha?" Nginitian niya naman ako.
Nakakapagod din pala maging estudyante at higit sa lahat maging president pa nang classroom na puno nang mga maloloko at iba't ibang klase nang studyante. Ipinikit ko na ang mata ko atsaka iniyukayok ang ulo ko sa table ko.
Mabilis akong nakatulog at hindi na namalayan ang mga ginagawa nang mga kaklase ko.
------------- -------------
This story is specially inspired by: Hell University and School 2017 and most of all to my friends and my sibling who encouraged me to continue this work.
Note:Sana po maintindihan niyo ang pagkukulang ko sa libro na ito kung meron man po kayong parteng hindi nagustuhan at higit sa lahat English is not my first language,which means I'm a not that fluent and I have a lot of mistakes in grammar and anything related to English language.
BINABASA MO ANG
Innocent Evil
Mystery / ThrillerIn this place all you have to do is open your eyes and see the reality. An ordinary school will turn to a mystery. Everything will be a mess. Sinful students must be punished At ako ang magpaparusa sa kanila. ------------ This story is inspired by:...