Ang sakit sakit para akong dinudurog, naaalala ko yung lyrics ng isang kanta ...kung di mo rin ipaglalaban sa iba ang puso ko...
tsaka yung isa pang kanta ... hindi ka ba nanghihinayang, nangayari ba'y ganun na lamang? ...
Bago pa ko tuluyang mawala sa katinuan, hayaan nyong ikwento ko muna ang puno't dulo nito .
Ayesha's POV
Piyesta ng aming bayan nung gabing iyon, masaya, maingay, maraming guests and live bands like orange and lemon, paraluman etc. pero sa kalagitnaan ng kasiyahan someone is staring at me at di ko alam kung sino yun. Yung mga guests kinailangan nila ng 6 boys at sa anim na yun may pumukaw ng atensyon ko maputi, matangkad malakas ang dating in short gwapo. Nung time na tinatanong yung name nila kinailangan naman naming umalis ng pinsan ko so hindi ko narinig yung pangalan nya. Pagbalik namin, hinanap ko yung lalakingyun pero someone is staring at me again, nung ginala ko yung mata ko yung lalaking nasa stage kanina ang nakatingin sakin so nagkatinginan kami EYE TO EYE, pero dahil di ko alam pangalan nya tawagin nalang natin sya sa pangalang HAE. Pero dahil gabing gabi na kailangan nanaming umuwi at di ko lam kung magkikita pa ulit kami :(
Adrian's POV
Piyesta saaming bayan kaya syempre may pagdiriwang, nakaupo ako nung mga panahong may dumaang babae sa harap ko, di sya katangkaran, kayungmanggi ang kulay pero maganda di ko mapigilan ang sarili ko titigan siya, di ko alam kung napapansin nya ba o hindi. Lalapitan ko na sana sya nung bigla akong hilahin sa stage nung isang guest para sa isang game. Pagkatapos nun nakita ko siya at kitang-kita ko nagkatinginan kami EYE TO EYE pero dahil hindi ko pa siya kilala tawagin ko nalang siya sa pangalang SARANG. Maya-maya tumayo na sila para umuwi at di ko alam kung yun naba ang katapusan ng aming lovestory :(
Ayesha's POV
Pagkatapos ng gabing yun di ako masyadong nakatulog, iniisip ko si HAE, kung anong pangalan nya, so para di ako masyadong ma-stress nagsimba ako, after nung mass, palabas na ako ng simbahan, nang makita ko siya nagkatinginan kami EYE TO EYE, kaya lang nagmamadali si mama kaya di nanaman kami nagkaroon ng pagkakataong makilala ang isa't-isa :(
Adrian's POV
Sayang talaga nung isang gabi dapat kasi nilapitan ko nalang agad si SARANG. Niyaya ako ng friend ko na magsimba, after ng mass nakita ko sya palabas ng simbahan nagkatinginan kami EYE TO EYE kaso lang parang nagmamadali siya kaya di nanaman kami nagkaroon ng pagkakataong makilala ang isa't-isa :(
Ayesha's POV
MAtagal na din ang nakalipas mula nung magkita kami. Enrollment na, kay di naging madali ang araw na ito para saakin. Nakita ko si HAE pero di na tulad ng dati may kasama syang babae at mukang girlfriend pa nya. Napatakbo ako sa sobrang sama ng loob :(
Adrian's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng makita ko siya sa simbahan. Enrollment na at kasam ko ang kapatid ko . Sa daan nakita ko siya nagkatinginan kami EYE TO EYE. Si SARANG ang nakita ko hinalikan ko muna yung ang kapatid at sinabing kong hintayin nya ako, pero ang babaeng hahabulin ko ay biglang naglaho :(
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang maliit naming mundo noon ay lumaki at lumawak ng lumawak hindi ko na nakita pang muli ang lalaking nagpa-paniwala saakin ng love at first sight. Ayokong maging unfair kaya di ko na nagawa pang magmahal muli. Si hae ang lalaking di ko alam ang real name ang tanging taong nagpatibok ng puso ko. Sa ngayon masaya akong naglilingkod sa panginoon bilang isang MADRE.
ITO ANG TADHANA KO AT HINDI ANG MAKILALA SIYA :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hanggang EYE TO EYE lang ang kinahantungan ng love story namin ni SARANG. HIndi na kami nagkita pa ng misteryosang babaeng nakita ko. Kung may panglawang buhay man kami sana hindi lang hanggang tingin ang makamit namin. I want to be with her. now, I'm a servant of God. Isa na akong PARI.
SIGURO ITO ANG TADHANA KO AT HINDI ANG MAKILALA SIYA :)
- WARFREAK03