Special Chapter

1.1K 12 11
                                    


Kung umabot ka sa parteng ito, gusto kong magpasalamat sa pagbabasa ng story ni Nathan at Chloe <3 Sana nawa'y nagustuhan niyo.


Matagal ko nang ginawa itong Wattpad account na 'to, pero medyo napabayaan ko dahil medyo naging busy ang lola niyo, so balak kong maging mas active so sana suportahan niyo. I appreciate your likes, comments and follow, sobrang nakakataba ng puso <3 You can message me anytime at kung may time ako ay re-replyan ko kayo. :)


As a way of thanks nais kong i-share sa inyo ang kaunting teaser sa published paperback book ko sa Pink&Purple (Bookware Publishing) na lumabas noong MIBF Oktubre 2017. Meron din itong e-book.


 Kamay ito ng friend ko, piniktyuran niya haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kamay ito ng friend ko, piniktyuran niya haha

Story ito nila Heidi at Eustace...


Chapter One


Ang dalawampu't tatlong taong gulang na si Heidi ay inakyat ang pinakatuktok na duluhan ng naka-elevate na semento ng rooftop na iyon. Matatagpuan ang rooftop sa palapag ng building kung saan makikita ang isa sa mga opisina ng piano shop nila.


Unica hija siya ng pamilya Foster, tanyag na nagmamayari ng piano and musical instruments shop sa Pilipinas.


Mula sa ibaba, nakikita niya ang animo'y galanggam na mga tao at mga parang laruan na lamang na mga truck at kotse. Isinasayaw ng hangin ang mga hibla ng buhok niya. Dilat-mata niyang ipinosisyon ang sarili sa harap ng isang napakalaking billboard.


Billboard ni Eustace del Santiago.


Twenty-five at lead vocalist ng bandang Blue na sumilab na parang apoy sa music scene may limang taon na ang nagdaan. Hindi lang ang baritono at soulful na boses nito ang umakit ng ilang kababaihan at paghanga mula sa mga kalalakihan, but Eustace possessed this charisma and aura, he had this personality that could draw in everyone. At idagdag pa, may image profile itong maihahalintulad sa isang male matinee idol.


Then with a bang of his one viral hit song, the generation's 'It-guy' in the industry was born.

Itinaas ni Heidi and kamay, hawak ng mga daliri niya ang isang kapirasong papel na nakatuping eroplano. Paperplane.


Alam niyang malakas ang ihip ng hangin, pero hindi niya marinig ang huni o hampas niyon, kaya hindi siya natatakot. Hindi din niya marinig ang pagbusina ng mga kotse sa ibaba, o ang masakit sa tenga na pagwe-welding sa katabing building ng building nila. Everything for her was still and quiet, maliban na lamang sa tibok ng puso niya.

Written In The Stars (Bookware Publishing MSV)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon