G8: EsP

1.2K 11 4
                                    

Yunit II: Ang Pakikipagkapwa

-Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay ng may kasama at maging panlipunang nilalang o social being at hindi ang mamuhay nang mag-isa o solitary being.

-Ang kapwa ay isang taong katulad at labas sa sarili.

-Kailangan ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa.

-Ang diyalogo o dialogue ay isang mahalagang patunay na ang tao ay isang panlipunang nilalang.

-Ayon kay Licuanan (1992), ang pakikipagkapwa-tao ay isa sa mga kalakasan ng mga Pilipino. Gayunpaman, ito'y isa rin sa kanilang kahinaan.

》《》《》《》《》《》《

-Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng Pakikipag-ugnayan sa Kapwa:

1. Paggalang sa pagiging indibidwal ng kapwa.

2. Pagpapahayag ng damdamin.

3. Pagtanggap sa kapwa.

4. Pag-iingat sa mga bagay na ibinahagi ng kapwa. (Confidences)

》《》《》《》《》《》《

~~~

Modyul 6:
Ang Pakikipagkaibigan

-Pagkakaibigan- pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) or pagpapahalaga (esteem)

-Ito'y hindi isang damdamin, bagkus isang pasiya dahil ito ay nangangailangan ng malinaw na hangarin.

-Sabi ni Aristotle, "Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito'y isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang..." (ang haba hosko)

-Ayon kay Aristotle (de Torre, 1980), natural na hangarin ng tao na makipagkaibigan sa kanilang kapwa. Ito ay dahil likas sa tao ang magmahal.

-Ayon kay Emerson, "Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito'y mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin."

Tatlong uri ng Pagkakaibigan ni Aristotle:

1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan.

2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan.

3. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan.

Ang mas malalim at makabuluhang pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan ng mabubuting tao na kapwa nagtataglay ng mga birtud at pagpapahalaga. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay tumatagal, katulad ng pagiging pangmatagalan ng birtud at pagpapahalaga.

Mga bagay na naidudulot ng pagkakaibigan ni Joy Carol:

1. Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili.

2. Natututuhan kung paano maging mabuting tagapakinig.

3. Natutukoy kung sino ang mabuti at di mabuting kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan.

4. Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipagkaibigan sa kabila ng ilang di pagkakaintindihan.

5. Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan.

Ang pagkakaibigan ay bunga ng pagbibigay at pagtanggap.


Sto. Tomas de Aquino: "Ang pagkakaibigan ay maituturing na isang birtud."

Aristotle: "Ang tunay na pagkakaibigan ay maaari lamang mangyari sa pagitan ng mabubuting tao."

St. Augustine: "Unti-unting magiging perpekto ang isang lipunan kung ito ay magiging lipunan ng malalim at makabuluhang pagkakaibigan."

Andrew Greeley: "Ang mabuting pagkakaibigan ay matibay na pundasyon at mabisang sangkap sa maraming uri ng ugnayan sa pagitan ng mga tao sa lipunan."

Mga Sangkap sa Pakikipagkaibigan (James and Savary, The Heart of Friendship):

1. Presensiya.

2. Paggawa ng bagay nang magkasama.

3. Pag-aalaga.

4. Katapatan.

5. Kakayahang mag-alaga ng lihim (confidentiality).

6. Pag-unawa sa nilalaman ng isip at damdamin ng iba (empathy).

Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi  kahinaan kundi kalakasan ng isang tao.

George Washington: "Ang tunay na pagkakaibigan ay dumadaan muna sa ilang matinding pagsubok bago ito ganap na malinang sa malalim na antas ng pakikipag-ugnayan."

xx

School Reviewers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon