R H A E
Ano nga ba ang standards ng mga babae sa mga lalake?
#1 : Gwapo siyempre! ( Nasa pagitan ng tsinito o mestizo)
#2 : Macho at may abs (Aminin! halos lahat ng bida sa mga storya ay mga hot ang katawan)
#3 : Matalino (alam mo na! 'Yong mga super genius, nakakanganga sa katalinuhang, mala-Rizal kind of guys) Smart is also handsome.
#4 : Prince Charming from A book: Mala-Christian Grey ang galing sa tooooooooot (suited for RPG pips), Mala-Sherlock Holmes sa talino, Mala-Edward Cullen ang pagtitig sa inyo (aminin super in love tayo sa mga characters ng libro)
#5 : Supersweet ('Yong tipong daig pa ang mga taong may diabetes sa ka-sweetan sa pagpapakilig sa'yo.)
#6 : MMM (Matandang, Mayamang, Madaling- mamatay) Oh! Apat na M pala 'yon kasali ang mamatay. Para lang naman 'yon sa mga gold-digger.
Hay. Bakit ba gano'n ang mga babae? Mas mahal pa ata ang mga karakter sa libro. Ayan tuloy sobrang taas na ang standards sa mga lalake.
Pero wag kayo. Sa Isang-daan porsyento ng mga babae sa mundo may mga iilan pa ring babae na hindi tumitingin sa pisikal na anyo...
"Oi ano bang binabasa mo riyan at halos nabibingi kana at hindi mo ako narinig?"
Napatingin ako sa taong nagsasalita.
"Good morning, Calcifer." Ngumiti ako sa kaniya.
"Ugh, anong klaseng ngiti ba 'yan. Wag mong sabihin nagbabasa kana naman ng Fifty Shades" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Hoy hindi ah! Sira ulo!" Mabilisan kong tinago sa likod ko 'yong aklat na binabasa ko.
Siguro nga kasali ako sa 1% ng mga babae.
Kasi 'yong tipo kong lalake....
Napatingin ako sa gilid ko. Mga ilang taon na rin kami magkaklase at magkaibigan ng sirang ulong 'to.
Wala namang pinagbago. Ayon cute pa rin siya kaso....
"Calcifer good morning! Bitbit mo ba 'yong sinabi ko sa'yo kahapon?"
Isang magandang babae ang lumapit sa desk namin. Specifically sa upuan ni Calcifer.
"M-minna.. s-syempre hindi ko 'yon makakalimutan." At namula naman si tanga.
Si Minna, siya siguro ang pinakamaganda sa classroom namin ngayong taon. Muse ng klase sa officers pero.... Bobo.
"H-heto 'yong pinaayos mo sa g-grammar na article. Na e-edit ko na 'yan kagabi tamang-tama pa-pasok pa sa deadline mamaya sa English." Uutal-utal na sagot ni Cal.
"Tch." Hindi ko napigilan.
Siraulo talaga hindi ba niya alam na halatang halata siya sa pamumula niya? Hindi ba niya alam na mestizo siya? Pinapaikot lang siya ng Minna na'to eh. Kasi halatang-halata!
"Waaaah! Lifesaver ka talaga Calci! Salamat talaga sa uulitin ah!" Sabay hawak pa sa kamay ni Calcifer tapos nagpacute pa bago umalis.
"W-walang anuman.B-basta ikaw Minna!" Nahihiyang sagot ni Calcifer pero mas lalo lang siyang namula.
"Oi!"
"B-bakit?"
"Hanggang kailan mo ba gagawin ang assignments ng bruhang 'yon?!" Inis na pagpra-prangka ko sa kaniya.
"Ha? Ah eh, sobra ka naman hindi naman bruha si Minna, ang bait nga niya eh." Paglalaban ni Calcifer.
"Aba! Marunong kapala magsalita ng deretso bakit kanina utal-utal ka ata?" Tiningnan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With The Fat Guy
أدب نسائيParati akong na-a-attract sa mga matatabang bagay. Ang cute kasi, tapos parang parati silang masaya at huggable kapag may problema ka. Pero isang summer, may nakilala akong isang mataba na hindi kasing saya ng mga stuff toy ko na matataba. Pero hind...