Marrying Mr. Suave

78 8 1
                                    

A/N: Para sa mga bigoteng inahit, naahit at aahitin.

Para na rin pala sa mga may bigote! ahahah XD

Chapter 1

<< Jella >>

“KYAAAAAAAHHHHH!!!!”

P*ta, makasigaw parang sinisilaban!. Ang landi college na pero kung kumilos at mag-ayos daig pa yung mga hooker sa kalsada.

“O ho hoi! Yung kinakapatid mo tinitilian na naman ng mga chikinini girls!” – Grace

Nakangiti pa sya habang pinapanood kung pano sila mag-landian.

“whatever!” kung sabagay nakakatawa nga naman na silang panuorin. Para silang mga aso na sinusunod lahat ng sabihin ni Emil, just to get his attention.

“so? Ano? Wala na ba si best friend?”

“ou wala na, pwede ka ng pumasok XD" - Grace

Kasalukuyang may meeting ang buong faculty syempre kasama na rin yung best friend ko na si dean.

T*ngNa lang talaga! Matitikman niya ang galit ko. Pagkatapos niya akong ibagsak! Nag kasagutan kasi kami kaya niya ako binagsak. Abah! Hindi lahat ng sinasabi ng mga nakatatanda ay tama. May karapatan din tayong mga kabataan na mag salita kaya nga tayo binigyan ng Diyos ng bibig para gamitin diba? Masyado niya lang pinersonal yung nangyari samen.

Kaylangan ko pa tuloy na mag-summer. Hayop sya! Sino ba namang tamad pumasok ang gustong mag-summer? Wala diba? graduating na kasi ako kaya di ko na sya pede kunin next sem.

So, I promise to myself na gaganti ako! Duh! Hindi uso sakin ang magpatawad at di magtanim ng galit! Kapag naging masyado ka kasing mabait aabusihin ka lang nila! So better yet, maging masama nalang kesa abusuhin ng iba.

“anong plano mo?” – Grace

“hmmm… lalagyan ko ng chewing  gum yung upuan niya.. anu pa ba? Eh kung yung buhok kaya niya?”

“ok din yun. Kaya lang mild lang yun eh. Eh kung lagyan mo na rin kaya ng ipis at daga yung table, yung cr niya, yung cabinet, anu pa ba?” – Grace

“buong office nalang kaya?” oh diba ang supportive lang niya! Ganyan ang tunay na kaibigan kasama sa kalokohan!

“ay! Ou nga mas winner yun! Teh” – Grace

Agad naming isinagawa ang plano. Syempre yung chewing gum muna sa upuan at sa buhok. wala pa kasi kaming daga at ipis. Iginulong muna namin sa sahig yung chewing gum para mag kulay dark yung kulay at maging kakulay ng upuan niya then idinikit na namen sa upuan at sandalan yung chewing gum. Muahahahahaha!!!!!! Ang dami pa man din naming nilagay! XD

Naunang lumabas sakin si Grace. Gusto ko pa kasing pagmasdan mabuti yung office ng best friend ko, para may maisip pa kong pang surprise sa kanya!

Nakarinig ako ng mga yabag kaya dali dali akong nagtago sa ilalim ng table.

Maya maya nakarinig ako ng…

“Ooooohhhhh!!!! Yeahhhh…. F*ck harder.. hmmmm…”

T*ngNa! Poorita! Di ba nila kayang mag bayad ng motel? Ang cheap!

“Sssshhh! Wag kang maingay!”

Oho ho hoi! So may kalandian pala syang teacher! Hmmm… kukuhain ko na sana yung cp ko para videohan sila. Nang may biglang kumatok!

Bwusit! Ang aking oh so suave na kinakapatid pala ang kumakatok. Sayang may pang black mail na sana ako! XD

“mam yung report po kanina naiwan nyo daw po pinabibigay po ni Sir Jobert!” -  Emil

“ah ok”

Narinig ko na nagbukas at nagsara na yung pinto.

“I think we should go” – Best friend

Nang makalabas sila, lumabas na rin ako. Naglalakad na ako pauwi nang maramdaman kong may sumusunod sakin ! F*ck! Ang dilim pa naman sa nilalakaran ko.

Maya maya may humawak sa balikat ko! Syempre dala ng bugso ng damdamin, Hinawakan ko kaagad ang kamay niya at binalibag ko sya na parang unan. Wew! Ang lakas ko talaga!

“Aray! Jella ako to!” - Emil

Oh oh! Si oh so suave ko palang kinakapatid!

“eh bakit ka kasi biglang nanggugulat?”

“malay ko ba na magugulatin ka pala” – Emil

Inirapan ko lang sya.

“oi, pumunta ka daw sa bahay may sasabihin si ate!” – Emil

O_O anu daw? Pumunta daw ako sa kanila? So ibig sabihin?

“ou! Nagluto si ate ng mga paborito mo!” – Emil

So, gora na lang di ako marunong tumanggi sa pagkain eh.

Pagkatapos kong mabusog isang nakakawindang, nakakagulat, nakakasuklam, nakakadiri, nakakasulasok, nakakapagpagababag at nakakarimarim na hiling ang sinabi sakin ni ate Nikki ang ate ng aking oh so suave na kinakapatid.

“Please Marry my brother”

Aww..  pwede bang kumanta nalang ako ng marry your daughter?

A/N: waley! ahahaha and oh picture sana ng ex ko yung ilalagay, bigotilyo kasi yun kaya lang baka magalit eh...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marrying Mr. SuaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon