He is on Fire ( Ongoing)

40 0 0
                                    

Ang mga gusto ko sa mga lalaki yung di masyadong matngkad, kayumanggi lang ang kulay at higit salahat ayoko ng sikat. Eh paano kung lahat ng mga sinabi mo eh ikaw din mismo ang kumain? pano kung mainlove ka sa taong hindi ganun ang mga tipo mo?

Ang paghanga talaga walang pinipiling tao o lugar nu,  paano mo ipaglalaban ang pag-ibig na hindi mawarian? o yung tipong marami kang kaagaw?

CHAPTER 1

Isang simpleng estudyante lang ako, pumapasok, nag-aaral, uuwi at papasok ulit kinabukasan. Accountancy ang course ko mukang pang matalino pero hindi average lang ang utak ko, hindi ako nerd tulad ng iniisip nyo, sabi ko nga yung tipikal na estudyante na nakikita nyo at ang motto ko SIMPLICITY IS BEAUTY. PBA addict ako, Eleina Villaraza pala ang bida sa istoryang ito :) YUng bestfriend ko si Isa Frencheska Tan UAAP naman ang bet nya.

Niyaya ako ni Isa na manood daw kami ng UAAP Semi Finals nung una ayaw kong sumama pero dahil nag-inarte na yung kaibigan ko napasama tuloy ako. malapit ng mag-start ang game pero nagpaalam  muna ko kay Isa na magc-cr akoo, Ang boring kasi wala man lang akong kilala doon.Nung medyo mahina na yung mga cheer ng mga fans ibig sabihin malayo na ko sa venue at dito na magsisimula ang makulit, nakakaasar pero ROCK na LOVE STORY ko :)

"ELENA" Nagulat nung may tumawag sa pangalan ko, inisip ko yung kaibigan ko kasi medyo malaki di boses nun eh. "Bakit mo pa ,...." Naputol yung sasabihin ko ng makita ko na isang lalaki nga ang tumawag sakin, takte matangkad, maputi, basketball player to. Pano ko nalaman? Naka uniform sya ng pang basketball eh, Naputol yung iniisip ko ng magsalita ulit sya "Elena bakla ka ba?" huuuwaaat? gustong magwala ng mga cells ko sa katawan dahil sa narinig ko, sa dami ng naisip ko ito lang nasabi ko " Anoooo?"

"Bakit ka kasi sa CR ng lalaki papasok? Pagtingin ko nasa  harap nga ako ng CR ng lalki. oH. MY bakit ba ko nandito? "Teka nga pano mo nalaman pangalan ko?" imbis na magsalita tinuro nya lang yung likod nya, nakalimutan ko may name ko nga pala sa likod yung suot ko.

"Excuse me Mister hindi ELENA ang basa sa name ko, ELEINA yan as in ELEYYYYYNA" Natawa lang siya, tapos tumalikod na, bago siya makalabas sinabi pa nya yung pangalan ko "ELENA" tagalog na tagalog.

Pagkabalik ko di man lang ako napansin ng kaibigan ko pano busying-busy sa pagtili. Pagakatapos nung game panalo yung team nila sebastian it means panalo yung school namin tapos sya pa best player 32 points 15 rebounds and 5 assists lang nagawa best player agad? kalokohan naman. Nagulat ako hinila ako ni Isa " Lei pa-picture naman kami" Nagulat ako kasi dami naman ng player kay sebastian pa siya nagpa-picture. Nung kukunin na ni Isa yung phone nya nagsalita si paepal na Sebastian " Ikaw Elena di ka ba magpapa-picture?"

Bwiset talaga to Elena ng Elena sabi ng Eleina eh. " No thanks, Pati It's ELEINA not ELENA" halatang halata na gulat na gulat si Isa sa mga nangyayari kasi di naman nya alam ang mga pangayayari. "Nga pala bakit sa C....." Di na nya naituloy yung sasabihin nya kasi pinutol ko na " SHUT UP OR ELSE I WILL KILL YOU" mahina pero madiin na sabi ko.

Pagkatapos nun umalis na ko, kapal talaga nya bwiset. badtrip talaga, narinig ko pa yung pagtawa nya, Sumunod naman saakin si Isa, Hanggang sa sasakyan nagtatanong sya kung anong nangyari pero dahil badtrip ako tinulugan ko lang siya.

CHAPTER 2

Mamimili ako, I mean di pala ako si manang Lucing pala makikisama lang ako dahil wala akong magawa. Lima lang kami sa bahay si Mang Lucing ang taga luto, Si ate Tal ang tagalaba, Si ate Sam ang taga linis, Si manong Roger ang Driver at syempre ako, wala parents ko sa bansa ibig sabihin wala sila sa Pinas. I'm the only Child kaya mahal na mahal ako, iisa na nga lang ako baliw pa.

Nagpaalam ako kay Manang na mag C-CR, bago ko pumasok dinouble check ko muna kung female ang nakalagay dahil baka .. eh bakit ba pumasok sa isip ko yung tao na yun ? Anong sinsabi nilang maliit ang mundo ? Malaki ang mundo kaya di na kami ulit magkikita pa nun. nung nasa loob ako ng isang cubicle may narinig akong malakas na nagsara ng pinto kaya napalabas ako bigla, nagulat ako as in nung makita ko sya, kakasabi ko palang na malaki ang mundo parang gusto ko na tuloy maniwalang maliit nga lang. " Hoy! anong ginagawa mo dito? Namboboso ka nu?"

"excuse me, kung ikaw lang Elena ang bobosohan wag nalang, kahit ihayang mo pa katawan mo kahit rapist at manyakis di ka titingnan"

Ang kapal talaga sabi kaya nila MAnang Sexy daw ako. "teka, Ano ba kasing ginagawa mo dito, Bakla ka nu?"

"Hindi ako bakla nu, gusto mo patunayan ko? Hinahabol kasi ko eh, gustong mag pa-picture eh ang dami. I'm Tired na kasi"

Kadiri talaga tong tao na to eh, immoral masyado. sosyalin ha, Instant celebrity.

"Pagbigyan mo na, fans mo yan eh" sabay binuksan ko yung pinto, narinig ko pa yung sinabi nya 

"Humanda ka sakin"Mabilis na lumipas ang mga araw at dahil dyan Monday nanaman. Napanaginipan ko siya kagabi at kadiri BF ko daw yun, susmaryosep, gusto kong magpatawas.

Nagrereview ako sa ilalim ng puno ng biglang may tumakip sa mata ko, sino kaya to, imposibleng si Isa dahil nakikipag date yun sa jowa nyang kalbo.

"Sino ba to?" Tinanggal nya yung kamy nya, gustong lumuwa ng eyeball ko nung nakita ko si sebastian.

"Maka takip ka ng mata ko, feeling close ka ah."

"Can I have your number miss?"

"ayoko, di kita killala" tapos nun umalis na ko baka mamaya ipa-salvage ako nun sa ginawa ko sakanya.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang nasa room ako di ako mapakali pumapasok sa isip ko si sebastian, di ko tuloy maintindihan ang topic wala ko sa sarili ko nakalimutan ko na kung pano mag add or kahit minus. Jusko, baka kinukulam ako ng lintik na yun ah.

kriiiiiiiiiiing ..

Pagkalabas na pagkalabas ko ng room di pa man lang ako nakakahinga may humila na agad sakin.

"Hoy! san mo ko dadalhin?" Gogo to ah, makahila kala mo naman close kami.

"Diba ayaw mong maglunch kanina?" oopss wala kong sinabing ayaw kong maglunch kanina, ang ayaw ko sya yung kasama ko.

"Hoy! ipapa pulis kita dyan, kidnapping ang tawag sa ginagawa mo sakin"

"Edi magsumbong ka" Tss -.- Gogo talaga.

"Ano ba kasing kelangan mo?" pinaikot ko pa yung mata ko para ipakita sakanya na nakakainis sya.

"Patext ako" susmaryosep aatakihin ata ko ng alta presyon sa tao na to inabala ako at hinala ko para lang makitext? 

"Shabu pa more"

"Anong shabu pa more?"

"Nagsha-shabu ka ata e, hinila mo ko at inabala para lang makitext? wala ka bang kaibigan? o dun sa mga fans mo malamang magkakandarapa pa yung mga yun na ibigay yung phone nila sayo"

"Ibigay mo na yang phone mo o sisigaw ako ng nira-rape mo ko, tingnan natin kung di ka kuyugin ng mga babe dito" Syet! grabe to, nira-rape sya whaaat theee. medyo makapal tala neto e, pero dahil wala naman akong magagawa binigay ko na yung phone ko sakanya at ayoko din naman na sumabog yung muka ko sa mga babae nya.

"Oh! kapal neto" di naman na nya pinansin yung sinabi ko, may tinext naman ata talaga sya sa phone ko, pero wala pa din talaga kong tiwala.

"ito na, makapag damot ka ng phone mo, pangit naman ng wall paper mo"

"wala kang pake, sino bang tinext mo?"

"wala ka na dun." tapos bigla syang nag evil smile, tapos tumalikod na.

"shabu pa more" tapos biglang tumunog yung phone ko.

[ I have your number ELENA ]

Gogo talaga yun ah, magnanakaw!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He is on Fire ( Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon