Ang buhay ng mga Pilipinong Teenager ay masayang tunay. Sila ay kinikilig kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Hindi nawawala ang biruan at tuksuhan. Sila ay hindi nagpapahuli sa mga kalakarang nauuso. Sa katunayan, sa kanila nagmula ang mga salitang hiphop, hataw, jologs atbp. Paborito nilang pakinggan ang mga tugtutuging heavy metal. Ngunit kinayayanutan naman ito ng kanilang mga magulang. Ang mga tugutugin ito ay bunga ng pagkahilig sa mga musikang hatid ng kanluranin. Totoong naimpluwensyahang mabuti ng mga Amerikano ang ating mga teenager, ang mga hikaw sa tainga, ilong, dila at kung saan pa na hindi masikmurang mga matatanda. Gayundin ang ibat-ibnag istilo ng buhok saka pananamit.
Bagamat hindi lamang pawang kasiyahan ang buhay ng teenager. Dahil mayroon din silang tungkulin dapat gampanan. Kung sila man ay gumigimik, tinitiyak nilang tapos na ang takdang-aralin sa paaralan at pati ang kanilang obligasyon sa tahanan. Batid nilang kailangan magsikap sa pag-aaral, mahalin at sundin ang kanilang mga magulang at mga ugaling Pinoy na Pinoy. Paunlarin ang kanilang kakayahan at hangaring ipagmalaki ang bayang Pilipinas.
Dahil responsable ang mga teenager, kaya naman ay patuloy ang suporta ng kanilang mga magulang, guro at kaibigan.
Hindi tototng mababaw ang mga Pilipinong Teenager, dahil ang totoo magaling lang silang magdala!