CHANCES

12 2 0
                                    


  Ako si Bianca at isa akong LONER. Kuntento na ako kung hindi man ako kausapin ng ibang tao. Ika nga, WALA AKO PAKE. Di ko ugaling mangialam.


Hanggang isang araw..


Yung tahimik kong mundo..


Naging maingay.



"Hi!! Ako nga pala si Carlo.." Pakilala niya sa akin na may nakalahad pang kamay.

Nagulat ako dahil ito ang unang pagkakataon na may naglakas-loob kausapin ako.

"Uy!! Hala.." Pumitik kasi siya sa harap ko na ikinagulat ko. "Di ka ba nagsasalita?? Pipi ka ba?" Bulong niya sa akin. Nagulat pa ko ng ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako. "Ah.. Haha.. Sorry.. W-wala kasi ako makulit, kakatransfer ko lang din kasi sa school na 'to.. Hmm.. Alam mo na.." Sabi niya na napakamot pa sa ulo.

Di ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa itong ikwento sa akin. Sa dinami-dami namin sa room, ako pa napili niyang kulitin.

Sa halip na sumagot ay mas pinili ko na lamang na lumipat ng ibang upuan at naglagay ng headset sa tenga. Akala ko titigil na siya pero nagkamali ako.. Dahil tumabi pa siya sa akin.

Di nga niya ko kinukulit pero malikot naman siyang katabi.


DUMAAN ang ilang araw ngunit ganun pa din ang ginagawa niya. Ayoko man tingnan pero sinilip ko na kung ano ang pinapanood niya.

Nanonood pala siya ng variety show ng mga korean. Panakaw akong nanood at di ko napigilan mapangiti kasi totoo siyang nakakatawa. Ngunit nagulat ako nang mapatingin sa akin si Carlo. Mabilis kong niligpit ang mga libro para umalis pero parang may kung anong kuryenteng gumapang sa akin nang hawakan ni Carlo ang kamay ko.

"Uy sorry naman, promise di na kita lilingunin, tara manood na tayo??" Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi na. May gagawin pa pala ako sa library." Pagkasabi ko nun saka niya ko binitawan at umalis na ko.


DUMAAN ang ilang araw, linggo at buwan.. Nanatili siyang nasa tabi ko palagi. Tahimik pero alam kong nagmamasid siya. Pasimple niyang nilalapag ang cellphone sa desk para makita ko din ang pinapanood niyang variety show.

Hanggang sa nasanay ako sa ginagawa niyang ito. Hindi na rin ako naiilang sa kanya. Minsan nagtatanong siya sa akin tungkol sa mga assignments or activity, sinasagot ko na din siya.


"Alam mo? Ang weird mo." Nabigla ako sa sinabi niyang iyon.


Nasa lilim kami ng Punong Narra. Nagrereview ako nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Hinayaan ko na lamang siya dahil nakita kong naglabas din siya ng books at ballpen.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya habang abala sa pagsusulat.

"I don't know, siguro hindi lang ako sanay."

"Sanay saan?"

"Kasi you're supposed to be like others, nag-aayos, chitchat dito, may mga friends." Tiningnan ko lamang siya. Hinahanap ko sa kanya yung dahilan kung bakit nasabi niya ang mga bagay na yun. Bumalik din ang tingin ko sa notebook ko.

"People are different in their own way. Katulad mo, bakit ka nandito? Bakit ako lagi binubuntutan mo imbes na ang kasama mo ay mga lalaki?" Nakatingin lang siya sa akin.

"Kasi.. Pareho tayong.. WEIRD?!?" Napangisi na lamang ako sa sinabing iyon. "Wow!! Ang ganda mo pala pagngumiti.." Dugtong niya.


Chances (Short Story)Where stories live. Discover now