ang kanyang surprise

22 2 0
                                    

nangyari itong first love ko noong second year collage ako, dati hindi kame magkakilala pero habang tumatagal nagiging close kame hangang naging magkaibigan at sa nalaman namin na mahal na namin ang isa't isa naging kami, sobrang saya ko dati kase meron na akong partner sa aking buhay, noong magthithird year na kami, siya ay lumipat sa ibang school medjo malayo dito pero maghihintay ako para makita ko siya muli, pero kapag walang pasok umuuwi siya dito.

malayo kami sa isa't isa pero honest ako sa kanya lagi akong nagpapaalam kapag may gagawin akong puwede niyang pagselosan pero para yun sa mga project at activities namin dito sa school, lagi din akong tumatawag sakanya para marinig ko ang kanyang matatamis na salita at ang kanyang magandang boses, maraming beses na din akong nagbigay ng mga love letter sa kanya at ganoon din siya. Alam natin mahirap ang long distance relationship pero may tiwala ako sakanya at alam ko ganoon din siya.

noong ika-24 ng Mayo 2013, itong araw na ito ang pinakamabigat na nangyari sa aking buhay.

Hay 2nd anniversary na namin, last week lang nagaway kami, hindi ko siya pinapansin sa cellphone ko, kamusta na kaya siya? Bibisita kaya siya dito? Siguro masyado ko siyang nasaktan dahil sa nagawa ko? Sana naman makapunta siya ditto para mapatawad ko na siya at mapatawad niya din ako.

Mayamaya may nagdoor bell sa harap ng bahay. Akala ko si Kyle ung nagdoor bell un pala tagadeliver ng mga regalo, sabi ng tagadeliver na may nagpapadeliver nito sa akin agad ko naman pinirmahan itong resibo at sabay bigay itong kahon na may nakasulat dito

        “para sa minamahal kong Chessy galing kay Kyle na nagmamahal sayo”

Bigla akong napangiti at bigla kong ding naisip na hindi na talaga dadating si Kyle kase andito na ang regalo niya para sa akin pero mamayang gabi ko na ito bubuksan baka kase dumating siya eh.

Hindi ako mapakali at may konting kaba na nararamdaman ewan ko kung baket, nakatingin ako sa aming bintana at kapag may naririnig akong tumitigil na sasakyan sa harap ng bahay bumibilis ang tibok ng aking puso kase baka siya yung parating pero walang dumating na Kyle sa harap ng bahay, nung tinignan ko ang aking orasan, 9:36 pm na, kaya naisip ko na hindi na talaga siya darating kaya binuksan ko na ang kahon na nang galing sa kanya at ang una kong nakita ay isang letter kaya binasa ko kaagad ito

         “uy Chessy, una sa lahat sorry dahil hindi na kita masyado nakakausap kase sobrang busy ako ngayon at dahil doon siguro naiisip mo na nagbababae ako pero nagkakamali ka diba sabi ko ikaw lang ung nagiisang babae dito sa  puso ko wala nang iba, diba kapag gumagawa ako ng mga kuwento, ikaw lage ang partner ng bidang lalaki (kase ako yuon xD) hahaha, basta magbabago na ako ngayon para sayo at siyempre dapat na din akong makabawi sayo, kung alam mo lang kapag hindi kita nakakausap hindi kompleto ang araw ko.

Tanda mo pa ba yung sinabi ko dati? Na kung saan ka Masaya doon na din ako kahit masakit, kaya kung gusto mo nang makipagbreak sa akin tatanggapin ko yuon at sana makahanap ka nang mas Masayang kausap, kasama, anu pa ba? Basta yun kase ayaw kitang nakikitang malungkot gusto ko lagi kang Masaya di ba kung mahal mo ang isang tao dapat mong nang bitawan kapag ayaw niya na sayo?. .

Sana Makita na kita ulet^^ gusto na kasi kitang mayakap eh, Sige happy 2nd anniversary! Mahal na Mahal kita! 

 sorry hindi ako makakapunta busy ako dito eh, bawi na lang tun ako sayo paguwi ko”

 ang corny niya masyado pero mahal na mahal ko din siya, tawagan ko na lang siya mamaya miss ko na din siya eh.

At pagkatapos kong mabasa ang kanyang love letter may nakita akong necklace sa kahon na regalo niya, ang ganda ng necklace hugis butterfly ung nasa gitna nito at may papel din na nakasabit sa necklace at ang nakasulat ay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ang kanyang surpriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon