SUNATA (sunog na TAE-I-O-U)

218 1 0
                                    

SUNATA (sunog na TAE-I-O-U)

(Mga kwentong may kwenta tungkol sa lansangan, kubeta at eskwelahan)

Isang napakabahong umaga ang sumambulat kay Ryan, paano ba naman nakatutok sa kanyang mukha ang bunganga ng kanyang kapatid na si jommel kaya nagising siya agad at dali - daling bumangon. Nag mamadali siyang naligo na parang bibe, ni hindi nabasa ng husto ang buhok nito at wag ka ni hindi man lang ito umabot ng dalawang minuto. Gone in 60 seconds lang ang peg.

Kumaripas siya ng takbo dahil mahuhuli na ito sa kanyang klase kahit na tatlong tambling, limang kembot at pitong kendeng lang naman ang layo ng bahay nila mula sa kanilang eskwelahan. Pag pasok niya sa eskwelahan agad niyang nakita ang kanyang guro na si Ms. Dimaculangan.

Ryan: Goodmorning Ma'am! Sabay ngiti na parang Doberman.

Ni hindi siya pinansin ng nag mamaasim na guro. Sa isip-isip ni Ryan, maluwag din ang turnilyo sa utak netong titser na to binati mo na nga galit pa sayo?! Buset! Wika niya.

Nauna na siyang pumasok sa classroom at dali - daling umupo sa sulok katabi ang kanyang kaklase na si Gil. Si Gil ay mabait, madaling kausap at ang pinakamasarap sa tamad sa klase na kagaya ni Ryan ay studious si Gil. Almost perpek ika nga kaya maraming nagkakagusto dito, Isa na rito ay si Rose na kaklase din nila. Mag kakababata si Rose at si Gil ngunit lingid sa kaalaman ng lahat kagaya nang mga bida at kontrabida sa pelikula at teleserye ay may tinatagong sikreto si Gil. Pilit itong hinulaan ng mga Characters.

Ryan: Aswang ba siya?

Narrator: Mukha lang siyang aswang pero di siya totoong aswang.

Rose: Secret Agent ba siya?

Narrator: Oo! Agent siya! Pero di secret agent. Agent siya ng Avon, Natasha, at MSE. Ano kukuha ka ba sa kanya ng items?

Napakunot noo nalang ang kawawang si Rose.

Ms. Dimaculangan: Alam ko na! sa mga kinikilos ni Gil.... Tingin ko ay Alien siya!! Nag mamayabang na sagot nito.

Narrator: Yon! Sa wakas! Mali na naman!

Jommel: ( nakapikit pa't kakapunas lang ng panis na laway) Beki si Gil! Dingdingdingding! At tila may nahulog na mga confetti dahil natumbok ng naalimpungatang si jommel ang sikreto ni Gil...

Gilda sa gabi.

Narrator: Nagtataka kayo kung paano na hulaan ni Jommel ang sikreto ni Gilda no? eh kasi mag kadugo sila!

Ryan: Magkakapatid kami?

Rose: Oh My G! kapatid mo si Gil? Infairness kamukha mo siya pag nakatakikod.

Ryan: Kamukha pag nakatalikod? Mukha? Yung likod? (naguguluhan)

Ms.Dimaculangan: sabi na't unang tingin ko pa lang sainyo e? alam ko ng mag kapatid kayo! Nag mamayabang na sambit neto.

Narrator: OO! Tumama kadin! Mag kapatid sila pero hindi sa laman kundi sa dugo! Parehong pink ang dugo nila! Mas matingkad nga lang ng konti ung kay jommel.

Kapag na sa Paaralan ay lalakeng lalake kumilos at umasta si gil ngunit ibang usapan na pag siya ay na sa kwarto niya. Pilit na isinusuot ang lumang blusa ng ina. Pati ang bra bagamat kinakalawang na ang pang kawit neto at bacon na ang strap neto ay pilit niya paring isinuot maging ang panty nang kanilang kasambahay na may Wednesday pang burda ay di nakatakas kay Gil. Kung titingnan lang sa panlabas na kaanyuan ay brusko talaga tong si gil, ganun lang talaga siguro ang buhay yung mga di mo inaakala ay yun pala ang totoo.

(SA LOOB NG KLASE)

Nag salita ang Titser sa A.P (Araling Panli***an) na si Ms. Djakwarovski. Okay class our topic for today is all about, greek mythology. Napapanganga lahat ng estudyanteng lalake pag nagsalita na si Ma'am A.P. tska napansin nyo ba? ang ganda ng apelyido nya no? pang IMPORT! Oo kasi ung tatay nya ay Lalakeng Russian tapos nanay niya ay Babae,Babae lang. lahat naman ng nanay ay babae. Iniwan na sila ng erpat niya at hindi na sila binalikan yun ang laging kinukwento sa amin ni Ms. Djakwarovski, wag daw naming tutularan ang ginawa ng kanyang ama sa kanila. siguro sobrang sama talaga ng loob niya sa kanyang Ama kaya ganun lagi ang kwento at sa amin lagi nag kukwento, wala siguro tong kaibigan... yun ang naglalaro sa isip ko. Maganda si Ma'am nakakainspired mag-aral pag ganito kaganda ang titser mo. Sobrang dami din ang nanliligaw dito meron kaming nakikita na sumusundo sa kanya pag uwian na, pulis,bumbero,karpentero,sepulturero,hardinero,boksingero at haciendero pero wala siyang napusuan sa lahat ng nanligaw sa kanya parang boyish type din kasi tong si Ma'am A.P titibo tibo paminsan- minsan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SUNATA (sunog na TAE-I-O-U)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon