Ipasa mo (Oneshot)

394 28 8
                                    

Kasalukuyang nagsusulat ng lecture  sa history ang aming terror Teacher na si Ms.Cruz sa board

Lahat tahimik at maayos dahil walang gustong mapalabas ng wala sa oras

Ang BORING....  

Yan ang nasa isip ko habang nagsusulat

Nilingon ko na lang si red sa kabilang row na kasalukuyang tahimik na nagsusulat

Napangiti naman ako ng sekreto :)

Ang gwapo talaga ng crush ko !! kahit saan anggulo mo tingnan

Pero kailan nya kaya ako mapapansin? Haaaaay tama na ang drama !

Kumopya nalang ako ulit ...ng bigla akong kalabitin ng katabi ko

"Galing kay lyka yan"sabi nya saka abot sa kin ng lukot na papel

Binuksan ko naman ito agad at binasa ang nakasulat

~Hey sis! May goodnews ako alam ko na kung saan nakatira si papa R mo :))

Bigla naman akong napalingon kay lyka na nasa kabilang row .Binigyan nya naman ako ng 'ma-ni-wa-la-ka-look'

Nagsulat na ko sa papel na pinagsulatan nya

~hala!! Turo mo sa akin puntahan natin mamayang uwian :D

"Ipasa mo"bulong ko sa katabi ko tapos ganon lang ng ganon hanggang sa makarating kay lyka

Sanay naman na mga kaklase ko dahil ganto rin ang ginagawa nila pag gusto nilang makipag usap sa bestfriends nila ng patago. Wag nga lang papahuli kay Sarah, sya kasi ang dakilang sipsip at sumbungera ng classroom namin -_-

Pinag hiwa-hiwalay kasi yung mga mag bebestfriends para daw walang ingay

Ang saklap kasi ng pwesto naming dalawa, dulo sa dulo kaya!

Ako   *   *   *   *                                   *   red   *   *   lyka

     (row ko)                                                   (row nila)

Buti pa si lyka eh. Malapit lang kay Red :(

"oh" — katabi ko

Binuksan ko na ulit yung papel

~sure sis! Hahaha mukhang pursigido ka ah ^^

Nag sulat na ulit ako agad

~yah! Ako pa, lahat gagawin ko para sa crush ko ;-) kyaaaaahhh!! Excited na ako gusto ko ng mag uwian!

Ps: I LOVE YOU RED IVAN SANTOS!!!!!! <3 MWUAH ;*

Tapos pinasa kona ulit. Sinundan ko naman ng tingin yung papel

Hanggang sa makarating sa row 2, ng hawak na ni red yung papel para ipasa sa katabi nya ay biglang sumigaw si sarah

"MA'AM ! MAY NAG UUSAP NANAMAN SA LAST ROW , GAMIT ANG CRUMPLED PAPER!!!"

Kinabahan naman ako bigla  shet anong gagawin ko!!

"SINO NANAMAN ANG GUMAGAWA NYAN!! UMAMIN NA KAYO KUNG HINDI DAMAY KAYONG LAHAT!!" sigaw ni ma'am , na mas lalong nag pakaba sa akin

"Ma'am si lyka at shane ang nag uusap, at kung hindi ako nagkakamali nasa row 2 na yung papel" sumbong ni sarah

"KAYO LYKA AT SHANE !, GAANO BA KAHALAGA YANG PINAG UUSAPAN NYO AT KAILANGAN NYO PA GAWIN YAN SA KLASE KO. INTERESTING BAYAN BAKA PWEDE NYO NAMAN I-SHARE YAN SA AMIN. NASAAN NA BA YUNG PAPEL?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ipasa mo (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon