Malayo ang tingin, nangangarap ng gising
At dito sa'king piling ika'y sumiping
Nabuo ang isang munting pangarap
Ang pangarap na ika'y mapasakin
Niyakap mo ako ng mahigpit
At nakinig sa iyong tinig
"Mahal sa iyo lang ako" yan ang aking narinig
Ako'y napangiti, namula sa kilig
Ginising mo ang puso kong natutulog ng mahimbing
Paru-paro sa'king tiyan ay nagliliparan
Sa tuwing lalapit ka at ako'y hahagkan
Tadhana nga bang masasabi
Ang makasama ka kahit sandali
O panandaliang saya kong maituturing
Ang pagtambay mo sa'king piling?
Tatlong oras na'kong ganito
Nananaginip ng gising
Nakatulala sa bintana ng sinasakyan kong jeepney
Late narin ako papasok sa trabaho
Sa haba ng trapik na ito
Nakagawa na ko ng istorya patungkol sa'ting dalawa
Kung saan minsan ika'y naging akin.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoesíaSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...