Sa pagdaan ng panahon
Hindi ko inakalang mapapagod din ang
Tadhanang naglapit sa ating dalawa
Ngunit sa pag alis nito sumabay ka papalayo sa akin
Binalot mo ako ng saya
Kasabay nito ang mainit mong mga yakap
Ngunit sa bilis ng pagbaba ng sikat ng araw
Ganun din kabilis ang pagsikat ng buwan
At sa ilalim nito sa malamig na simoy ng hangin
Pinilit kong akapin ang mga alaala ng mainit nating kahapon
Sa bawat bulalakaw na aking masisilayan
Ako'y humihiling at nagbabakasakaling maari pa nating maibalik
Ang mga init at kilig.
Dito sa bintana ng aking kwarto
Nakatunganga at tulala
Habang ako'y gumagawa ng tula
Tula patungkol sa pansamantalang tadhana
Storya ng pusong napag iwanan
Sa kalawakan ng kawalan
Sa malapad na kama ng luhaan
Dito nakita kong nakaratay ang aking katawan
Sana hindi nalang natapos ang kahapon
Sana maari nating gamutin ang mga sugat ng ngayon
Sugat na hindi natin alam kung kailan maghihilom
Isang pangamba na dulot ng tadhanang minsa'y nagbakasakali.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoetrySInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...