CHAPTER - 23

5.8K 238 7
                                    

[ Chapter 23 ]

------------------------------------------------
Savanah's POV

"Napahiya ako dahil sayo!" 

Si Mrs. Principal yan nandito ako ngayon sa office niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako lang ang ipinatawag nito dahil kasama ko naman si Wendy nang mangyare yun  at tsaka yung dalawang babae.

"Sabi ko nga po Ma'am hindi nga po kami ang nanguna." Mahinahong sagot ko. Ang kulet niya kase kanina niya pa pinagdidiinan na bakit ko inaway yung babae, eh hindi naman niya alam ang buong istorya e.

"Wag mo 'kong gawing tanga dahil mismong mga estudyante na ang nagsabi."

"ANO!?" Napatayo ako. "Nagsisinungaling lang sila Ma'am, tsaka nagsilabasan na sila ng dorm nung nagsimula na kaming magaway!" Inis na sabi ko.

"Aba! ang lakas ng loob mong sigawan ako ng ganyan Ms Smith. Tandaan mo principal ako at nasa opisina kita." Banta niya.

Edi lumabas tayo dito!

"Sorry po. Ang sinas-----"

"Nasabi mona ang sinabe mo kaya tumigil kana. Sa ngayon dahil sa nangyari, bibigyan kita ng parusa." Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ang ngisi nito.

"Nasabi kona nga pero bakit kailangan parin ng parusa? hindi naman po tama 'yan. Wala kaming ginawang kasalanan at lalong hindi kami ang nanguna." Sumbat ko.

"Kahit na. Magiging unfair naman ako sa mga estudyanteng naparusahan ko kung hindi kita paparusahan diba?" Sabi nito at nagtungo sa bintana. "Madali lang naman ang ipapagawa ko Ms. Smith. Kailangan mo lang naman magstay---"

"A-Ano?"

"Hindi pa ako tapos. Kailangan mo lang naman pumunta sa Library at tulungan si Mr. Pastor na ayusin ang mga libro dun. Madali lang diba?"

"K-Kailan po ako magsisimula?"

"Baka gusto mo ngayon na? pero siyempre mabait pa naman ako kaya bukas nalang." Nakangiting sabi nito.

Wow ah? sa tingin niya mabait pa siya niyan ah?

Hindi nagtagal lumabas na ako at nagpasiyahang magpahangin na muna.

Hayyy.. panibagong hirap nanaman.

"Oh! you again!" Napalingon ako sa nagsalita.

"Jeyd."

"Kamusta? bakit ganyan itsura mo?" Tanong niya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Hmm... wala. Pagod lang siguro."

"Ahh.. sa likod ba ng court punta mo?" Tanong niya.

Tumango ako. "Ikaw din ba?"

"Oo. Masarap kase ang hangin dun at tahimik. Kailangan 'kong magreview para sa darating na test." Nakangiting sabi niya

"Ah ganun ba? samahan na kita wala naman akong gagawin e." Sabi ko na ikinaliwanag ng mukha niya.

"Talaga? sige ba!"

Nagtungo na kami dun kaso natigilan ako sa paglalakad ng makita si Kennedy na makakasalubong namin.

Nang makita naman niya ako ay dali-dali itong naglakad at hinila ako. Hindi kona nagawang lingonin si Jeyd dahil sa mahigpit na paghahawak niya sa kaliwang braso ko.

"Ano ba Kennedy? nasasaktan ako!" Sumbat ko at binawi ang kamay ko.

Dinala niya ako sa isang kwarto parang abanduna na ito at madaming mga sira-sirang gamit.

The Evil University(COMPLETED)Where stories live. Discover now