Way back 2011!
3rd year College ako!
At pitong taon na rin ako nagtitiis sa puder ng guardian ko.Animo'y Cinderella Story ang buhay ko dito. Di naman ako sinasaktan physically. Pero mentally and emotionally stress na ako dito. Since 2nd year high school ako nagkikimkim ng galit sa mga taong tumutulong sa akin sa pag aaral.
Pero bakit ganon sila kina kuya? Bakit parang hindi nila itinatratong anak at kapatid. Ganon ba talaga ang mga tao. Laging may gap sa isa't-isa?
Kung sarili nilang kadugo ganoon ang
pagtrato nila pano na lang kaya akong
Hindi nila kaano-ano diba?Yung mga kaklase ko sawang-sawa na sa mga pag-iyak at pagsabi ng mga hinaing at sama ng loob ko. Araw-araw. Yung parang kanta na lang yung naririnig nila sakin na halos kabisado na nila ang lyrics. Sa twing nakikita nila akong nakatulala. "Oh ano pinagalitan ka nanaman ba ng step-mother mo? "
"Hay nako, ang bata-bata mo pa daig mo pa may pasan ng mundo."
1st year high school ako with honors ako. Top 6 pa nga ako overall na yon. Yeah. Inachieve ko talaga yan. Dahil pakonswelo ko sakanila na nag-aaral ako ng mabuti sa kabila ng lahat.
Ganito pala talaga ang nakikitira lang no?
Gumigising ako 4:00 am para mag-painit ng tubig, magsaing at maglinis ng mala-mansyon nilang tahanan.Ako lang. Lumaki akong walang alam sa mga gawaing bahay. Ultimo magwalis ay hindi ko alam kung paano. Nung sinubukan kong maghugas ng mga pinggan at baso. Nagsisidulasan sa kamay ko yung mga baso at lalo silang dumami.
Hindi sila kuntento sa linis na ginagawa ko. Marumi pa rin. Ganoon sila kametikuloso. Wala akong magagawa ganon talaga ako. Hindi maganda ang pagpapalaki sakin kaya ganon.
There are times my step-mom calling me bastard. Pinapamukha niya sakin na ampon lang ako. Kasi sino ba namang matinong tatay na hindi ipapagamit ang apelyido niya sa sarili niyang anak. Oo hindi apelyido ng tatay ko ang ginagamit ko. Apelyido ng kinakasama ng nanay ko ang ipinagamit na apelyido sa akin. Complicated ba? Well malalaman niyo sa katapusan. Dahil matagal pa ang katapusan. Wag na munang pag-usapan.
Tinatawanan niya ako sa tuwing napapaiyak ako kapag tinatanong niya kung sino ang nanay ko? Paano ako napunta sa Papa ko. Bakit ako iniwan ng nanay ko? Kung bakit iba ang apelyido ko sa Apelyido ng Papa ko. Kung hindi ko daw ba maiisip na ampon lang ako.
Bakit ko iisiping ampon lang ako. Eh sobrang pagmamahal ang ipinaramdam ng Papa ko sa akin. Hindi ampon ang turing sa akin. Itinuring niya akong prinsesa, ni minsan hindi ko naramdaman na hindi niya ako minahal. Talo pa ng RELATIONSHIP GOALS ng mga kabataan ngayon ang relationship goals namin ng Papa ko.
Kaya kahit sa huling paghinga niya. Ibinilin pa din ako ng Papa ko sa taong alam niyang tutulungan ako. Yun ay ang half-sister ko na anak niya kay MAMA(yung step-mom ko). Oo tama ang narinig mo yan ang tawag ko sakanya. Mama. Kahit alam kong nakakangilo sa pandinig niya na tawagin ko siyang mama. Yun ang sabi ng ate ko na itatawag sakanya. Pero sabi naman ng kuya kong nabaliw na wag ko raw tatawaging Mama ang mama nila dahil hindi daw kami tanggap sa bahay nila.
Magulo ba? Ganyan talaga buhay ko. Magulo pa sa inaakala mo.
Mabalik tayo sa relationship goals namin ng papa ko. Mahal ako ng Papa ko. At mahal na mahal ko siya. Siya ang first love ko. Super first love.

BINABASA MO ANG
Welcome to my Life
Short StoryTotoong istorya tungkol sa depresyon. Nakaranas ka na bang mag-mahal at di suklian ng pagmamahal? Eh ang mahalin pabalik ng taong mahal mo? Ang lumandi sa iba? Marami tayong dinaranas sa buhay natin. Minsan masaya, palaging malungkot. Laging lamang...