Unang Bahagi

35 1 0
                                    

*Dedicated po kay Miss Kaila Olaya😂,ayan na po naisulat na kita ng story*

~~~~~

Hinding hindi ako magsasawa na dalan at bigyan ka ng mga mapupulang rosas at sabihin sayo kung gaano kita kamahal kahit na hindi mo man lang ako binibigyan ng sagot.Araw-araw na nagaayos para lang ikaw ay mapaibig ko ngunit ako'y bigo pa rin.Di bale ng minsan ay nahuhuli ako sa klase dahil sa lagi akong pumupunta sa inyo bago ako pumasok para lang bigyan ka ng paborito mong rosas.Hindi ko alam kung nararamdaman mo na kung gaano ko kagustong hawakan ang iyong mga kamay at yakapin ka at ng sa ganoon ay hindi na kita mapakawalan.

Araw-araw ay ganoon ang ating laging ginagawa,ako na maagang pumupunta sa inyo at kinakausap ka pero ikaw naman itong hindi ako sinasagot.Lagi na lng bang akong maghihintay na sana balang araw ay saguting mo naman ako?Pero kahit gaano katagal ay asahan mong maghihintay ako para sayo at para sa pagmamahal mo na matagal kong inaasam.

Naalala ko tuloy noong una kitang nasilayan,sa simabahan na pareho tayong pumupunta,nabighani mo ako ng sobra dahil sa iyong kagandahan para kang isang mahika na sobrang gandang tingnan at paulit ulit na panooring at hindi ka magsasawa.Doon mismo nalaman ko na napamahal na ako sayo kahit na hindi pa kita lubos na kilala basta alam ko ay binihag mo na ang puso ko.

Makalipas ang isang linggo ay bumalik ako ng simabahan nagbabasakali na nandoon ka pero nabigo ako sapagkat wala ka doon,pero hindi ako nawalan ng pagasa na makita ka ulit dahil alam ko na hinding hindi kita makakalimutan at sa pagkakataon na makita kita ulit ay sisigiraduhin ko na makikilala na kita at ipadadama sayo ang pagkabighani ko.

Nagdaan ulit ang ilang mga linggo na hindi man lang kita nahanap o nakita pero ang hindi ko pala alam ay masosorpresa ako sa makikita ko sa pagpasok ko sa eskwela.

~~Flasback~~
Naalala ko na late ako sa first day of school ko dahil sa nalate ako ng gising,nagmadali ako at tumakbo ng pagkabilis bilis papunta sa eskwela.Pagkadating ko sa classroom ay sermon agad ang aking inabot,ipinakilala ang aking sarili at saka pinaupo na ng guro.

Iginala ko ang aking paningin sa buong klase para makahanap ng bakanteng upuan at doon ko nakita ang babaeng bumighani sa akin sa may likod at sakto pa na bakante ang tabi nito kaya hindi na ako nagisip na hindi doon umupo.Labis ang saya at tuwa ko na makita siyang muli at agad agad akong nagpakilala.Giavanna Margarette pala ang pangalan niya pero mas gusto niyang tinatawag siyang Margarett.Obvious na hindi ko maalis ang tingin at atensyon ko kay Margarett,mas maganda pa pala siya sa malapitan.

~~End of Flashback~~

(Torete Version of Moira😍)

100 RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon