"Babe, magkaiba tayo ng section.."
"Oo nga babe.."
"Pano na yan... Kaya ba natin ang long distance relationship???"
Natatawa na lang ako sa mga naririnig ko dito sa elementary building. Grabe lang talaga! Haha! Ayos yung mga lovelife nung mga bata. Samantalang ako... huhu.. wala ehh.
Well anyways, ako nga pala si--
"Aray??! Ano ba? Di mo ba nakikita na magpapakilala na'ko sa mga readers?" LETSE TO. Bigla ba naman akong batukan?
"Ay sorry Vienne, kanina pa kasi kita tinatawag eh, di mo'ko naririnig."
"Oo na pabalik na'ko sa room, hinatid ko lang naman kapatid ko eh. Abangan nyo na lang ako dun. Bye Des!" Medyo paepal yung bestfriend ko na yun ah. Anyways, alam nyo naman na pangalan ko, I'm Vienne. tas yun yung BFF ko, si Des. Maganda yun, pero mas maganda ako! HAHAHAHA. Ok, enough.
Pabalik na'ko sa room ng may narinig ulit akong grade 6 couples na nag-uusap, rather, nag-aaway?
"Babe, sorry na."
"Hmp, ewan ko sa'yo."
"Ano bang nagawa kong mali? Sabihin mo na please para bati na tayo."
"Tss. wala."
"Wala naman pala eh. Edi bati na tayo? Hug mo'ko babe!"
"Letse! Dun ka makipag-hug sa babaeng pinahiram mo ng eraser!"
HAHAHAHAHAHAHHA! Laughtrip na'ko dito sa mga to. Makabalik na nga lang sa room.
Natapos ang buong lesson, bagong pasukan pa lang naman kaya walang ginawa, kaya niyaya ko yung mga pwends ko na mag-gala.
Hinintay ko muna sila sa may first floor, kung saan ang mga room ng grade 6. Ng may narinig ulit akong nag-uusap na couples. Ang tsismosa ko no? MWAHAHAHAH. Di naman, malakas lang talaga sila mag-usap kaya naririnig ko.
"Babe, di mo na'ko ihahatid?"
"Sorry babe, cleaners eh."
Bigla naman ng dumating sila Des tsaka yung iba ko pang kaibigan, kasama na rin yung boyfriend ko na si Dave. Nag-gala gala kami sa buong subdivision, tapos may nadaanan kaming isang tindahan.
May tatlong bata na naglalaro. Dalawang lalaki at isang babae. Mukhang galit yung babae. Ay hala wait? Mga grade 6 students lang din to sa school namin ah.
"Sabihin mo nga! Anong mas gusto mo? POGS o AKO?"
HAHAHAHAH! Natatawa lang ako kasi yung babae na bata, paiyak na, tas tumakbo na lang yung kalaro nung isang lalaki, tinangay lahat nung pogs. Laughtrip amputek!
Pagkatapos namin mag-gala. Syempre umuwi na kami. Pero bago yun, nag-usap pa sila Des at yung bf ko. Ok? Anong meron? Ahm.. Siguro naman walang malisya yun, bestfriend ko si Des, di nya naman siguro papatusin yung boyfriend ng bestfriend nya diba? DIBA?
Natapos na ang mga sumunod na araw. Linggo na. Nandito kami ngayon sa may simbahan, kasama yung mga kaibigan ko, at yung bf ko. Nasa may labas na kami kasi ang dami ng tao sa loob.
Humiwalay muna ako sa grupo kasi nagugutom ako, bibili muna ako ng siomai, ahehe.
Habang hinihintay ko yung order ko. May batang babae na may kausap sa telepono ang biglang nakasanggi sa'kin. Nag-sorry naman kaya pinabayaan ko na lang.
"Babe? Nasan ka na ba? Akala ko ba sabay tayong magsisimba?"
"Sorry babe, next time na lang, nanonood pa kasi ako ng Goin' Bulilit."
BINABASA MO ANG
Grade 6 couples be like (One Shot)
RomantikIniintindi mo yung lovestory ng iba. Anyare naman sa mismong lovestory mo? (c) akisses [MehRah] 2k14